00:00Lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senado ang panukalan 2026 national budget.
00:05Sa botong 17-0-0, no negative votes at no abstain,
00:10nagkaisa ang mga senador na ipasa ang panukalan 6.793 trillion pesos na pondo para sa susunod na taon.
00:18Dahil lusot na sa Senado ang huling pagbasa ng panukalan pondo,
00:21tuloy na ang bicameral conference bukas December 11.
00:25Ilan naman sa highlights ng pondo ay ang pinakamalaking alokasyon para sa Department of Education na umabot sa 1.37 trillion pesos.
00:34Mas malaki ng 91 billion pesos mula sa house version ng budget.
00:38Nakalaan ito sa pagpapagawa ng 24,000 classrooms sa susunod na taon,
00:43feeding program at mas maraming skolar para sa mga state universities at colleges.
00:49Malaki din ang pondo para sa kalusugan na nakalaan para sa pagsasayos ng mga ospital
00:53at pagpapatupad ng zero balance billing.
00:56Natagdagan din ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga nasalantan ng kalamidad nitong taon.
01:01Pero si Sen. Pia Cayetano, kahit bumuto ng pabor sa budget,
01:05inihirit pa rin ang pondo para sa PhilHealth.
01:08Pero umaasa siya na maayos ito sa bicameral conference.
01:12There is a concerted effort, Mr. President, to disregard this law that we passed.
01:19There is a concerted effort to pretend that we truly care about the health of the Filipino people
01:24and yet earmark fundings do not go to PhilHealth.
01:27So, Mr. President, I hope that my statements do not fall on deaf ears.
01:36There is still a chance. There is still the bicam.
Comments