00:00Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Office for Transportation Security sa ilalim ng Department of Transportation para sa Christmas season.
00:07Sa programang Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni DOTR OTS Administrator Gilbert Cruz
00:12na nagsasagawa na ng audit ang OTS sa mga paliparan at pantalan para tiyakin ang kahandaan ng mga ito.
00:18Sinisiguro din nila na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng equipment
00:21at ang kanilang mga tauhan ay handang magpatupad ng mga protocol para sa seguridad.
00:26Pinaigting din ang information campaign tungkol sa mga bagay na hindi pinahintulot ng dalhin sa mga airport at seaport.
00:34Nagdagdag na rin ang OTS na mga tauhan na kasulukuyang sumasa ilalim sa pagsasanay para sa screening at paghanda ng x-ray machines.
00:43Wala naman po tayong binago but nagihigpit lang po talaga tayo kasi kagaya ng sinasabi po natin,
00:49ayaw po natin malusutan tayo. Kasi once na minsan kang malusutan, makaka-apekto po yan.
00:55Sa buong bansa natin, especially kung yung mga bagay talagang nakakasakit at nakakamatay.
Comments