Skip to playerSkip to main content
  • 34 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong December 15, 2025


- Presyo ng bigas sa Blumentritt Market, nanatiling abot-kaya | Dept. of Agriculture: Stable ang presyo at supply ng bigas


- Presyo ng ilang Noche Buena items sa Blumentritt Market


- Pag-water cannon ng China Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Sabina Shoal, kinondena ng ilang grupo


- VP Sara Duterte, sinabing may panibago na namang "fishing expedition" laban sa kaniya


- San Beda Red Lions, champion sa NCAA Season 101 Men's Basketball; 24th team title in history | Perpetual Altas, bronze medalist sa NCAA Season 101 Men's Basketball matapos talunin ang Benilde Blazers, 87 - 75


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30Ames, ano na ang presyo ngayon?
00:35Maris, kung ngayong Desyembre, wala pa namang pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan at ramdam na mga mamimili yung stable na presyo ng bigas.
00:44Sabi ng DA, hindi lang daw presyo maging supply ng bigas ay stable sa mga pamilihan base sa kanilang monitoring.
00:5039 pesos per kilo ang pinakamababang local rice na mabibili sa pwestong ito sa Blooming Treat Market sa Maynila.
01:01Mayroon ding 50 pesos per kilo.
01:03Sa imported rice, naglalaro ang presyo sa 47 pesos. Hanggang 57 pesos per kilo depende sa klase.
01:09Ayon sa Department of Agriculture, stable ang presyo at supply ng bigas sa kabila ng pinatupad na importation ban
01:15at mga pinsalang na idulot ng mga nagdaang bagyo sa mga taniman.
01:20Si Lito na may-ari ng isang karinderya ramdam daw yan, kaya kalahating kaba ng imported na bigas ang binili niya.
01:26Nadadagdagan namin yung kanin. Yung takal. Medyo maganda kita.
01:32Mayroon ding mga mamimili na ilang kilo lang ang binibili, dahil tight ang budget.
01:38Gaya ng security guard na si Philip na suki ng local rice.
01:41Malaking kaluwagan din. Kasi yung pwede mo na magamit sa ibang bilis.
01:50Tatlong beses kada linggo rin bumibili ng bigas ang junk shop helper na si Antonio.
01:54Nakaalogro ng konti. Kasi batit-batit lang.
01:59Ayon sa nagtitinda, may ilang local rice na tumaas ng piso ang kada kilo noong nakaraang buwan.
02:04Sabi ng ilang mamimili, sana raw ay hindi na gumalawang presyo ng bigas, lalo pat magpapasko.
02:08Magpapagkasa sa bahay. Ayun ang magpapagkasa sa bahay. Ayun ang magpapagkasa maganda.
02:15Mataas. Parang ipit ang pera sa busa.
02:22Samatala Marie, sabi ng DA, mag-iimport ulit ang Pilipinas ng bigas pagpasok ng Enero.
02:28Kung gaano po karami, depende doon sa supply hanggang sa susunod na anihan sa buwan ng Marso at Abril.
02:34Yan ang balita mula rito sa Maynila.
02:35Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
02:39Balik tayo sa Balintawaka Market.
02:40At dito nga po, nakikita po natin. Ito yung mga gulay na madalas na ginagamit natin pansoga sa paghanda natin ng Noche Buena.
02:48Sa carrots, ang repolyo, itong bagu beans.
02:52Pero dito po napansin natin ngayon na medyo makaas po yung presyo.
02:57Halimbawa po, itong bagu beans ay nagkakahalagang ngayon ng 220 per kilo.
03:05Ang sitcharo, sitcharo, ito yung sitcharo na to.
03:09Ito madalas na ilalagay sa chapsuy, ganyan.
03:11Sa pansit, 470 pesos per kilo.
03:15Samantalang ang carrots naman ay umaabot po ng 70 pesos per kilo.
03:19Ang repolyo ay 70.
03:23Ang broccoli, ito po ay umaabot ngayon sa 230 pesos per kilo.
03:29Medyo mahal din po yung mga bell pepper.
03:31Yung green na bell pepper, umaabot ito sa 290 pesos per kilo.
03:36Yung pula, 150.
03:38Samantalang ang patatas naman ay umaabot ng 100 hanggang 120 pesos per kilo.
03:43O sapin natin yung nagtitinda rito.
03:45Malika, saglit lang.
03:47Yung presyo ng ibang mga gulay dito, halimbawa itong bagu beans,
03:51ang sitcharo, medyo mahal.
03:53Ano inaasahan natin sa mga darating pang araw?
03:56Mamahal pa ba yan?
03:57Karamihan po sa mga gulay tuwing may okasyon po,
04:00like Christmas po, hanggang po yan po ng New Year is po.
04:03Opo.
04:04Taasa po natin na tataas po talaga.
04:06Tataas pa.
04:06So yung presyo dito, halimbawa ng sitcharo na 470,
04:09pwedeng tumas pa yan?
04:10Pwede pong bumaba, pwede pong sim-simple.
04:14Kasi maraming namimili, yun ang hinahanap.
04:17Ay, opo.
04:17Dahil yan po ang kailangan sa okasyon.
04:19Kailangan doon sa panghanda nila, di ba?
04:21Kaya, asahan na ho natin na baka ho magkaroon tayo ng pagtaas na presyo ng ilang mga gulay.
04:27Kaya ho nito.
04:28So ano may papayo mo sa mga kababayan natin?
04:30Hindi naman sila pwedeng mamili na ngayon at parang hintayin ng Pasko.
04:36Ano may papayo mo sa mga namimili?
04:38Ano lang po.
04:39Kasi sa mga presyo, hindi naman naka-estable po yan.
04:43Minsan po kasi bumaba ba, tumataas.
04:45Kaya hintayin na lang po natin hanggang sa pag-abot ng Pasko, sa okasyon, gano'n po.
04:51Kasi para po malalaman kung ano po talagang kapresyo.
04:56Ano ba?
04:57Kumusta ba doon sa mga kinukunan nyo?
04:58Marami ba?
04:59O kula?
05:01Di ba dahil doon sa mga nagdaambagyo?
05:03Ano nangyari?
05:03Ano, nasa ngayon po, medyo nakakabawi na po sila.
05:07Yung mga supply po, medyo dumadami na po.
05:09May mga party pa po ng lugar na hindi pa yung mga stock.
05:15So ang asahan po natin, baka magkaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin gaya ng mga gulay.
05:22Dahil sabi nga, pagkaganitong Pasko, tumataas ang demand.
05:24Opo, especially po talaga pag mga bagyong gulay po.
05:28Okay, salamat.
05:29Ayan, dito naman po tayo, ang presyo ho nitong bawang ay maabot ngayon sa halagang 100 pesos pag hindi ho balat.
05:42Pero ito, pag yung balat na, maramihan na lulutoin nyo, pwede na ho kayong bumili niyan, 120 pesos per kilo.
05:49So samantalang, ito naman ho ng sibuyas, ang ipapayo ko lang ho doon sa mga bumibili.
05:54Pag bumibili ho kayo, mas mura ho yung maliliit na size.
05:58Yung pang isang gamit lang, ayan, ganito ho.
06:00Ayan, mga pang isang gamitan lang, mas mura ho, ayan, mga ganito.
06:04So, umaabot ho itong ganito ng 130 per kilo.
06:13Samantalang yung mas malaki-laki, ay umaabot ho ng 100.
06:17Kasi ito, pag ginamit nyo, kailangan at least 2 putahe yung iluluto ninyo.
06:21So, yan lang ho yung dapat natatandaan.
06:24Kung ano lang yung gagamitin natin, yun lang ho ang bilhin natin.
06:27Dahil medyo parang makabawi-bawi tayo sa presyo, di ba?
06:31Ang kalamansi, ayan, ginagamit ho natin yan pang-marinate, ayan,
06:37para ho pag, o kaya naman, lalo ho ngayon na uso ang mga sipon.
06:41Ang kalamansi ay medyo mura ho, umaabot lang ng 60 pesos ang bawat kilo.
06:47Kaya ho, yan ho yung mga presyuhan ngayon dito sa Balintawak Public Market.
06:53At asahan na ho natin na habang papalapito ang Pasko,
06:56may mga bilhin ho tayo na medyo tataas ang presyo.
06:59So, yung iba naman na baka ho baging stable na gaya ho nito si Buyas at bawang
07:03na pangunahing ginagamit na ating sangkap sa pagluluto natin ng ating mga putahe sa bahay.
07:10Maring kinondena ng iba't ibang opisyal at grupo ang pagbomba ng tubig ng China Coast Guard
07:15sa mga mangingis ng Pinoy sa Sabina Shoal na nasa West Philippine Sea.
07:19Tatlong mangingisda na saktaan dahil sa panibagong harassment ng China nitong December 12.
07:25Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tariela,
07:28nawasak ang mga bangka ng mga mangingisda na nawagan ng ilang mababatas
07:32sa international community na panagutin ang China sa mga agresibo nilang aksyon sa West Philippine Sea.
07:38Sabi ng grupo ng mga mangingisda na pamalakaya ang panibagong insidente ng pagwater cannon
07:44ay patunayan nila ng walang batayang kontrol ng China sa teritoryo ng Pilipinas.
07:50Palala rin daw ito na kailangang resolbahin agad sa mapayapang paraan ang issue sa West Philippine Sea.
07:56Kinondena naman ng Amerika ang ginawa ng China na anilay delikado sa buhay at kabuhayan ng mga mangingisdang Pinoy.
08:03Kinawag ni Vice President Sara Duterte na may isa na namang fishing expedition laban sa kanya
08:10patapos siyang sampahan ng mga reklamo.
08:13Mga reklamong plunder, graft, balversation at bribery
08:16ang isinampas sa ombudsman ng iba-ibang civilian groups.
08:20Kawag nga ito sa maliumanong paggamit ng P612M,
08:23the confidential funds ng Department of Education at Office of the Vice President noong 2022.
08:30Bukod sa Vice, kasama rin sa mga sinampanang reklamo ang ipang dati
08:34at kasalukoy ang tauhan ni BP Duterte sa DepEd at OVP.
08:39Sa isang paha, iksinabi ng Vice na pilit na anyang nag-iimbento ng mga paratang
08:44para daw magmukhang may proseso at lehitimo ang investigasyon.
08:49Gate niya, hindi ito tungkol sa paghahanap ng katotohanan,
08:52kundi pagtakip sa issue ng nakawan sa pamahalaan.
08:55Dati na ginitampisin na walang maling paggamit sa confidential funds ng kanyang opisina.
09:10Champion ang Sunbeda Red Lions sa NCAA Season 101 Men's Basketball.
09:16Na-sweep nila ang Final Series kontra Letran Knights para maibalik ang kampyonato sa Menjola.
09:21Ang score sa Game 2 nitong Sabado, 83-71.
09:25Yan na, ang ikadalawamput-apat na championship title ng Sanbeda bilang most decorated men's team
09:30sa history ng NCAA Basketball.
09:33Podium finish din para sa Perpetual Altas.
09:36Matapos talunin ang Beniled Blazers sa bronze medal match sa score na 87-75.
09:43Back-to-back most valuable player, ang Beniled Giant na si Alan Liwag.
09:47Rookie at Freshman of the Year naman si Jonathan Titing Manalili ng Letran.
09:53Kasama nilang dalawa sa Mythical Five, si Juniel De La Rama ng San Sebastian's Tags,
09:59si Janty Miller ng Sanbeda Red Lions, at si Kevin Santos ng Letran Knights.
10:04Gusto mo bang mauna sa mga balita?
10:13Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended