Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga high na motion for reconsideration ang kampo ng negosyante si Charlie Atong Ang
00:06matapos i-recommendahan ng Department of Justice na kasuhan siya dahil sa mga nawawalang sabongero.
00:12Kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention
00:15ang in-recommendahan laban kay Ang at sa 21 iba pa.
00:20Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:21May resolusyon na ang Department of Justice kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:31Rekomendasyon ng DOJ, sampahan ng kasong 10 counts of kidnapping with homicide
00:36ang negosyante si Charlie Atong Ang, mga pulis na sina Police Lieutenant Colonel Ryan J. Orapa,
00:43Police Major Philip Almedilla at labing siyam na iba pa.
00:47May hiwalay rin 16 counts ng kidnapping with serious illegal detention
00:51na in-recommend ng isang pa laban kay Ang, Orapa, Almedilla at iba pang pulis
00:57kabilang ang ilang John Doe's o hindi pa nakikilalang mga pulis sa grupo ni Orapa.
01:03Ayon sa DOJ, kinakitaan nila ng prima facie evidence para kasuhan si Naang.
01:08Lumalabas na binigyang bigat ng panel of prosecutors ang mga testimonya ng akusado
01:14at whistleblower na si Julie Dondon Patidongan at kanyang mga kapatid na sina Elakim at Jose.
01:21Makailang beses itinuro ni Patidongan si Ang bilang mastermind ng pagkawala
01:26ng mga sabongero mula 2021 hanggang 2022 sa iba't iban lugar sa Bulacan,
01:32Maynila, Laguna at Batangas.
01:34Sabi pa ni Patidongan, pinatay na raw ang mga sabongero at itinapon ang mga labi sa Taal Lake.
01:40Ang abogado ni Ang na si Atty. Gabriel Villarreal, tinawag na depektibo at hindi patas ang rekomendasyon ng DOJ.
01:48Maghahain daw sila ng motion for reconsideration para ito'y mabaliktad.
01:53Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng iba pang mga inirekomendang kasuhan.
01:58Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
02:02Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:07Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended