Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
01:01Mahiwalay ring 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention na indirekomend ng isang palaban kay Ang, Orapa Almedilla at iba pang polis, kabilang ang ilang John Doe's o hindi pa nakikilalang mga polis sa grupo ni Orapa.
01:15Ayon sa DOJ, kinakitaan nila ng prima facie evidence para kasuhan si Ang.
01:21Lumalabas na binigyang bigat ng panel of prosecutors ang mga testimonya ng akusado at whistleblower na si Julie Dodon Patidongan at kanya mga kapatid na sina Ella Kim at Jose.
01:33Maka ilang beses itinuro ni Patidongan si Ang bilang mastermind ng pagkawala ng mga sabongero mula 2021 hanggang 2022 sa iba't iban lugar sa Bulacan, Maynila, Laguna at Batangas.
01:47Sabi pa ni Patidongan, pinatay na raw ang mga sabongero at itinapon ang mga labi sa Taal Lake.
01:53Ang abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villarreal, tinawag na depektibo at hindi patas ang rekomendasyon ng DOJ.
02:01Maghahain daw sila ng motion for reconsideration para ito'y mabaliktad.
02:06Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng iba pang mga inirekomendang kasuhan.
02:11Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
02:18Naglihabang isang pampasaherong bus habang bumabiyahe sa Pulanggi, Albay.
02:22Ang mga pasahero, nakarinig pa rao ng pagsabog.
02:25Ating saksi ha!
02:29Galing Metro Manila at patungo saan ang Samar, ang pampasaherong bus na ito na maglihab sa kalagitnaan ng biyahe sa Pulanggi, Albay, pasado ala 5 ng umaga kanina.
02:40Kwento ng mga pasahero, bago ang sunog.
02:42Nakaamoy sila ng tila na susunog na goma sa bus hanggang sa nakarinig sila ng pagsabog.
02:48Nakalabas naman lahat ang sakay ng bus bago tuluyang lumaki ang apoy.
02:54Pero may mga gamit na hindi na isalba.
02:57Batay sa investigasyon na berya sa preno ng bus ang posibleng sanhinang sunog.
03:00Nag-stack up na siya, nagdigit, nagkos ng friction.
03:03Yung po'y naging kos na pag-spark, eventually naging nagsunog po yung bus.
03:06Sinisigap makuha ng GMA Integrated News ang panig ng bus driver at ng bus company.
03:12Sa Antipolo Rizal, patay sa sunog ang tatlong taong gulang na lalaki.
03:16Dakong hating gabi ng sumiklab ang sunog sa barangay de La Paz.
03:20Dead on arrival sa ospital ang tatlong taong gulang na anak na may-ari ng bahay.
03:24Nagtamo naman ang second degree burn ang isa pang batang limang taong gulang.
03:28Sa paunang investigasyon, walang kuryente sa bahay at kanila lamang ang gamit nila.
03:33Wala ang mga magulang ng bata na mangyari ang sunog.
03:35Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
03:41Pinagsisita ang mga sasakyaw na kaharang sa kalsada at sa mga daanan ng mga pedestrian sa bantay sa gabal operation ng MNBA.
03:49Hinatak ang isang sasakyan na may plakang pang-government vehicle.
03:53Saksi, si Mark Salazar.
03:58Nahatak ang sasakyang ito sa kanto ng Scout Castor at Scout Tobias
04:02sa gitna ng bantay sa gabal operations ng MMDA sa Quezon City.
04:07Nakaparada kasi ang sasakyan sa daanan ng mga pedestrian at PWD.
04:12Wala noon ang driver ng sasakyang may government plane.
04:16Sa Scout Chua Toco, nahuli ang sasakyan ng pet grooming services dahil nakaharang din sa daan.
04:21Sabi ng staff ng pet grooming service, wala silang ibang maparadahan.
04:26Wala kang ma-parking sa loob po, sir.
04:28Kasi aabot ko sa pader po.
04:31Dinidikas siya.
04:32Patuloy ang mga bantay sa gabal operation habang papalapit ang Pasko.
04:37Lalot, nagpatikim na ng matinding traffic ang ilang pangunahing kalsada nito mga nakarang araw.
04:42Gaya ng nangyari sa Marcos Highway nitong Sabado.
04:45Yung nangyari last Saturday was really talagang yung volume of vehicles matindi.
04:52Sinabayan pa ng mall-wide sale ng mga malls within that area.
04:58And admittedly, nagpulang din kami yung tao na mag-i-enforce dun sa mga U-turn slots.
05:07Sa post-assessment ng MMDA, dalawang U-turn slots sa highway ang sanhinang pagkakabuhol-buhol ng traffic.
05:15Ang U-turn sa may Santa Lucia Mall at ang U-turn sa may Felix Avenue intersection.
05:20Walang taong nagmamando na gridlock.
05:23So na nag-gridlock, unang lane, pangalwan lane, pang-apat na lane, nawala na yung pandiretsyo.
05:29Puro U-turn na lang nag-agawan.
05:31So ang nangyari, walang gumalao kasi gridlock eh.
05:34Nakipagpulong kanina ang MMDA sa mga taga-traffic management ng Marikina,
05:39ng Pasig, Kainta at Antipolo.
05:41Kailangan din kasi makipagtulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pagbabawas ng volume at harang sa Marcos Highway.
05:48We will study some adjustments sa U-turn slots to harmonize yung iba't-ibang oras ng mga track ban hours ng iba't-ibang LGUs doon.
06:00And may recommendation na magkaroon kami ng MOA sa pag-enforce ng anti-illegal terminal and illegal vendors.
06:12Pusible ring palitan ng movable orange barriers ang concrete barriers sa intersection ng Marcos Highway at Hill Fernando Avenue
06:19para mas madaling galawin kung kailangan lalo kung mabigat ang traffic.
06:24Sa datos ng MMDA, mahigit siyam na libo ang dami ng sasakyan sa Marcos Highway tuwing rush hour.
06:31Sobra sa limang libo hanggang anim na libong kapasidad nito.
06:34Nung ginawa yan, ilan pa lang naman yung subdivisions doon.
06:38But we're trying our best to manage it and magkaroon ng mga engineering interventions.
06:45Sa EDSA naman, ininspeksyon ang daanan ng mga pedestrian.
06:49Kasama ang grupong Move as One Coalition at ilang PWD,
06:53nilakad ni na Public Works Secretary Vince Guizon
06:56at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez mula Makati hanggang Pasay.
07:02Pahirapan ang pagdaan ng mga pedestrian sa ilang bahagi ng sidewalk dahil sa sobrang kitid.
07:09Sa bahagi ng Magalyanes, kinailangang buhatin sa mga hagdan ang mga naka-wheelchair dahil walang daanan o rampa para sa kanila.
07:17Buhis-buhay. Feeling ko baka masasagasaan ako.
07:20Tapos nung binubuhat ako patawid kasi walang tawiran sa may tap.
07:24So feeling ko mauhulog ako.
07:26Ayon sa DOTR, plano ng pamahalaan na maihabol ang ilang pagbabago
07:30gaya ng paglalagay ng sapat na mga ilaw, pagpapalitada ng mga pader at pagpapalapad ng mga pedestrian lane
07:37bago ang mga pulong ng mga ASEAN leaders sa 2026 kung saan host ang ating bansa.
07:44Ang pakiramdam ko po, isa akong mandirigma.
07:47Napakahira po, napakadelikado po ng ating mga sidewalk.
07:50Ang problema sa EDSA, car-centric yung approach.
07:54Ngayon, gagawin natin pareho.
07:58Pati yung pedestrians, kailangan bigyan natin ng importansa.
08:01Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
08:07May bawas singil po sa karyente ngayong buwan ang Meralco
08:11at bababa po ng mahigit 35 centimo kada kilowatt hour ang kanilang singil.
08:17Katumbas po yan ang nasa 71 pisong bawas sa bill na isang bahay
08:21nung kumukonsumo ng 200 kilowatt hours sa isang buwan.
08:25At sa Meralco, ang pagbaba ng singil ay bunsod ng bumabaring transmission at generation charge.
08:32Ngayong kaliwat kanan, ang mga party at mga inuman,
08:34aba, mas pinagting ng Land Transportation Office ang pagpapakalat na matauhan
08:39para siguro rin walang magmamaneho ng lasing saksi si June Venerasyon.
08:49Hindi nakaligtas sa monitoring ng Land Transportation Office o LTO
08:54ang viral video kung saan makikita ang isang lady driver na tila umiinom habang nagmamaneho.
09:00Nakilala na siya ng LTO at pinadalhan na ng show cost order.
09:04Ito, yung violation nila, parang pinagmamalaki pa sa social media eh.
09:09So yan yung pinagbabawal ho.
09:11Aharap po siya sa pagdinig dito sa amin sa LTO
09:16para patunayan niya na hindi alak yung iniinom niya.
09:20Ngayong panahon na kaliwat kanan ng party dahil sa nalalapit na Pasko at bagong taon,
09:25inaasahan ng LTO na mas dadami ang mga pasaway na magmamaneho kahit nakainom.
09:30Kayawas pinaiting na raw ang deployment ng mga unit dala ang mga breath analyzer
09:34para ipasupad, ang anti-drunk and drug driving law.
09:38Once na nakagawa sila ng aksidente o nakagawa sila ng violation sa kali eh,
09:44o maaksidente sila, maraming perwisyo ang nagagawa.
09:49Minsan buhay pa, yun ang wawala.
09:51Merong apat na raang unit ng breath analyzer ang LTO
09:54na nakakalat sa iba't ibang palig ng bansa.
09:57May mga karagdagang unit pa na darating ngayong buwan.
10:00Paano nga ba itong gumagana?
10:02Ayon sa medical website ng Medical News Today,
10:05sinusukat ng breath analyzer ang alcohol content level sa katawan ng isang tao
10:09basis sa hangin na binubugan ito.
10:12Ang alcohol daw kasi sa alak na ininom ng isang tao.
10:15Hahalu yan sa dugo at hasama sa hininga ng tao.
10:18Ang magre-reflect sa datos ng breath analyzer,
10:21depende sa dami ng alak na inom at sa bilis ng kanyang metabolism.
10:26Sa Pilipinas, kapag 0.5 ang blood alcohol concentration
10:30ng isang nagbamanayaw ng sasakyan,
10:32kinukonsidera na ito ng LTO ng drunk driving.
10:35Mas mahigpit sa mga driver ng public utility vehicle at motorcyclo,
10:39dapat zero ang alcohol sa katawan.
10:42Pumayag ang aming volunteer na si Chris,
10:44di niya tunay na pangalan, na sumalang sa test.
10:47Sinubukan niyang magmumuglang ng alak at saka sumalang sa test.
10:51Mawawala din daw ang blood alcohol concentration sa loob ng 4 hanggang 8 oras.
10:57Kapag nakain na po, magpahinga.
10:59Para bumaba yung, or mawala yung blood alcohol content,
11:04magpahinga yung driver kung nakainan na po.
11:06Para sa GMA Integrated News, ako si Jun Verrasyon, ang inyong saksi.
11:11Sumadsad sa pinakamababang level ang palitan ng piso kontra dolya.
11:17Nagsara po ito sa 59 pesos ng 22 centavos,
11:20ang pinakamahina sa kasaysayan.
11:23Mas mababa po yan sa 59 pesos and 17 centavos na naitala noong November 12.
11:29Wala pang pahayag ang Banko Sentral ng Pilipinas
Be the first to comment