Skip to playerSkip to main content
Pagmumultahin na ng LTFRB ang mga TNVS driver na basta-basta na lang nagka-cancel ng booking. Para makatulong sa mga commuter, may direktiba rin ang LTFRB tungkol sa surge pricing o biglaan at labis na pagtaas ng pamasahe sa TNVS.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagmumultahin na ng LTFRB ang mga TNVS driver na basta-basta lamang na nagkakansel ang booking para makatulong sa mga commuter.
00:09May direktiba rin ng LTFRB tungkol sa surge pricing o yung biglaan at labis na pagtaas ng pamasahe sa TNVS.
00:17Nakatutok si Rafi Tima!
00:21Tugon daw ito ng LTFRB sa napakarami ng reklamo laban sa mga nagkakansel ang TNVS driver at napakataas na pasahe dahil sa surge fare system.
00:30Simula ngayong araw, papatawan ng penalty ang mga TNVS drivers na bigla-bigla na lang magkakansel ng booking.
00:36May tuturing daw itong pagtanggi sa pasahero na may kaakibat na penalty base sa 2014 Joint Administrative Order ng LTFRB.
00:44Ito naman po ay ina-apply po natin sa ibang public utility, ang taxi, ang jeep, ang UV, ang bus.
00:52Ina-apply po yan, general po yan sa ating mga pampublikong sasakyan.
00:56Ang parusa, multang 5,000 pesos sa first offense.
01:0010,000 pesos naman na may kasamang 30 araw na pag-impounce sa sasakyan para sa second offense.
01:06Sa third offense, 15,000 pesos na penalty at cancellation ng Certificate of Public Convenience o CPC.
01:11Pero may pagkakataon namang papayagang mag-cancel ang TNVS driver.
01:16May vehicle safety or mechanical issue, passenger misconduct or safety concerns, erroneous or malicious booking, passenger no-show, incorrect or unsafe pickup, and system and technical error.
01:31Sa loob naman ng apat na linggo, pag-aaralan ng LTFRB ang surge fare matrix para sa mga TNVS.
01:37Habang ginagawa ito, simula sa December 17 hanggang January 4, hindi mo na papayagan ng times 2 na surge sa pasahe.
01:44Kaya hindi daw dapat mag-doble o mag-triple ang average na pasahe kapag mataas ang demand sa mga TNVS.
01:50Ang buong surge fare, dapat ding mapunta lahat sa TNVS driver at hindi sa kumpanya.
01:54The TNC shall not collect any share, commission, or impose a service fee derived from the surge price component of the TNVS fare during the implementation of this memorandum circular.
02:07Ang mga issue ito ang pinag-uusapan ng mga TNVS drivers sa kanilang tambayan sa Quezon City habang nagpapahinga sa biyahe.
02:13Pinaparusahan na ro sila ng kanilang kumpanya kapag nagka-cancel. Ngayon tila madudoble pa.
02:18May pwedeng bumiyahe kung sunod-sunod yung cancel namin.
02:21Kaya parang doble na eh. Magiging doble. Pag meron pa sa LTA public tapos meron pa sa TNC, di wala na kaming kikitahin talaga.
02:29Sa huli, wala naman daw silang magagawa kundi sumunod. Alak-alang sa pamilyang umaasa sa kanila.
02:34Kung sa amin lang walang problema eh. Problema yung mga bata. Nagihintay. Siyempre, nasaan na si papa yung baon. Wala.
02:42Yung stress na nakukuha sa kalsada, matindi yun. Yung ganun lang halaga dahil ganun lang halaga. Sana balinsihin ng gobyerno. Sana balinsihin talaga nila ng tama. Para naman fair sa lahat.
02:56Sa isang pahayag, sinabi naman ng TNVS Community Philippines na nakababahala ang cap sa surge pricing lalo ngayong holiday season.
03:03Nasaan na raw ang napag-usapang compensatory adjustment kabilang ang dagdag na pickup fares.
03:08Handa naman daw silang makipag-usap pero sana raw, mas maging malinaw ang konsultasyon tungkol sa mga isyong ito.
03:14Gate naman ng LTFRB. Hintayin na lang na matapos ang kanilang pag-aaral sa price search matrix sa unang linggo ng susunod na taon.
03:20Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended