Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa unang dalawang araw ng Bicameral Conference Committee para sa 2026 National Budget,
00:05kabilang sa mga lusok, ang pondo ng education sector, Project NOAA, at farm-to-market road projects
00:12ang hindi lumusot ang budget ng DPWH dahil pag-aaralan pa raw ang hiling nitong ibalik
00:18ang 45 billion pesos na tinapyas sa budget.
00:21May unang balita si Bea Pinlak.
00:23Ilang oras na urong bago nagsimula ang ikalawang araw ng Bicameral Conference Committee hearing
00:32para talakayin ang panukalang 2026 National Budget.
00:36Ang dapat sana'y 2pm na hiling kahapon, mag-aala 5 na nagsimula.
00:41Nagkaroon ng kokos sa Majority Block ng Senado kasama si Senate President Tito Soto.
00:45It's because some of our colleagues in the Senate raised some concerns about some of the items that have been tackled and will be tackled
00:56and we felt the need to convene a, I wouldn't say emergency, but a meeting to be able to thresh these matters out.
01:10Maaga naman dumating ang contingent ng House, pero nagkaroon din sila ng hiwalay na pulong.
01:15Lalong naantala ang deliberasyon ng Bicam sa 2026 National Budget kahapon
01:20nang magtalo ang mga mambabatas.
01:23Kung pwede bang humarap si DPWH Secretary Vince Dizon, bagay na bihira lamang ginagawa.
01:28This is a bicameral conference committee ng Congress and Senate.
01:32Wala naman po nakalagay dito na kasama po executive.
01:36We have the power to invite.
01:38We are saying that let us listen.
01:40We will not agree, we may agree, but the point is that transparency requires that we hear the executive.
01:47After all, it's the executive that will implement what will pass.
01:52Giit ng ilang senador, ilang beses nang humarap sa Senado si Dizon.
01:56At paulit-ulit na itong natanong kung sapat ba ang budget na inilaan ng Senado para sa DPWH.
02:02Ang DPWH daw kasi mismo ang nagbawas ng bilyon-bilyong piso sa kanilang panukalang pondo.
02:09Pero noong Sabado, humirit sila na may balik ang nakaltas na budget dahil sa construction materials price data o costing sa mga materyales sa mga proyekto.
02:18Ang ibig ba sabihin, i-re-restore yung mga duplicated, completed and overlapping projects.
02:25Doon ako nagtataka.
02:26At ano ang garantiya natin na sa loob ng dalawang buwan na naman, after two months, he may change his mind again.
02:35Let it be very clear.
02:37The senators did not invent the numbers.
02:40These are from the Department of Public Works and Highways.
02:44Kalaunan, nagkasundo ang BICAM na payagan ng pagharap ni Dizon.
02:50Nilinaw ni Dizon na walang proyektong tinanggal sa DPWH na ibabalik.
02:54At walang presyo na ibinaba na basta nalang dadagdagan.
02:58Ang hinihingigin lang po natin is yung pong binawas na 45 billion approximately.
03:07Ibalik po ulit para po ma-implement po ito ng tama.
03:13Hindi po taga nating pwedeng ibaba na lang ng basta-basta across the board.
03:18Paliwanag niya, sa pagkatapyas ng DPWH budget sa Senado, dalawa ang pwedeng mangyari.
03:24Magkulang ang pondo sa ilang proyekto o kaya'y sumobra naman ang mabawas sa iba.
03:29Iba-iba pa rin daw ang presyo ng materyales sa iba't ibang lugar.
03:33Kaya kakailanganin daw na isa-isang busisiin ang mga ito.
03:37Hindi pa rin nakaligtas ang DPWH sa panggigisa ng mga mambabatas.
03:41I truly resent the fact that the BICAM is being hostaged by the Secretary of the Department of Public Works and Highways.
03:51Dapat tanggalin na lang ninyo lahat kasi pinapadagdagan mo yung budget tapos yung mga mag-i-implement, wala kang tiwala, ano naman kami?
04:00Matapos malagay sa hot seat ng BICAM si Dizon, mahigit dalawang oras natigil ang deliberasyon.
04:06Nag-usap-usap muna ang mga mambabatas at pagbalik nila, tinapos na ang ikalawang araw ng BICAM.
04:12Hindi pa naa-aprubahan ang budget ng DPWH.
04:15Kailangan pag-usapan pa namin lahat. Kaya sinospend mo na namin yung session.
04:20Ang mga gantong bagay hindi mo pwede madaliin. Hindi porkit kailangan may deadline tapusin natin.
04:24Isa-salang ulit ang budget ng DPWH sa BICAM ngayong araw.
04:29Ito ang unang balita. Be up in luck para sa GMA Integrated News.
04:33Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment