Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Katumbas na isang buwang pensyon ng nasa 2,000 SSS pensioners
00:05at katumbas din ang funeral benefit para sa mahigit 600 yumaong miyembro nito
00:10ang halaga ng mahigit 140,000 rolyo ng tissue paper na in order ng SSS.
00:17Pinunaan ng Commission on Audit ang sobra-sobrang order
00:20pati ang anila ay hindi maayos na procurement.
00:23Mayunang balita si Maki Pulido.
00:24Tila hindi pondo ang ikinatatakot na maubos ng social security system
00:32kundi tissue paper sa dami ng in order nito noong 2024.
00:36Sa audit report ng COA o Commission on Audit,
00:39mahigit 140,000 rolyo ng tissue paper ang in order ng SSS
00:44na nagkakahalaga ng halos 13.2 million pesos.
00:48Sobra pa ito sa dalawang buwang supply na kailangan ng SSS.
00:51Sa sobrang dami ng supply, hindi ito nagkasha sa kanilang bodega.
00:56Ayon sa COA, mahigit 116,000 rolyo ng tissue paper
01:00ang nasa bodega pa ng mga supplier.
01:03Nabatay lang sa verbal agreement at wala man lang pinirmahan
01:05kaugnay sa pag-iimbak.
01:07Sabi ng COA, malinaw itong paglabag sa patakaran
01:10sa mga transaksyon at operasyon ng gobyerno.
01:13Puna ng mga state auditor, may panganib na mawala
01:15o masira ang 100,000 tissue paper
01:18at indikasyong di na pagplanuhan ng maayos ang procurement
01:21na kahihinayang, lalo kung masayang.
01:25Lalo't sa 6,548 pesos na monthly average pension ng SSS,
01:30ang pinambili ng tissue paper ay katumbas
01:32ng isang buwang pensyon ng nasa 2,000 pensioner.
01:36Kung funeral benefit naman,
01:37hanggang mahigit 600 yumaong miyembro
01:40ang maaaring matulungan.
01:41Pero kahit sa mismong funeral benefits,
01:44pinuna, halos 300 kasi na mga nag-claim
01:47ang kulang ang binigay na funeral benefit.
01:50Lumabas sa COA audit na may underpayment
01:52na halos 3 million pesos
01:54dahil sa hindi kompletong computation
01:56ng mga kontribusyon ng mga yumaong SSS member.
02:00Maaaring naapektuhan daw nito yung entitlement
02:03o binipisyong karapatang matanggap
02:05ng mga asawa o kaanak
02:07ng mga yumaong SSS member.
02:09Kung merong nagkulang sa funeral benefit,
02:12may mga miyembro namang nakatanggap pa rin
02:14ang pensyon kahit patay na.
02:16Napuna na mga auditor na nagbayad ang SSS
02:19ng higit 24 million pesos na pensyon
02:21para sa mga yumaong mga miyembro.
02:24Ayon sa COA, nahahighlight nito
02:26ang kahinaan sa pagbabantay sa kanilang pera
02:28para maiwasan ang pagkawala
02:30o pagkasayang ng pondo
02:31kaya't nalalagay sa panganib
02:33ang pension fund ng SSS.
02:35Sa kabila na mga punang ito,
02:37sabi ng COA,
02:38sa ilalim ng Prestige Award ng SSS,
02:41binigyan nila ng 50,000 pesos cash incentive
02:44ang mahigit 6,500 na mga opisyal at empleyado
02:48na may kabuang halaga na 333 million pesos.
02:53Ipinunto ng mga auditor na batay sa CSC Memorandum Circular,
02:57maaari lamang magbigay ng pera bilang gantimpala
02:59kung may hakbang ang binigyan na nagresulta
03:02sa pagkakatipid ng pondo.
03:03At ang igagawad na pera sa kanila
03:05ay hindi dapat lumampas sa 20% ng natipid.
03:09Pinasusumiti ng auditor sa SSS ang kanilang batayan.
03:12Kung hindi, ay pinapasauli ang cash incentive.
03:15Giit ng SSS,
03:16meron silang mahigit 16 billion pesos
03:19na productivity-related savings.
03:21Ang incentive ay katumbas-umano
03:22ng ekstrang pagsisipag ng mga empleyado
03:25kahit kulang sa tauhan.
03:26Kaya nakatipid ang SSS
03:28ng pambayad sa ekstrang tao.
03:30Hinihingi pa namin ang komento ng SSS
03:32sa iba pang mga puna
03:33ng Commission on Audit.
03:35Ito ang unang balita,
03:37Maki Pulido para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended