00:00Binawi ng isang nagpakilalang alias Rene,
00:04ang mga aligasyon laban kay Pastor Apolo Quiboloy
00:07at pagdawit sa magamang Rodrigo at Sara Duterte.
00:12Binayaran lang umano siya ng isang milyong piso
00:15ni Senadora Risa Conteberos.
00:18Tinawag naman itong kasinungalingan ng Senadora.
00:22Nakatutok si Sandra Agnaudo.
00:24Pebrero noong nakaraang taon,
00:29nang iharap ni Senadora Risa Conteberos sa pagdinig ng Senado
00:32ukos sa mga umunay pang-aabuso sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ,
00:38ang isang lalaking nakatakip ang muka at pinakilala bilang si Alias Rene.
00:43Si Alias Rene ay jardinero raw sa Glory Mountain property
00:47ni Pastor Apolo Quiboloy sa Davao City,
00:49na nakaranas daw ng pananakit sa kamay mismo ni Quiboloy
00:53at sekswal na pang-aabuso sa ibang miyembro ng KOJC.
00:57Pero isa sa pasabog na pahayag noon ni Alias Rene
01:00ang nasaksihan raw niya
01:02nang dumala umuno kay Quiboloy,
01:04sina dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:06at noy Davao City Mayor Sara Duterte.
01:09Minsan po pumupunta din po doon si former President Rodrigo Duterte
01:14at former Mayor Davao Mayor Sara Duterte.
01:19At pag umaalis na po sila doon sa Glory Mountain,
01:23dala na po nila yung mga bag na siya pong bag na nilalagyan po ng mga baril.
01:29Nakita mo ng sarili mong mata na inilabas ang laman ng mga bag
01:34at ang lamang ito ay mga baril na iba't ibang klase?
01:38Yes pa Madam Chair.
01:40Pero ngayon sa isang video na pino sa YouTube at Facebook account
01:44ng isang pagtanggol valente,
01:47lumutang ang isang lalaking nagsasabing siya si Alias Rene.
01:50Nagpakilala siya bilang si Michael Maurilio
01:53at binawi ang kanyang mga aligasyon sa pagdinig ng Senado.
01:57Ako po yung witness, kinawang witness ni Senrisa Ontiveros na nakatakip yung muka.
02:03Pero ngayon hindi na sapagkat nagsasabing ako ng totoo.
02:08Lahat ng sinabi ko at kasama ko doon na nag-witness sa Senado
02:13ay ginawa lamang ni Senrisa upang papagsakin si Pastor at ang buong kingdom.
02:19Aniya dinagdagan umano ng abogado mula sa opisina ni Senadora Riza Ontiveros ang kanyang affidavit.
02:26Wala rin daw katotohanan ang sinabi niya ukol sa mag-amang Duterte.
02:30Nandun din yung aligasyon na sa di umano ay nasaksihan ko tungkol sa mga baril
02:37na sangkot si Sarah Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi naman totoo
02:43dahil wala naman akong nasaksihan na gano'ng pangyayari.
02:47Sabi pa ni Maurillo, binayaran umano siya ng isang milyong piso para sabihin ang mga bagay na ito.
02:54Pinatira din daw siya sa isang kondo nung panahon na yon.
02:58Ang mga sinabi ngayon nang nagpakilalang si Alias Rene, tinawag ni Ontiveros na kasinungalingan.
03:05Lahat daw ng witness na iniharap sa Senate hearing tungkol kay Kibuloy
03:08ay malaya at muluntaryong nagbigay ng kanilang testimonya at mga ebidensya.
03:13Lahat daw ay may paper trail at pinatunayan pati ng ilang ahensya at opisyal.
03:19Handa raw silang ilabas ang iba't ibang screenshot at video sa tamang panahon.
03:23May rason daw sila para maniwala na pinilit o binayaran ito para madiskaril
03:28ang mga criminal proceedings laban sa pastor
03:31at pagbantaan ang kanyang mga staff at iba pang witness na nagsalita laban kay Kibuloy.
03:37Nagahanda na raw sila ng legal na hakbang laban sa anayay harassment at intimidation.
03:42Hindi raw nila palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito.
03:47Sinusubukan pa namin kunin ang panik ni Kibuloy at na mga Duterte.
03:52Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
Comments