Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Nauwi riyan ang pahirapang pag-aresto sa lalaking nag-car nap sa SUV ng dati niya amo sa General Santos City.
00:36Si Nisan tiraw siya ng amo dahil sa umunoy pagdodroga.
00:39Ang maksyong habulan at paghuli, tunghayan sa pagtutok ni Efren Mama ng GMA Regional TV.
00:48Sira na ang bumper at basag ang windshield ng SUV na ito nang makuhanan sa Barangay Fatima sa General Santos City.
00:55Ang SUV, hinahabol pala ng pulisya.
01:00Nang tangkain itong umarangkada, pinalibutan na ito ng mga otoridad.
01:06Kinalsohan ng bato ang gulong at pilip pinabababa ng mga pulis ang driver.
01:14Pero nagmatigas pa rin siya at sinubukan pang umatras para tumakas.
01:19Ang mga pulis, pinaghahampasan ng baril at bato ang salamin at windshield ng sasakyan para mahuli ang driver.
01:26Pinuwersa na nilang mapababa ang driver ng SUV at saka inaresto.
01:31Ang mala pelikulang tagpo, hot force at operasyon ng General Santos City Police sa driver na tinangkaumanang tangayin ang SUV mula sa otoshot ng dati niyang amo.
01:40Mismong biktima raw ang nagsumbong sa pulisya para mabawi ang sasakyan.
01:44Sinisanti siya sa work, yun ang nakikita namin na ang gulo. Sinisanti siya sa work because of alleged drug addiction.
01:53Ayon sa PNP, marami daw nabangga ang sospek ng nakikipaghabulan ito.
01:57There were three instances na stop na siya and nag-refuse siya to submit himself to the authorities.
02:04So ano na yun, saka marami na siya nabangga. Maraming reported na nasira but ang nag-reklamo lang sa amin is one sarisari store and one residential na area.
02:17Nasa kustodian na ng pulisya ang sospek pati ang sasakyan na kanyang tinangay.
02:22Sinusubukan pa namin makuha ang panin ng sospek gayon din ang may-ari ng SUV.
02:25Para sa GMA Integrated News, Efren Mamak, nakatutok 24 oras.
02:33Ngayon pong long weekend at habang papalapit ang kapaskuhan, ramdam na ang Carmageddon.
02:37O yun pong heavy got na trafikos sa mga kalsada sa Metro Manila.
02:41At mula sa North EDSA, nakatutok la si J.D. Surya.
02:46J.D.?
02:49Nakupiya mga kapuso, kagabi talagang naramdaman niyang Carmageddon.
02:53Muna yan, sobrang trafik yan ang reklamo ng mga motorista.
02:56At sa mga oras na ito, matindi rin ang trafik sa ilang bahagi ng EDSA.
03:00Pero sa ating likuran, medyo maluwag pa naman at passable.
03:03Pero asahan nga doon at itindi pa yan sa mga susunod na araw habang paparapi o paparami ang Christmas parties.
03:09Sa pula, sa puti, magkabilang lane ng EDSA ang nagningning kagabi.
03:18Hindi sa ilaw ng Pasko, kundi sa mga bumbilya na mga bumper to bumper na sasakyan.
03:25Mula tanghali hanggang ngayong hapon, mabigat na ang daloy ng trafikos sa ilang kalsada gaya sa EDSA Munoz southbound.
03:32Nasusaklan tayo sa trafik, sayang yung oras kaya kailangan mag-adjust.
03:37At habang papalapit na ang Pasko, babala ng MMDA, titindi pa ang bangungot na Carmageddon.
03:45Hindi lang ngayong long weekend, kundi ngayong kapaskuhan.
03:48Nakabi-kabila ang mga Christmas party at dagsa ng mga mamimili sa mga mall.
03:53Ang motoristang si Roni, nasa iisang bahagi lang ng isang shopping center sa San Juan kahapon,
03:59pero inabot ng siyam-syam bago nakalipat sa isa pang gusali.
04:04So sobrang traffic talaga, grabe.
04:05Isang area lang yun?
04:07Yeah, less than 300 meters, isang oras.
04:13So yung lunch namin na supposedly 12, we started at 1.30.
04:16Ang problema, maging ang mabuhay lanes, madalas ding pinaparadahan ng mga sasakyan.
04:22Ang dami nakabara sa kalye.
04:23Kaya puspusan ang road clearing operations ng MMDA kahit weekend sa mabuhay lanes
04:29at iba pang kalsadang pwedeng gawing alternatibong ruta.
04:32Pero mas tututukan daw nila ang mga pangunahing kalsada
04:35gaya ng EDSA, Quezon Avenue, C5 at Rojas Boulevard,
04:40lalo na yung mga papunta sa mga mall at pasyalan.
04:43Magdatagdag po tayo ng mga tauhan po natin
04:46which will help to manage the traffic especially during rush hours.
04:52At ang nakikita niyo sa akin likuran ay ang EDSA northbound
04:58papunta po sa direksyon ng Balintawak at papunta sa Enlex
05:01at daraan din po ito sa dalawang maghiwalay na mall, magkatabing mall.
05:05Dito at sa mga oras na ito, hindi pa namun po ganong kabigat
05:08ang dali ng traffic, pero bagyang bibigat yan
05:10pagating nga po doon sa mall, yung mga kumakanang papasok
05:13doon sa establishmentong yun.
05:14At yan muna ang latest, balik muna sa iyo Pia.
05:16Maraming salamat, JP Soriano.
05:46Ang mga ICC kung kailan isa sa publiko ang ulat.
05:50Ipinagpaliba ng Korte ang confirmation of charges hearing ni Duterte
05:53na nakatakda sana noong September para matiyak
05:56kung ang dating Pangulo ay fit to stand trial o hindi.
06:02Apang papalapit sa kalupaan ng Bagyong Wilma,
06:05ilang lugar ang nakaramdam na ng hagupit ng masamang panahon.
06:08At mula sa Borongan City, Eastern Summer, nakatutok live.
06:13Si James Agustin.
06:14James?
06:17Ivan, baga man humupa na yung pagbaha sa maraming bayan dito sa Eastern Summer,
06:21handa pa rin daw yung mga residente na lumikas ulit kung kakailanganin,
06:25lalo pa at may banta pa rin ng bagyo sa probinsya.
06:29Palsada namin, ayan, uy, punong po.
06:33Abot binting ba ang naranasan sa barangaybigan sa General MacArthur, Eastern Summer.
06:37Dahil sa ulang dulot ng Bagyong Wilma,
06:40naglagay na ng lubid para may mahawakan ang mga residente habang tumatawid sa baha.
06:45Mahirap talaga yung pag naaabot yung tubig eh.
06:49Talagang maraming gamit namin inadala doon.
06:52Tapos yung mga pamilya ko, kuman sa iba kueso.
06:59Mabilis po yung bukso ng tubig.
07:01Importante lang naman po yung buhay.
07:02Kailangan natin lumikas kaysa maiwan natin yung mga gamit dito.
07:06So, ano pa naman yan, makikita pa naman yan eh.
07:10Ayon sa MDRO, sampung barangay ang binaha.
07:14Yung catch basin, kasi nasa baba siya at saka napapalibutan po siya ng mga creeks.
07:20At saka meron pong malaking ilog.
07:22So parang nagsasalubong po yung dalawang creeks at saka yung ilog.
07:27Humupa na ang baha.
07:29Sa bayan ng Llorente, limang barangay ang binaha kahapon.
07:31Umapaw ang ilog kaya nalubog ang malaking bahagi ng barangay Antipolo.
07:35Mahirap.
07:36Mga tag-ulan.
07:37Kasi sabay sa ano, pag high tide, kaya mabilis umano yung tubig.
07:43Pag na ano na, humuho pa na kaagad.
07:46Naglalakihan pa rin ang mga alon.
07:48Kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpalaon.
07:49Sa Borongan City, malakas na buhos ng ulan ang naranasan kaninang hapon.
07:56Nakastanby ang mga search and rescue equipment.
07:58Pati relief goods na ipapamahagi sa mga residente.
08:01Ayon sa CDRMO, 23 barangay ang bahaing sa lugar.
08:05Yung appeal lang po namin sa mga kabarangay namin dyan na
08:08kung ano po yung pinag-uutos ng mga barangay officials o yung authorities,
08:13son din po yung utos para maging safe lang po tayo.
08:16Sa Likaspi City, Albay, pahirapan ang pagdaan ng mga motorisa sa isang kalsada
08:25dahil sa baha at road construction.
08:35Hindi naman madaanan ng mga maliliit na sasakyan ng binahang kalsada
08:39sa Garchitore na Camarinesu.
08:47Sa nabalbiliran, pinagtulungang iangat ang isang kotseng muntik mahulog sa ilog.
08:52Ligtas ang driver na idinahilang nahirapan daw makita ang daan
08:55at magbaneho sa madulas na kalsada dahil sa lakas ng ulan.
08:59Igbawa na, igbawa, igbawa na.
09:03Sa Balamban, Cebu, malakas na nga ang ulan.
09:06Nagkalat pa ang mga bato sa kalsada kasunod ng landslide.
09:08Ang ilan sa bato, noon pang tumama ang bagyong tino.
09:15Malakas na ulan at hangin din ang nanalasa sa tawi-tawi
09:18gaya sa bayan ng Panglimasugala
09:20at sa kabisera ng Bunggaw, kung saan inilikas na ang ilang residente.
09:27Balik dito sa Borongan City, mahigpit na binabantayan ng mga otoridad
09:35yung mga low-lying areas matapos makaranas ng malakas na buhos ng ulan kaninang hapon.
09:40Yamunay, latest mula po dito sa Eastern Summer. Balik sa iyo, Ivan.
09:44Ingat, maraming salamat, James Agustin.
09:48Sumungod ang mga polis sa dalawang subdivision sa Fairview, Quezon City.
09:51May sumbong kasi na may mga nang-aangkin umano ng abandonadong bahay
09:55at nananakot ng residente.
09:58Nakatutok si Jomera Presto.
10:02Pinasok na mga tauhan ng Quezon City Police District o QCPD
10:06ang subdivision na ito sa North Fairview, Quezon City, kagabi.
10:09Kasunod ng reklamo na may mga nakapasok na land grabber
10:12at inaangkin ang mga abandonadong bahay rito.
10:15Meron din umanong grupo na tila tinatakot ang mga residente.
10:18Dito medyo nahihirapan sila na medyo iba-ibang mukha na rin yung nakakapasok sa kanila
10:25parang hindi sila, wala yung safety nila parang nakokompromise.
10:33Pahigit 150 pulis ang nag-iikot sa bawat kanto at sulok ng dalawang magkarugtong na subdivision.
10:38May ilang residente rin ang sinita dahil sa pagmamaneho ng motosiklo na walang dalang lisensya.
10:43Ang lalaki namang ito na nakaupos sa bangketa at may bitbit na dalawang helmet,
10:47sinita rin ang mga pulis.
10:49Depensa niya, nagpapahinga siya at malapit lang ang kanilang bahay.
10:53May ilang kabataan din ang sinita dahil naglalaro pa sa labasan kahit hating gabi na.
10:57Ayon sa QCPD, walang nahuli sa operasyon pero iniimbestigahan pa nila mga reklamo ng mga residente.
11:03Pusibleng may protector daw ang grupo na nananakot sa mga residente.
11:07Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
11:12Nailipat na sa Correctional Institution for Women si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
11:19Ang Sabir of Jail Management and Penology, pasado las jis kagabi,
11:22itinurn over si na Guo at dalaw pa niyang kapwa akusado.
11:25Hinatulan silang guilty sa kasong qualified trafficking,
11:28kaglay ng Bamban Pogoho.
11:31At sinintensyahan na makulong ng habang buhay.
11:34Mananatili sila ng 60 araw sa Reception and Diagnostic Center
11:37bago ihalo sa iba pang persons deprived of liberty.
11:42Tila hindi kumikilos ngayon sa dagat, ang Bagyong Wilma.
11:47Ang latest siyahatid ni Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
11:52Amor.
11:56Salamat Ivan mga kapuso.
11:57Simula po ngayong gabi, posibleng tawirin na ng Bagyong Wilma,
12:01ang bahagi ng Visayas.
12:02Huling namatahan ng sentro ng bagyo sa coastal waters po yan ang Canabid Eastern Samar.
12:08At taglay po nito ang lakas ng hangi nga abot sa 45 kilometers per hour.
12:12Bugso naman na nasa 55 kilometers per hour.
12:15At sa ngayong mga kapuso, ay halos hindi po yan gumagalaw.
12:18Pero posibleng pang magkaroon ng pagbabago sa pagkilos nito sa mga susunod na oras.
12:23Ayon po sa pag-asa, sa Eastern Samar o sa Northern Samar,
12:27ang unang landfall, itong Bagyong Wilma, anumang oras.
12:30At sunod po nito ang tatawirin itong iba pang bahagi ng Visayas.
12:34Hanggang bukas, araw po na linggo.
12:35At pagsapit ng lunes, ay posibleng dumaan naman yan dito sa northern part ng Palawan.
12:40Pusibleng naman na by Tuesday ng hapon ay nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility.
12:47Pero patuloy po natin imonitor ang magiging pagbabago.
12:50Sa ngayon, nakataas ang wind signal number one sa Sorosugon.
12:53Ganon din sa Masbate, including Tikau ay Burias Islands.
12:57Ganon din sa Romblon, southern portion ng Oriental Mindoro,
13:00southern portion ng Occidental Mindoro,
13:02northernmost portion ng Palawan,
13:04kasama rin po ang Kuyo, Kalamiyan at Cagayansiyo Islands.
13:08Nakataas din ang wind signal number one dyan po sa northern samar,
13:12eastern samar, samar, biliran, northern and central portions ng Lete,
13:17northern at central portions ng Cebu,
13:19kasama po ang Bantayan Islands at pati na rin ang Camotes Islands.
13:23Ganon din po dito sa northern portion ng Negros Oriental.
13:27Wind signal number one din ang nakataas dyan naman sa northern and central portions ng Negros Occidental,
13:32Gimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, kasama po ang Kaluya Island.
13:38Sa mga nabanggit na lugar, posili pa rin po makaranas ng malakas na bugso ng hangin na may kasamang mga pag-ulana.
13:44Pero mga kapuso, hindi lang po Bagyong Wilma ang makaka-apekto sa ating bansa
13:48dahil magpapaulan din yung shear line at pati na rin itong hanging amihan o yung northeast monsoon.
13:54Ganon din ang localized thunderstorms.
13:56Base po sa datos ng Metro Weather ngayong gabi, pinakamaulana dito sa Bicol Region,
14:02ganon din sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao,
14:05pati na rin sa ilang bahagi ng northern at pati na rin po ng central and southern Luzon.
14:10Bukas ng umaga, mataas din ang chance ng mga pag-ulana sa ilang lugar dito,
14:15sa May Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Calabar Zone, Mimaropa
14:20at pati na rin dito sa Visayas, lalong-lalo na sa western portions.
14:25At mga kapuso, linggo ng hapon, malaking bahagi na ng ating bansa ang makakarani sa mga pag-ulana.
14:30Kasama pa rin po dito ang northern at ang central portions ng Luzon,
14:35gaya ng Cagayan, Isabela, Quirino at ng Aurora,
14:38pati po ang Bicol Region, southern Luzon,
14:40so kasama pa rin ang Calabar Zone at Mimaropa.
14:43Ganon din ang malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
14:47May mga malalakas sa buhus ng ulan,
14:48kaya naman po paghandaan pa rin at maging alerto sa bantanang baha o landslide.
14:54Dito naman sa Metro Manila, mataas din po ang tsansa ng ulan bukas,
14:57kaya mag-monitor din po ng advisories na ilalabas ng pag-asa.
15:02Yan muna ang latest sa ating panahon.
15:03Ako po si Amor La Rosa.
15:05Para sa GMA Integrated News Weather Center,
15:07maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended