00:00Patuloy ang inisyatiba ng pamahalaan na magkaroon ng sariling titulo ng lupa ang maraming Pilipino
00:05sa tulong ng Community Mortgage Program ng DHSUD, na inaasahang makakatulong sa 7,000 pamilya.
00:13Yan ang ulat ni Rod Lagusad.
00:17Emotional si Nanay Erlinda, dahil matapos ang 23 taon,
00:22ay magkakaroon na ng titulo ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay.
00:26Na gumawa kami sa gala, kung baga parang tears of joy,
00:30na matutupad na yung pangarap namin na magkakaroon kami ng sariling titulo sa lupa namin.
00:35Ganito din ang nararamdaman ni na Mayor Grace, lalot sa darating na Oktubre,
00:39ay maiti-turnover na sa kanila ang kanilang tinitirhan.
00:42Masayang-masaya po kami dito sa Villasolidad, kasi ito po yung inaantay namin na matagal na.
00:48Kasi yung iba dito, matagal na talaga residence dito, kagaya po namin 20 years na po kami dito,
00:53yung iba may mas matagal pa.
00:55Inan lang si Mary Grace at Erlinda sa mga residente ng Pasig City na benepisyaryo
01:00ng Community Mortgage Program na Department of Human Settlements and Urban Development.
01:04Ayon kay Sekretary Jose Ramon Aliling,
01:06aabot sa 7,000 pamilya ang mabibenefisyohan ng programa sa 33 sites.
01:12Anya mula Oktubre hanggang Pebrero ang unang batch ng pag-award ng mga ito,
01:15bilang bahagi ng direktiba ng Pangulo na pabilisan na ang pamamahagi nito.
01:19Para makinabang na, makita na ng mga kababayan natin, na talagang seryoso tayo na ayusin ang mga problema sa pabahay.
01:28Ang kagandahan po nitong tinatawag natin enhanced EMP, hindi po ito natatapos sa pag-award ng mga lupa nila.
01:34Kaya po tayo nandito ngayon, gusto natin makita o masigurado na pati utilities in place,
01:39tubig, kuryente, drainage, pagagandahin po natin itong mga linalakaran dito.
01:44Kabilang na dito ang pagkakaroon ng streetlights na pawang solar-powered,
01:48maayos na internet connectivity, maayos na sanitation at siguridad.
01:52Community-driven ito, community-led itong kinagawa natin ito.
01:57Yung ibig sabihin, kasama natin sa pagpaplano, yung komunidad kung ano ang kailangan nila at anong gusto nilang gawin.
02:05Kasama rin sa programa ang pagtugon sa isyo ng baha, gaya ng pagsiguro na hindi barado ang daluyan ng tubig.
02:11Layan ang programa na maging maayos ang living condition ng mga beneficiaryo.
02:15Sa ilalim ng programa, pauutangin ang pamahala ng mga residente,
02:18kusaan nasa 400 hanggang 600 pesos kada buwan ang hulo na maaring bayaran hanggang 30 taon.
02:24Matapos ito, karagdagang 5 hanggang 7,000 pamilya ang inaasahan ng kagawaran
02:29na makikinabang sa ikalawang batch ng programa sa iba't ibang bahagi ng bansa.
02:34Rod Lagused, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.