00:00Ngayong araw na ang kick-off ng deliberasyon ng Senado para busisiin ang panukalang 2026 National Budget.
00:08Sa panayam sa Ulat Bayan Weekend, ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Sherwin Gatchalian,
00:15mas masusundan ngayon ang budget at mas magiging bukas ito sa publiko.
00:19Tiniyak din ang Senador na magiging mahigpit siya sa pagbabantay sa budget para sa kontrobersyal na flood control programs.
00:27Babantayan din daw maigi ang mga budget insertions, target na mga mapirmahan o mapapirmahan sa Pangulo ang budget pagkatapos ng Pasko.
00:39Yan na talagang aking prinsipyo sa lahat, sa mga batas, sa paggagawa ng batas, lalo-lalo na sa paggagastos.
00:48Mayor pa lang ako, mahigpit na ako sa paggastos.
00:50So talagang magiging mahigpit tayo sa paglalaan ng pondo ng taong bayan.
00:55At lalo na ngayon na talagang nakita natin meron palang mga proyekto na hindi naaayon sa pangangailangan ng ating mga kababay.
01:04Kung ito ba ay may una-una, ito ba ay coordinated sa executive?
01:09At pangalawa, ito ba ay naaayon sa direction ng budget?