Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Possibly, may uwi sa linggo ang labi ng isa sa tatlong tripulanting Pinoy na sa uwi sa pag-atake ng grupong Huti sa MB Eternity C noong Hulyo.
00:09Kagabi, nakauwi na sa Pilipinas ang siyam na tripulanting binihag at pinalaya kalaunan ng Huti.
00:16May unang balita si Bea Pinlak.
00:20Sabik sa salubong na mainit na yakap ng kanilang mahal sa buhay ang siyam na tripulanting Pinoy na nakauwi na ng Pilipinas kagabi,
00:28matapos mabihag ng grupong Huti ng limang buwan.
00:32Pasado alas 9 kagabi nang lumapag ang eroplano nila sa Naiya Terminal 1 galing Mosk at Oman.
00:38It's very heartwarming. There's nothing more we want than to watch them reunite with their families.
00:44The hugs and the kisses and the tears of joy. Nako, talagang priceless yan.
00:49Agad binigyan ng medical at mental assistance ang mga nakalayang tripulante at ang mga kaanak na sumalubong sa kanila.
00:57Hulyo ng salakayin sa Red Sea ang MV Eternity Sea, ang Greek-operated na cargo ship na sakay ang 21 Pinoy seafarers.
01:06Nauna nang nakabalik ng Pilipinas ang walo sa kanila. Sumunod naman kagabi ang siyam na iba pa.
01:11Tatlong tripulanting Pinoy ang nasawi, habang isa ang hindi pa nahahanap.
01:16It's hard to assume na fatality siya. That fourth one is indeed missing, hindi nahanap.
01:22Ang narrative sa kanya ay tumalun siya from the ship at hindi na siya nahanap.
01:29Ayon sa DMW, posibleng sa linggo may iuuwi ang labi ng isa sa mga nasawing marino.
01:35Nakahanda raw ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga tripulante at kanilang mga pamilya.
01:40Muli namang binalaan ng DMW ang mga ship owner at manning agency.
01:46Mapaparusahan sila kung lalabagin o ipagsasawalang bahala ang mga regulasyon ng ahensya, lalo na sa pagdaan sa Red Sea.
01:53For those who are intending to pass through, huwag kayong magsubok kasi sususpindihin po namin kayo,
02:01hihinto namin ang deployment ninyo at pag-recruit ninyo ng seafarer, mahal natin mga seafarers.
02:09So sa deployment side, we are now subjecting the captain to an investigation here in this case.
02:15Ayon sa DMW, hindi pa sigurado ang mga nakauwing tripulante kung muli silang sasampa ng barko para magtrabaho.
02:22Sa ulat ng mga international news agency, isang Russian at isang Indian national ang pinakawalan din ng grupong Houthi.
02:30Ito ang unang balita.
02:32Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:35Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended