00:00Sa gitna ng dilim, nagsagawa ng rescue operation sa ilang residente ng Barangay Santo Domingo, Quezon City na naipit sa baha.
00:12Laging una ka sa balita ni Jumer Apresto Exclusive.
00:19Kuha ito sa bahagi ng Barangay Santo Domingo sa Quezon City kaninang hating gabi.
00:24Inabot raw hanggang sa second floor ang baha kaya kinailangan ng ilikas ang mga residente.
00:29Sa kuhang ito, kita pa ang pagsagip sa ilang bata at matatanda sa lugar.
00:33Ayon sa Barangay, mayroon din daw mga residente na nagpalikas pero piniling magpaiwan sa kalye na G. Araneta Avenue.
00:40Ang ilan sa kanila, kita pa na sa bangketa na nagpalipas ng gabi.
00:44Estimated po namin is mga nasa 600 families or 1,500 individuals so far.
00:51Both na po yun sa evacuation site and also yung mga preferred po na dito po mag-stay.
00:56Pag pumunta po kasi kami doon sa evacuation po malayo.
01:01May ilang residente naman ang wala halos gamit na naisalba at mas piniling iligtas ang imahe ng poong Nazareno.
01:08Bandang alas 5 ng madaling araw, ganito na ang sitwasyon sa bahagi ng G. Araneta Avenue.
01:13San damakmak na basura ang naglutangan, particular sa southbound lane ng kalsada.
01:18Nananatili namang nakantabay ang rescue team at PNP para sa mga residente na posible pang ilikas.
01:23Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:28Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
01:33Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments