Skip to playerSkip to main content
Tinututulan ng ilang residente sa Olongapo ang isang solar power project sa Olongapo City. Pangamba nila mauwi sa baha at landslide ang umano'y planong pagpuputol ng puno para sa phase 2 nito.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinututulan ng ilang residente sa Olongapo ang isang solar power project sa Olongapo City.
00:06Pangamba nila maawi sa baha at landslide ang umunoy planong pagpuputol ng puno para sa phase 2 nito.
00:12Nakatutok si Chino Gaston.
00:17Sa tuktok ng bundok na ito sa barangay Santa Rita sa Olongapo City,
00:21matatagpuan ang daang hektaryang lawak na solar power project ng Aboytis Power Corporation.
00:27Naglilikha ito ng 221 megawatts ng kuryente mula sa sikat ng araw.
00:33Green energy kung ituring ang mga solar power plants dahil mula sa renewable sources,
00:38hindi gaya ng krudo o natural gas na gamit sa mga karaniwang power plants.
00:43Pero ang mga residente ng Santa Rita umaalma sa mga punong pinutol sa bundok na posibleng pagmulan umano ng pagbaha at landslide.
00:51Lalong nag-aalala sila sa napabalitang expansion o phase 2 ng solar project
00:56na sasakupin ang tuktok ng katabing Mount Balimpuyo na sa paana nito matatagpuan ang kanilang mga bahay.
01:04Kaya isang petisyon na pirmado ng higit siyam na raang residente
01:08ang isinumiti ng mga residente sa lokal na pamahalaan para ipahayag ang kanilang pagtutol sa phase 2 ng proyekto.
01:16Pinaglalaban na po namin dito ay yung kaligtasan po namin mga mamamayan ng olongga po.
01:20Ang phase 1 po, pinutol din po mga puno dyan, lalatagan din po ng solar panel.
01:25So pag pinutol po nila yung mga dekadang puno na siyang sumisipsip ng tubig po at saka yan po nagpapatibay ng lupa,
01:33paano na po kaming mamamayan ng olongga po sir? Baka lumubog po kami.
01:37Kung titingnan nga ang flood hazard map ng Project NOAA, kulay pula ang paligid ng Mount Balimpuyo.
01:43Ibig sabihin, ngayon pa lang may mataas na panganib ng pagbaha rito.
01:48Sa mga nakalipas na taon, nakakaranas na ng mataas na pagbaha ang olongga po city,
01:53pati na mga rock slide at landslide sa mga lugar malapit sa bundok.
01:57Kung yan pa ibabubuksan ng mga kapitalistang dayuhan na magtatayo ng solar dyan,
02:03kami po lahat na mga saraylayan ang maepektuhan.
02:06Pagka po yun talagang dinakayan lupa, yun po yung maglanaslight.
02:09Meron nang ganyan, naguluong ng bato. Kung maaari po sana, may mapigilan.
02:13Bukod dito, marami na rin daw ang mga tinanim na puno ng prutas sa bundok na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.
02:21Dito rin daw nagmumula ang tubig mula sa mga burol na gamit nila sa pandilig ng pataniman.
02:27Sana po hindi na po matuloy yung pesto po sa lugar na yan, sa ibabo po na yan.
02:33Unang-una po sir, dyan po kami kumukuha ng pangkabuhayan po namin, mga produkto po dyan.
02:39Dyan po dinadala po namin sa lungsod po ng olongga po.
02:43Binababa po namin dyan, mga paninda po, mga manga po, pagkapanahon ng manga, avocado, nyug.
02:51Lahat po, kasoy. Nanghinayang po kami kung masisira lang po ng gano'n.
02:58Pero dahil nga po lupang gobyerno.
03:02Ayon kay Olongga po Vice Mayor Kay Ann Legaspi, hindi siya tutol sa Renewable Energy Project,
03:08kagaya ng solar farms, pero hindi pwedeng isaalang-alang ang kapakanan ng mga residente.
03:13Sabi ni Legaspi, inaprubahan ng LGU ang Phase 1 ng proyekto sa paniniwalang wala itong dulot na masama sa kalikasan.
03:22Sa ngayon, wala pa rin aniang natatanggap ang sangguniang panlunsod ng anumang dokumento tungkol sa Phase 2 ng proyekto,
03:28maliban sa abisong may public scoping na na nangyari.
03:32Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang DENR dahil nasa public scoping phase pa lang ang proyekto.
03:37Sa isang press statement, sinabi ng Aboytis Power Corporation na kinikilala nila ang mga pangamba
03:43tungkol sa pagpuputol ng kahoy sa Phase 2 at ang potensyal na pagbahang dulot nito
03:48dahil nasa inisyal na bahagi pa lang daw ang Phase 2, wala pa raw silang ginagawang pagpuputol ng puno kaugnay nito.
03:56Pero sa kanilang pag-aaral, hindi raw makakadagdag sa tubig na dumadaloy sa Olongapo River ang Phase 2 ng proyekto.
04:02Sari-saring hakbang rin daw ang isasagawa nila para matiyak ang kaligtasan sa site at sa mga kalapit na komunidad.
04:10Ang sabi ng Aboytis Power, walang kuryente mula sa solar farm ang direktang mapupunta sa Olongapo City.
04:16Pero may kita naman daw na mapupunta sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng real property at business taxes
04:22sa loob ng 25 taong lifespan ng proyekto.
04:26Bukod pa ito sa mga buwis na ibabayad sa national government sa pagbenta ng nilikhang kuryente ng kumpanya.
04:33Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended