Skip to playerSkip to main content
Aprubado na sa Senado ang mahigit P6.793T Na panukalang national budget para sa susunod na taon. Isasalang na ito sa Bicameral Conference Committee sa Huwebes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Aprobado na sa Senado ang mahigit 6.7 trillion pesos na panukalang national budget para sa susunod na taon na isasalang na ito sa Bicameral Conference Committee sa Huwemes.
00:15Tinutukan yan live ni Rafi Gima. Rafi?
00:19May elaprobado na nga dito sa Senado sa third and final reading ang 2026 General Appropriations Bill matapos ang mabusising pagtalakay sa budget bunsod ng mga nadiscovering manual yung flood control projects.
00:346.793 trillion pesos ang inaprobohang budget na nakatakta ng dalhin nga sa Bicameral Conference Committee.
00:417.7 senador ang bumoto pabor sa pag-aproba sa 2026 General Appropriations Bill. Walang nag-abstain o bumoto taliwas sa budget.
00:54Pero 7 sa mga senador ay wala sa plenario para bumoto, kabilang na si Senador Bato de la Rosa na halos isang buwan ang hindi nagpapakita sa Senado.
01:02Sa ating mahabang pagtatalakay, dalawang mahalagang layunin ang ating binabalikan.
01:10Una, ang pagpapalakas ng mga programa ng pamalaan para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
01:18Pangalawa, panatilihing bukas at matibay ang ating proseso laban sa anumang anyo ng korupsyon.
01:25Through our collective work, the 2026 budget is now more transparent, more disciplined, and more accountable than before.
01:33Pinakamalaking budget pa rin ang mapupunta sa sektor ng edukasyon.
01:36Ang budget naman ng DPWH, tinapiasa ng 311 billion pesos mula sa orihinal nitong panukala na 811 billion pesos.
01:46Sa December 12 na ang nakatakdang bicameral conference committee meeting para himayin ang Senado at ng Kamara ang magkakasalungat na probisyon ng dalawang kapulungan.
01:55Guit ni Senate President Tito Soto, ina-livestream ang bicam tulad ng kanilang ipinangako.
01:59Ang gusto namin, naka-open, kitang-kita ng publiko, sino-sino naglagay ng ganito, sino-sino yung nagpasok niyan, anong budget para sa mga tatlong pinakamahalaga,
02:12DEF ED, DOH, APE CUNYONG.
02:18Ang Kamara, iginit din natuto pa rin ang pangako ng ilang ilalivestream ang BICA meeting.
02:23Nilinaw ni House Appropriations Committee Chairperson Michaela Swan Singh na Agosto pa lang,
02:28sinabi na ng liderato ng mababang kapulungan na ilalivestream nila ang BICA meeting, aliwas sa mga lumabas na may kongresistang tumututul dito.
02:40Bukod sa chairman nitong si Sen. Wynn Gatchalian ay 7 senador mula sa mayoria at 4 senador mula sa mayoria na pawang mga vice chair ng komite
02:48ang pinangalanang miyembro ng Senado sa gagawing BICAM.
02:52Pero kanina ay nag-withdraw si Sen. Jingo Estrada bilang miyembro ng BICAM na tinanggap naman ng liderato ng Senado.
03:00Extended din ang tatlong araw ang sesyon ng Senado sa halip na hanggang December 20 yung kanilang adjournment
03:05ay may sesyon ng mga senador hanggang sa December 23 para daw mabigyan ng sapat na oras ang BICAM
03:12at maratify ang enrolled budget bill at hindi lang ang summary ng BICAM report.
03:17Yan ang latest mula rito sa Senado. Mel?
03:20Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended