Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para naman maibsaan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila ngayong holiday season na nawagin ng MMDA,
00:05na ipagbawal muna ang mga mall-wide sale.
00:09Saksi, si Marizo Maali.
00:15Nagmukhang paradahan na ng sasakya ng ilang bahagi ng EDSA sa kasagsagan ng rush hour kaninang hapon,
00:21gaya sa kamuning flyover sa Quezon City, kung saan 3-5 km lang ang usad kada oras.
00:27Sabay-sabay rin naipon sa ilalim ng flyover ang maraming sasakyan.
00:31Alas 3 pa lang ng hapon kanina, halos wala nang pag-usad ang mga sasakyan sa EDSA Southbound,
00:36sa tapat ng Scout Albano.
00:38Pagdating ng alas 4 ng hapon, hirap na ang mga papasok at palabas ng EDSA
00:42dahil sa bumper-to-bumper na daloy.
00:44Ang ilang motorsiklo, nawawala na sa kanikanilang lane at pilit na sumisingit sa pagitan ng mga sasakyan.
00:50Mabagal din ang galawan sa Skyway Northbound at SLEX Northbound patungong EDSA.
00:54Sa EDSA Magallanes patungong Ayala Avenue, may pag-usad naman pero nasa 10 km per hour lang
01:00hanggang paakyat ng northbound ng Ayala underpass.
01:04Ayon sa MMDA, umaabot sa 427,000 ang average daily traffic volume sa EDSA,
01:09gayong 250,000 lang ang kapasidad nito.
01:12At tuwing holiday season, tumataas pa yan ng 10-20%
01:16o katumbas ng 40,000-80,000 na sasakyan,
01:19lalo ngayong papalapit ang Pasko.
01:21Kaya kailangan mabakon ngayon ang napakahabang pasensya habang nasa kalsada.
01:25Maging ano lang, kampante lang, makaka-uwi naman ng maayo sa pamilya.
01:30Nalangan, tsagain na lang itong traffic.
01:32Ginagawa ko na lang, may saun-saun konti, para mawala po, maiibsan po yung ano.
01:37Marami ang naglakad na lang dahil hirap makakuha ng mga sasakyan.
01:40Ang hassle po, ang hirap pong sumakay.
01:44Sobrang dahan-dahan lang yung takbo ng mga sasakyan.
01:47Kaya naglalakad na lang po kami.
01:48Ganto pa din kasi pag morning eh.
01:50Pero usually pag hapon, wino-walko na lang talaga.
01:53Kaya ngayon naglalakad ako.
01:54Tuloy-tuloy naman daw ang MMDA sa pagtuguan sa problema ng matinding trapiko.
01:58Isa sa kanilang panawagan sa mga LGU ay ipagbawal muna ang mga mall-wide sale,
02:03na isa raw sa mga naging dahilan ng kalbaryong inabot ng mga motorista noong Sabato sa Marcos Highway.
02:09Nagkasabay-sabay po yung sale doon po sa mga malls na outside ng jurisdiction ng MMDA.
02:17At doon niyo po matatandaan, pinagbabawal po natin ang mall sale dito po sa Kamaynilaan.
02:24Hindi naman po natin pinagbabawal yung sale per se, per store.
02:29Ang pinagbabawal lang natin ay yung mall-wide sale na kabuuan po ng mall ay lahat po ng stores ay may sale.
02:35At nag-agree po sila dyan, dahil pag sobra rin po ang traffic, nawawala po yung food traffic sa kanilang mga malls.
02:43Pinaayos din sa mga LGU ang pagsasabay-sabay ng mga truck band.
02:47Dapat coordinated, kasi ang nangyari po, yung mga naitip po na hindi makapasok sa mga LGUs
02:53ay pumarada sa karsada na nagkaroon din po ng pagsisikip.
02:59Patuloy rin ang clearing operations at pagmabantay, hindi lamang sa mga pangunang kalsada at mabuhay lanes.
03:05We also attend sa mga complaints dito po sa mga level ng mga barangay roads, secondary roads, and even tertiary roads po.
03:13Kadalasan po na datatnal o na-issuean po natin ang ticket itong mga tinatawag na illegal parking.
03:20Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo, Saksi.
03:23Mga kapuso, maging una sa Saksi.
03:28Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended