24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Apektado ang operasyon ng PhilHealth ng kautosan ng pamalaan na ibalik sa kabanang bayan ang 60 bilyong pisong pondo nito.
00:08Isa yan sa mga puna ng COA sa audit report nito sa agensya.
00:12Sa audit naman ito sa Department of Health, napuna ang mga gamot at bakuna na nag-expire o pa-expire na.
00:18Ang sagot ng Health Department sa mga ito sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:22Hindi biro ang mahal na mga gamot sa panahong ito.
00:29Kaya nakahihinayang ang puna ng Commission on Audit sa gastusin ng Department of Health noong taong 2024.
00:35Halos 35 milyong piso ang droga, gamot at iba pang imbentaryo ng Health Department ang expired na ayon sa COA audit report.
00:44Bukod pa yan sa halos 100 milyong pisong halaga ng mga gamot na malapit nang ma-expire.
00:49Sa obserbasyon ng COA, maaaring masayang ang gamot dahil overstocked o sobra o di kaya'y mabagal ang paglabas ng mga gamot.
00:57Tungkol sa mga gamot na nearly expired, sabi ni Health Assistant Secretary Albert Domingo, malamang sa ngayon ay na-distribute na ang mga ito.
01:05Sabi niya, nang mag-audit kasi ay may isang taon pa bago ma-expire ang mga gamot.
01:10Aminado siyang malaking hamon ang imbentaryo para maiwasan ang expiration ng mga gamot.
01:14May ipinatutupad ng Electronic Logistics and Management Information System pero 60 to 70 percent pa lang ang gumagana kaya may mga lugar na hindi pa naabot.
01:23Yan sana yung pinaka-computer program na magsasabi.
01:27Ilan ba ang binili natin? Nakarating na ba ito dun sa mga pasyente o mga tao na nangangailangat at ilan ang sobra?
01:35Kabilang sa mga nakitang expired ang 19 million doses ng COVID-19 vaccine.
01:40Pero sabi ni Domingo, noon pa yan, dahil nagbilihan ng ganyan ang mga lokal na pamahalaan kahit sinabihan na silang bibili ng mga bakuna ang national government.
01:48Sumobra tuloy ang mga bakuna. Nasama uli ito sa COA audit dahil hindi basta-basta ang disposal nito.
01:55Nung patapos na yung pandemic, ang daming gusto mag-donate kasi ayaw ma-expirean.
01:59Nag-landing lahat sa DOH.
02:01Sa audit report, nagbabala rin ang COA na maaaring maapektuhan ang financial stability at operational efficiency ng labintatlong DOH hospitals.
02:10Pahirapan umano kasi ang pagtiyak sa pagiging tama at sa pagsingil ng dapat na koleksyon nito sa PhilHealth na mahigit isang bilyong piso.
02:19Halos 800 million pesos sa halagang ito ay dininay ng PhilHealth, habang halos 300 million pesos ang return to hospital o ibinalik sa hospital para malinawan.
02:29Dahil yan sa hindi pagsunod sa tamang paraan ng pagproseso sa mga claim na itinakda.
02:34Paliwanag ni Domingo, nabigyan na ulit ng pagkakataon ng mga ospital na mag-file ng claims, matapos itong pag-usapan sa PhilHealth Board kung saan chairman of the board ang DOH.
02:44PhilHealth will have more accurate numbers kung ano nilang yung, lumiit na yung bilang eh, kasi even yung financial statements ng PhilHealth, tumaas yung kanilang bayad.
02:52Sa audit namang isinagawa ng COA sa PhilHealth, ipinunto nito ang mga panganib na maaaring maka-apekto sa operasyon ng PhilHealth.
02:59Una rito ang potensyal na pagkaubos ng reserve fund ng ahensya, matapos ibalik sa National Treasury ang 60 billion pesos na pondo ng PhilHealth.
03:0889 billion pesos dapat ito pero nag-issue ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa natitirang 29 billion.
03:15Ikalawa, kulang ayon sa COA ang subsidiya mula sa gobyerno para sa mga indirect contributors o mga senior citizen, PWD at indigent o mahihirap.
03:259 billion pesos lang daw ang ibigay na subsidiya ng gobyerno sa halip na higit 40 billion pesos.
03:31Ikatlo, sabi ng COA, walang natanggap na alokasyon ng PhilHealth sa taong 2023 at 2024 para sa pagpapalawig ng ilang benefit packages tulad ng expanded dialysis at mental health package.
03:44Sinusubukan pa namin kuna ng pahayagang PhilHealth pero dahil nasa PhilHealth Board ng DOH, alam daw ng DOH ang financial status nito.
03:52Giit ni Domingo, sapat ang reservang pondo ng PhilHealth.
03:56Maliban dyan, para sa 2026 national budget, 113 billion pesos ang panukalang subsidiya na matatanggap ng PhilHealth.
04:04Malaki talaga yung riserba ng PhilHealth ngayon.
04:08Sa katunayan, sa buong mundo, ang mga health insurance systems ng gobyerno, hindi dapat malaki ang riserba.
04:15In fact, pag nabasa natin yung nakalagay sa UHC law natin, saka sa PhilHealth law na rin, no more than two years operational expenditure.
04:23Dalawang taon lang dapat yung tinatago.
04:26Para sa GMA Integrated News, Makipulido nakatutok 24 oras.
04:30Iginiit ng Office of the Vice President o OVP na walang nakitang paglabag ang Commission on Audit sa opisina base sa 2024 audit report nito.
04:41Binigyang diin ng OVP na walang nakita ang COA na nawala o nasayang na pondo o ari-arian ng gobyerno.
04:48Sabi ng opisina, lahat ng mga puna ng COA ay pawang administrative at sumangayon na ang OVP na ipatupad ang mga rekomendasyon ng COA.
04:58Ilan sa mga pinunah ng COA ang mababang paggamit ng pondo ng OVP, kakulangan sa dokumentasyon ng distribusyon ng mga welfare goods,
05:09at kakulangan din sa patakaran sa pagtanggap ng in-kind donations sa opisina.
05:15Muli rin binanggit ng OVP na nagbigay ng unmodified opinion ang COA sa presentasyon ng financial statements ng opisina,
05:24na ibig sabihin ay naipresenta ng tama ang financial statements.
05:30Now na nang nilinaw ng COA na hindi dapat ituring na rating, score o grado ang audit opinion.
05:37Mga kapuso, humingi na tayo ng update tungkol sa low-pressure area na naging Bagyong Wilma.
05:47Hiyati dyan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center.
05:52Amor, saan-saan ba magpapaulan itong Bagyong Wilma?
05:55Salamat, Emil. Mga kapuso, nakamonitor tayo sa ikadalawang putatlong bagyo sa bansa.
06:03Ngayon, 2025, ang Bagyong Wilma na nagbabadyang maglandfall at tumawid sa lupa simula bukas.
06:09Huling namataan ang sentro ng Bagyong Wilma sa layong 575 kilometers silangan ng Katarma Northern Summer.
06:16Taglay po ang lakas ng hangi nga abot sa 45 kilometers per hour at yung pagbugso naman sa 55 kilometers per hour.
06:22Ang pagkilos po nito ay pa-west-southwest sa ngayon sa bilis na 10 kilometers per hour.
06:28Ayon po sa pag-asa, posible itong maglandfall dito yan sa Eastern Visayas o di kaya naman sa Dinagat Islands bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga.
06:37Pagkatapos po nito, sunod nitong tatawirin itong iba pang probinsya sa Visayas bago dumaan dito sa Northern Palawan, linggo ng gabi o kaya naman ay sa Lunes ng umaga.
06:48Mga kapuso, pasok sa tinatawag po natin na Area of Probability.
06:52Ito po yan, itong bahagi ng Northeastern Mindanao, Summer and Leyte Provinces, ganun din itong Buhol, Cebu, Negros Island Region, Western Visayas at pati na rin itong Palawan.
07:03So ibig sabihin, posibling ito po yung mga dadaanan itong Bagyong Wilma sa mga susunod na araw.
07:09Kung sakali man po na magkaroon po ng pagbabago, kung ito ay aangat ng konti o bababa o di kaya naman ay mamay-maintain po yung kasalupuyang pagkilos.
07:17At kung mapapansin din po ninyo, ito po ay medyo kamuka noong naging track ng Bagyong Tino at Bagyong Verbena.
07:23Kaya maging aleto pa rin yung mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
07:27Pwede pa rin magkaroon ng pagbabago kaya tutok lang po kayo sa updates.
07:31Sa ngayon, nakataas na ang wind signal number one sa southern portion ng mainland Masbate.
07:36Sa Visayas naman, kasama po dyan ang Northern Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte.
07:43Northern portion ng Cebu, kasama po ang Bantayan at Camotes Islands, pati na rin ang Eastern at Central portions ng Bohol.
07:51Sa Mindanao naman, kasama rin sa ilalim ng wind signal number one, ang Surigao del Norte, Siargao, Bucas Grande Islands, Dinagat Islands.
07:59Northern portion ng Surigao del Sur at pati na rin ang northern portion ng Agusan del Norte.
08:04Sa mga nabangit na lugar, posibli pong maranasan yung pabugso-bugsong hangin na may kasamang mga pag-ulan.
08:10Mga kapuso, ito pong wind signal ay tumutukoy po doon sa lakas ng hangin.
08:14Ngayon, pag-usapan naman natin yung mga pag-ulan, lalo po at makakaapekto rin bukod po sa Bagyong Wilma,
08:20itong hanging amihan, shear line at pati na rin ang localized thunderstorms.
08:25Base po dito sa datos ng Metro Weather.
08:27Umaga palang bukas, mataas na yung tsansa ng mga pag-ulan.
08:30Dito yan sa Summer and Later Provinces, ganoon din sa ilang bahagi ng Bicol Region,
08:35pati na rin po dito sa Cebu, ilang lugar dito sa Negros Island.
08:39May mga kalat-kalat na mga pag-ulan din dyan po sa may Cordellera Region,
08:43pati na rin sa may Cagayan, Isabela at ilang bahagi ng Mindanao.
08:48Magpapatuloyan sa hapon at mas mabababad na sa matitinding mga pag-ulan.
08:52Ito pong Eastern Visayas at pati na rin yung Bicol Region.
08:55So makikita po ninyo, meron po nagkukulay orange and pula at meron pang kulay pink.
08:59Ibig sabihin po nyan, heavy to intense na minsan ay halos tuloy-tuloy ng mga pag-ulan.
09:04Malalakas sa ulan po yan sa Summer and Later Provinces.
09:07Ganoon din dito sa malaking bahagi ng Bicol Region,
09:10kasama po ang Camarines Provinces, Catanduanes, Albay, Sorsogon at pati na rin ang Masbate.
09:16Pusible rin po ang mga pag-ulan dyan sa may Zamboanga Peninsula,
09:20Northern Mindanao, Caraga, Barm at pati na rin sa ilang bahagi ng Soksargen at ng Davao Region.
09:26Ito po ang Soksargen at Davao Region, may mga kalat-kalat po na mga pag-ulan.
09:29May chance rin ng ulan sa ilang bahagi ng Mindoro Provinces, Quezon at pati na rin sa ilang bahagi pa ng Northern Luzon.
09:36Dito naman sa Metro Manila, hindi pa rin inaalis ang chance sa mga kalat-kalat na ulan bukas.
09:43Yan muna ang latest sa ating panahon.
09:44Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
09:54May special Christmas treat ang ilang sparkle artist para sa mga kapuso nating taga-Batangas.
10:00Ang ilan sa kanila, di rin pinalampas ang ipinagmamalaki roong Batangas-style beef caldereta.
10:07Narito ang report ni Diane Lockeleano ng GMA Regional TV.
10:14Pagbabalik tanaw sa yaman, pagkakakilanlan at kultura.
10:24Yan ang bumida sa Kabakahan Festival sa pagdiriwan ng 76th Founding Anniversary ng Padre Garcia Batangas.
10:33Mas pinaispesyal ng sparkle artist na si Napol Salas, AZ Martinez, Jennifer Maravilla,
10:41at talaga tsalian ang selebrasyon sa kanilang performances.
10:45Swag moves ang ipinakita ni Paul.
10:52Habang powerful vocals naman ang ibinida ni na Jennifer
10:56at tala.
11:01Habang charming serenade ang handog ni AZ.
11:13Siyempre, hindi rin nila pinalampas ang pagkakataong tikman
11:17ang tanyag na Batangas-style beef caldereta.
11:20Maraming salamat po mga kapuso sa inyong pagmamahal na ibinigay po sa amin.
11:28Sana nakapagbigay kami ng unting kasiyahan po para sa inyo.
11:32Narinig kong mulan din, kaya maraming salamat na nag-stay po kayo.
11:35Thank you for supporting everyone who's in the festival.
11:39Iba kasing feeling talaga kapag naahakanta sa ganitong klaseng event.
11:42Maraming maraming salamat po for having us this year.
11:44Sobrang saya. Medyo nagulat ako sa tao kasi ang dami, ang dami talaga nila.
11:49Sa Batangas pa rin, dinagsa naman ang masayang Paskuhan sa lungsod ng Kalaka.
11:59Pinailawan doon ang higanting Christmas tree na may temang pag-ibig ang tanglaw ng Pasko.
12:07Matapos ang ceremonial lighting, naghandog naman ang kanika nilang all-out performances
12:12ang cast ng upcoming JMA drama series na House of Lies.
12:18Kabilang dyan si na Beauty Gonzalez,
12:21Mike Tan,
12:23at Chris Bernal.
12:25Kasama si Rita Daniela.
12:27Bukod sa pagpapasaya sa Kalakazens,
12:29ibinahagi rin ang Kapuso Stars ang kanilang Christmas plans.
12:33We'll be going to Japan, yun. First time kong pupunta.
12:37Every Christmas naman, isa lang naman yung plano namin,
12:39ang family to celebrate together dun sa bahay namin.
12:42Gusto namin very intimate lang sa bahay,
12:45tapos talagang quality time.
12:46Basta gusto ko lang happy yung mga pamilya ko,
12:49yung mga taong mahal ko sa buhay at mahal din ako.
12:52Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
12:56Diane Loquellano,
12:58nakatutok 24 oras.
13:00Tila habol na himala bago magpasko ang paglaya ng siyam na tripulanting Pilipino
13:07na binihag ng mga militanteng Houthi noong Hulyo.
13:11Pauwi na sila sa Pilipinas at sabik na makareunion ang kani-kanilang pamilya,
13:16ang kanilang mga pinagdaanan sa pagtutok ni Von Aquino.
13:19Matapos ang limang buwang pagbihag sa kanila,
13:25matapos kub-kubi ng Houthi Militants
13:27ang pinagtatrabahuhang MV Eternity C noong Hulyo.
13:31Pauwi na ngayong araw sa Pilipinas
13:33ang siyam na hinostage na tripulanting Pinoy.
13:36Sakay ng Royal Air Force of Oman Aircraft,
13:41Ms. Monsen, Department of Migrant Workers,
13:43Secretary Hans Kakdak,
13:44at Philippine Ambassador to Oman Raul Hernandez
13:47ang sumalubong sa kanila sa Mascat, Oman.
13:50Pinapaabot ko ang pasasalamat ko sa Sultanate of Oman.
13:57Ang namungunod ay ang Sultan Haitam Bintari.
14:01At sila po ay talagang kaibigan po namang ng Pilipino.
14:05At lahat ng maaaring gawin para iligtas
14:07ang ating mga marino ay kanilang ginawa.
14:11Kwentoan niya ng mga tripulante,
14:13bagaman maayos ang trato sa kanila,
14:15hindi nila inasahang makakalaya na sila kahapon.
14:18Hindi nila inasahan.
14:19Sabi nila ay merong chance ng kanilang pagpapauwi
14:23pero hindi nila inasahan na kayong mangyari.
14:26Pagdating sa hotel sa Muscat,
14:28ay agad nakatawag ng libre sa kanilang mga pamilya
14:30ang mga tripulante.
14:31Ang unang pagkakataon matapos ang pagbihag sa kanila.
14:35Masalaman tayo sa DSA kasi syempre na iwanan nila sa barko
14:38yung mga travel documents sila kasi lumubog yung barko.
Be the first to comment