24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Unang weekend ng Disyembre, sakit sa ulo agad ang bumungan sa mga motorista dahil sa naparalesang traffic sa Marcos Highway kagabi.
00:10Mula sa Antipolo City, nakatutok live si Bob Gonzalez.
00:13Bob, matindi pa rin ba ang traffic?
00:16Ivan Biro ng ilang netizen, e mukhang nagkasabay-sabay ang mga Christmas party nitong weekend.
00:21Kaya naman nagkabuhol-buhol ang traffic sa EDSA, pati na rin dito sa Marcos Highway.
00:24Kung hindi gapang walang galawan ang mga sasakyan kagabi sa Marcos Highway, Pamarikina at Antipolo.
00:33Merong inabot ng tatlong oras galing pang mandaluyong.
00:36Hanggang limang oras ang kalbaryo ng iba, mundik na raw silang magpamorningan sa daan.
00:44Ang ilang naipit, naglakad na lang. Tila napaaga nga raw ang alay lakad sa Antipolo.
00:51Naipon sa labas ng ilang mall ang mga commuter na naghihintay ng masasakyan.
00:56Nagkatuwaan na lang ang ilang netizen at inisip na mistulang higanteng Christmas lights ang ilaw ng mga nakatigil na sasakyan.
01:03Komento ng isang netizen, ang wala pang 30 minutong biyahe, naging triple.
01:08Dinaig pa raw ang pag-uwi sa Laguna.
01:10Sagot naman ang isa, naglakad na lang sila pero traffic pa rin dahil sa mga rider na nasa daanan ng tao.
01:16Ang isa pa nga, sumakit na ang paa sa paglalakad.
01:21At biro ng isang netizen, sa haba ng traffic e nagkaroon na siya ng love life.
01:26Umabot ang pila ng mga sasakyan mula Kainta at Antipolo hanggang sa Marikina at Quezon City.
01:32Mismong si MMDA Swift Traffic Action Group Commander Bong Nebrija, kalahating oras daw naipit sa traffic, gayong isang kilometro lang ang biyahe niya.
01:40Wala naman daw vehicular accidents at road reblocking kagabi, sabi ng MMDA.
01:46Sadyang marami lang sasakyan galing sa C5 at EDSA.
01:49Noong biyernes nga, bumigat ang rush hour traffic sa EDSA.
01:53Ayon sa MMDA, pinalala pa ito ng mga naitalang 23 road crash incidents at 8 stalled vehicle incidents mula alas 2 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
02:04Lumuwag naman daw ang trapiko sa ibang bahagi ng EDSA bandang alas 8 ng gabi.
02:08Nakatutok na raw ang deployment ng traffic enforcers ng MMDA sa choke points at intersections sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
02:17Kanina, maluwag na ang daloy ng trapiko sa Kainta Junction pa Marcos Highway.
02:21Sa eastbound lane ng Marcos Highway pa Antipolo, mabilis din ang biyahe kanina.
02:25Wala rin traffic paakyat ng masinag.
02:27May kaunting pila sa U-turn slot pero hindi raw nagtatrafik.
02:31Sa westbound lane pa Katipunan, light to moderate ang trapiko.
02:34Ivan, kung dadaan naman kayo ngayon dito sa Marcos Highway, kahit medyo paulan-ulan ano, ay maluwag pa rin ang daloy ng trapiko sa magkabilang lane.
Be the first to comment