Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Mga kapuso, na dito tayo ngayon sa M. De Santo Street, dito sa Divisoria, Maynila pa rin.
00:05At sa mga sandali pong ito ay tuloy-tuloy yung pag-ambon.
00:09Pero nakikita natin, hindi naman napipigilan ang ating mga kababayan sa pagpunta pa rin at pagpapatuloy ng kanilang pagsya-shopping.
00:16Meron lang sila mga daladalang mga payong, pero syempre, talagang tuloy pa rin ang kanilang pag-Christmas shopping.
00:24Dahil nga, ito pong kalsada na ito, along with a lot of other streets dito po sa Divisoria, talagang napupuno na kahit maaga pa lang.
00:32Dahil syempre, namimili sila ng maaga para hindi makapagsiksikan sa magiging dagsan ng mga kababayan natin para makapamili ng mga Christmas decorations, mga Christmas lights, at syempre mga panregalo.
00:43At kabilang nga po itong tindahan na ito, marami na po mga bukas ngayon, pasado alas 7 na umaga.
00:48Ang ilan daw po sa mga patok na panregalo ngayong Pasko ay gaya nitong mga kids bags, yung mga ganyan, mamimili ka ng iba't ibang kulay, iba't ibang design, 3 pieces for 100.
00:59Yung iba naman, ito, 3 pieces for 100 pesos o 35 pesos each yung mga towel na maliliit, pero kapag malaking towel, ay nasa 2 pieces, 150 pesos.
01:09Magaganda po yung mga design na mga towel na yan.
01:12At syempre, marami rin po rito, hile-hile-ra yung mga tindahan, yung mga iba't ibang mga Christmas lights, Christmas decors.
01:17Yung mga iba, kung gusto maglagay ng mga Christmas stockings, ayan po, o di kaya mga Christmas hats para pang ating pang costume sa ating mga Christmas parties.
01:27Ito rin po ang iba't iba pang mga costume, yung mga pang bata na mga Christmas na pang Santa Claus.
01:33Ayan, nandito po lahat yan, kaya makakapamili talaga kayo kung ano yung pasok sa inyong taste.
01:38Tapos dito naman, napakarami pang ibang mga designs at marami mga namimili.
01:42Ayan, o. Umaura pa si ate, o di ba?
01:45Tsaka mga iba't ibang mga Christmas tree, ayan, nandito.
01:51At may mga Santa Claus pa, ayan, di ba?
01:55Ang gaganda ng mga makikita nyo po rito, iba-iba rin po, pwede pa tayong tumawad.
01:59At ito naman, isang tindahan na ito, kilala raw ito dahil iba-iba yung mga designs nila, medyo unique.
02:04Katulad nito, yung mga pansabit, mga pang-decor, mga ice cream, donuts, yan, candy, lahat yan, nasa 50 pesos per piece lang po yan.
02:15Tapos ito namang house lights, nasa 1,200 po yan, pampadagdag ng kulay sa inyong mga buhay ngayong Pasko.
02:22At syempre, may mga Santa Claus din tayo na pansabit at kung ano-ano pa mga kapuso.
02:27So, ang sinasabi po sa atin, stable naman na ang kanilang mga presyo hanggang sa magpasko.
02:33So, dapat, hindi na sila magtataas.
02:35Kaya kapag medyo nagtas po sila, sabihin nyo, dati sabihin nyo, stable na ang presyo.
02:40So, yan daw po ang pangako nila, magiging stable na yung mga presyo.
02:43At sa lahat pa ng mga kababayan natin na pupunta pa ngayon dito sa Devesoria,
02:47huwag nyo pong kalimutan na magdala ng inyong mga panangga sa ulan o di kaya sa araw.
02:51So, dahil kahit na ano naman, umaraw man o umulan, maganda, meron kayong dalang mga payong para hindi kayo magkasakit sa mga bago-bago ng panahon.
03:01So, yan muna ang latest sa sitwasyon.
03:03Napakarami tayong mga kababayan dito na talagang ang saya, nage-enjoy sa kanilang pamamasyal at pamimili.
03:09So, yan muna ang latest sa sitwasyon.
03:10Mula pa rin dito sa Devesoria. Balik muna sa studio.
03:13Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:15Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
03:21Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment