Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bago sa saksi, isa pang akusado sa pagkawala ng mga sabongero ang arestado ngayong gabi.
00:05Kapwa-akusado siya ni Atong Ang sa arrest warrant na inilabas ng Lipa RTC.
00:10At dahil po dyan, si Ang na lang ang hinahanap sa 21 akusado.
00:16May babala naman ang NBI sa sinumang magkakanlong kay Ang.
00:20Saksi, si Darlene Kai.
00:22Tatlong pulis lang ang pinapasok sa loob ng balikan nilang address ni Atong Ang sa Mandaluyong City.
00:31Hinalughog nila ang gusali habang nakasuot ng body-worn camera at iba pang recording device alinsunod sa utos ng korte.
00:37Pero wala pa rin ang nanatagpuan doon.
00:40Dahil po yung address po na nakalagay po dito sa warrant o pares, kaya doon po tayo mag-research.
00:46Although po na-implement na po namin ito sa ibang branch po, ng branch 26 po, Santa Cruz, Laguna.
00:56Kasi po ma'am, ito po ay kailangan naming implement kasi mag-return po kami ng warrant sa branch 13 Lipa City, Batangas po.
01:04Bukod kasi sa Santa Cruz Regional Trial Court, naglabas na rin ang arrest warrant ang Lipa RTC branch 13 laban kay Ang
01:11para sa six counts ng kasong kidnapping with homicide.
01:14Kaugnayan ang pagkawala ng anim na pinagbintangan umanong nandaya sa AA Cobra Game Farm sa Lipa, Batangas.
01:21Bigo uli ang Mandaluyong City PNP na matagpuan sa property na ito sa barangay Mauay Mandaluyong City
01:26ang negosyanteng si Charlie Atong Ang.
01:28Pero sinisiguro nilang mahigpit na babantayan itong lugar.
01:32Hinarap ang mga polis ng abogado at ilang tauhan ni Ang.
01:35Paano po yung gagawin ng tab, Mr. Atong Ang?
01:37Take compliance with the Lipa RTC.
01:40Right now, please direct all your concerns to his lead counsel, Attorney Villarreal.
01:47Ayon sa lead counsel ni Ang, hindi pa niya nakikita ang warrant mula sa Lipa Court.
01:51Pinayuhan daw niya si Ang na huwag munang sumuko sa mga otoridad habang ginagawa ng legal team ang lahat ng legal na hakbang sa korte.
01:57Pero ayon sa Justice Department, dapat sundin ang arrest warrant.
02:02Ang mungkahing huwag itong sundin, hindi lang daw maling payo kung hindi unethical o mano at maaaring isang krimen.
02:08Para naman sa mga kaanak ng mga nawawalang sabongero, nakaka-insulto raw ang payong ito.
02:14Tama ba yun?
02:16So hanggang ngayon pinapaikot pa tayo rito pati ng abogado eh.
02:19Hindi niya na humaluloko yung taong bayan.
02:22Lahat ko nakatingin.
02:23Hagabi, pinasok din ang mga tauhan ng CIDG ang farm ni Ang sa bayan ng Santa Cruz para isilbi ang apat na warrant of arrest.
02:29Pero matapos i-inspeksyonin ang lahat ng kwarto at gusali sa lugar, wala silang nakitang bakas ng negosyante.
02:35Paniwala ng mga otoridad, maaaring may mga tumutulong kay Ang.
02:38Kaya nagbabala ang NBI na maaari silang maharap sa mabigat na parusa.
02:43The Presidential Decree 1829, otherwise known as Obstruction of Justice, sinasabi po dito na ang tao na nag-harbor, nagko-conceal o nag-facilitate ng isang tao na ipinaghanap ng batas,
02:59ay pepeding mapatawan ng penalty na imprisonment o presumed correctional.
03:05Six months and one day to six years.
03:07Or fine.
03:08O pepede rin meron ng fine, meron pang imprisonment.
03:11Nagtayo rin ng hotline ng NBI na pwedeng tawagan ng mga may impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Ang.
03:17May nakalagay rin hotline sa poster na inilabas ng PNP.
03:21Ang poster, may litrato ni Ang bilang most wanted ng Department of the Interior and Local Government.
03:27Nakalagay rin ang tungkol sa pabuyang 10 milyong piso.
03:31Marami pa raw property si Ang na hindi patukoy ng mga otoridad at hanggang hindi pa naaaresto,
03:36hindi uusad ang kaso laban kay Ang dahil wala pa rin jurisdiction ng korte sa kanya
03:41hanggat hindi siya nababasahan ng sakdal o maaarin.
03:44Sa Ligang Batas natin, may karapatan yung mga akusado.
03:48Hindi ka pwedeng akusahan kung hindi wala yung karapatan mo.
03:52Iharap sa'yo yung testimonya.
03:54Diba? Nung nung klaban sa'yo nagre-reklamo.
03:57Pati sa arraignment, kailangan presente ka.
04:00Diba? Kaya may may proseso po.
04:01Pero pwede nang umandar ang kaso ng mga kapwa-akusadong naaresto na.
04:05Magpapatuloy ang kaso laban dun sa mga tao na yun.
04:08Habang si yung akusado na naisyuhan ng bench warrant,
04:12ay patuloy na mga hahanapin ng ating mga kapulisan.
04:16Bukod kay Ang, dalawampung iba pang kapwa-akusado
04:19ang pinaaresto ng Lipa RTC kabilang ang ilang pulis.
04:23Labing-anem sa kanila ay kasama rin sa mga inisyuhan ng arrest warrant ng Santa Cruz RTC
04:26at nauna nang nasa kustulya ng mga otoridad.
04:29Naaresto na rin ng PNPC IDG ang tatlo pang kapwa-akusado ni Ang,
04:33kaugnay ng kaso sa Lipa RTC.
04:36Ang labing-isang pulis na kasama sa mga naunang pinaaresto
04:38kaugnay ng missing sa Bungero,
04:40dismissed na kaya wala na silang makukuhang retirement benefits
04:44at hindi na pwedeng maupo o maging empleyado sa gobyerno.
04:47Inirekomenda namang i-dismiss si Brigadier General Romeo Macapas
04:51na sinampahan ang administratibong kaso ng magkapatid na patidongan.
04:54Yung pag-aresto sa mga vital witnesses,
04:58meron pong obstruction of justice doon eh.
05:01Eh yun po yung mga witness eh.
05:04Bakit natin pipigilan,
05:06bakit natin nahawakan ng mga cellphone na may mga lamang ebidensya,
05:10bakit natin tatanggalin ng mga ebidensya?
05:13Ang ilan sa pamilya ng mga missing sa Bungero,
05:16nagsalo-salo sa tanghalian kanina
05:17para ipagdiwang ang pagpapa-aresto ng korte sa mga akusado.
05:21Nabuhayan po yung loob namin na kahit maliliit na tao lang po kami,
05:25eh kaya pala namin lumaban.
05:27Doon na rin nila nalaman na may inilabas na rin arrest warrant ang Lipa RTC.
05:31Confirm na sir.
05:33Kaya sa e-warant mo.
05:35Ah sige po, salamat.
05:37Sobra po ang saya ko.
05:40Sobra-sobra.
05:41Dahil sa wakas makakamit na namin yung hinihiling namin na matagal na ustisya
05:49para sa aming mga pamilya.
05:51Pero puno pa rin ng galit ang mga pamilya
05:54kasabay ng paghamon sa mga akusado na lumabas na.
05:57Atong ang,
05:59hirap na hirap na ang buhay namin sa pagkahanap sa mahal namin sa buhay.
06:04Marami kaming pamilyang pinirwis yun nyo.
06:07Ang mga apo namin, mga asawa nun, hanggang ngayon nagdurusa.
06:14Sana naman, harapin mo na.
06:19Lumabas ka na.
06:20Itong pagkakataon na to,
06:22huwag nang pahirapan ni Atong Ang ang mga kapulisan.
06:27Ginawa niya to, dapat harapin niya.
06:30Huwag siyang duwag.
06:31Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
06:34Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:39Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment