Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinailawa na ang naglalakihang Christmas tree sa ibang bansa.
00:03Pag-asa ang simbolo niyan para sa mga bansang naaharap sa matinding gulo hanggang ngayon.
00:08Papasada na ang UB Express Overseas.
00:13Makulay, masaya, at jump-packed ang isinagawang pagpapailaw sa giant Christmas tree sa Major Square sa Bethlehem.
00:22Sinisimbolo niyan ang pagsisimula at pagbabalik ng mas masayang pagdiriwang ng Pasko
00:27kasunod ng dalawang taong gulo sa pagitan ng grupong Hamas at Israel.
00:32Sa kabila rin ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine,
00:35nagbigay ng pag-asa at liwanag sa mga residente
00:38ang pinailawang giant Christmas tree sa Sofia Square sa Kiev, Ukraine.
00:42Kanya-kanyang hiling at pasasalamat ang mga residente para sa paparating na Pasko.
00:47Winter vibes naman ang hati ng giant Christmas tree na pinailawan sa labas ng isang cathedral sa Milan, Italy.
00:53Ang disenyo nito, konektado sa Winter Olympics na gaganapin doon sa susunod na taon.
01:07Pinailawan na rin ang Christmas tree lane sa California sa Amerika.
01:11Mahigit dalawampung libong bumbilya ang ginamit para bigyang kulay ang mahigit sandaang puno na nasa mahigit isang kilometrong kalsada.
01:19Ito ang unang balita. EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended