00:00Iniutos ng Korte Suprema ang pagpapabalik ng 60 billion pisong pondo ng PhilHealth noong 2024 na inilipat sa National Treasury.
00:08Ayon sa Korte Suprema, kontra sa dalawang batas ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth.
00:14Nakatutok si Jonathan Andal.
00:20Naggaisa ang mga magistrado ng Supreme Court.
00:23Dapat ibalik sa PhilHealth ang pinalipat na 60 billion pesos na pondo nito sa National Treasury.
00:30The Supreme Court, through the ponensya of Associate Justice, Ami C. Lazaro Javier, unanimously ordered the return of PhilHealth funds.
00:41Matatandaang noong 2024, pinare-remit sa PhilHealth ang halos 90 billion pesos na sobra umanong pondo na hindi ginagamit ng ahensya.
00:50Na-remit sa National Treasury ang naunang 60 billion pesos.
00:54Pero ang balanseng halos 30 billion pesos hindi natuloy dahil nag-issue na ang Supreme Court.
01:00Nang temporary restraining order ng kwestiyonin ito sa Korte Suprema.
01:03Sa desisyon ngayon ng Supreme Court and Bank, idineklara nitong walang visa ang special provision sa 2024 General Appropriations Act
01:12at ang circular ng Department of Finance na ginamit na basihan ng gobyerno para sa paglipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury
01:19dahil nakitaan nila ng grave abuse of discretion ang pagpapatupad nito.
01:24Kontra rin daw ang mga utos sa dalawang batas, ang Syntax Law at Universal Healthcare Act.
01:30Bukod sa pagbabalik sa PhilHealth ng 60 billion pesos, tuluyan din itong ipinagbawal ang paglipat ng natitirapang halos 30 billion pesos mula sa PhilHealth.
01:39Sabi ng Korte Suprema, immediately executory ito o agad-agad dapat ipatupad.
01:44Tinanggihan naman ang Korte ang hiling ng mga petitioner na tukuyin ang criminal liability o pananagutan ni dating finance secretary
01:52at ngayon yung executive secretary Ralph Recto para sa technical malversation o kaya ay plunder.
01:57Wala pong criminal liability determination in this case.
02:01The Supreme Court said that this was not the proper proceeding to determine the criminal liability of the secretary of finance
02:10because this is a petition for certiorari under Rule 65 which deals with determining whether there is grave abuse of discretion.
02:20Sabi ni Recto, ginagalang nila ang desisyon ng Korte at susunod daw ang ehekutibo sa utos ng SC na pagbabalik ng pondo sa PhilHealth.
02:30Guit pa ni Recto, sumunod lang ang ehekutibo sa direktiba ng Kongreso at naniniwala sila noon na isa itong paraan
02:36para sulitin ang paggamit sa kaban ng gobyerno ng hindi nangungutang o nagpapataw ng bagong buwis.
02:42Iginagalang din ang Malacanang ang desisyon ng Korte Suprema.
02:45Ire-review daw ng Office of the Solicitor General ang ruling
02:48at saka magdidesisyon sa susunod na akbang kabilang ang paghahain ng motion for reconsideration.
02:54Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
Comments