24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Goat.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:19Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:23Hindi ipinalabas via livestream ang pagharap sa ICI ng presidential sana si Sandro Marcos matapos nitong humiling ng executive session sa komisyon.
00:36Pero sa pagharap niya sa media, tahasan niyang itinanggi ang mga paratang ni dating Congressman Zaldico, kaugnay ng umanoy budget insertions.
00:44Tumanggi namang humarap sa komisyon kahit imbitado si Congressman Paulo Duterte, pero hindi raw yan pag-atras,
00:51kundi pag-iwas sa tinawag niyang palabas.
00:55Nakatutok si Joseph Moro.
01:01Buluntary ang humarap sa Independent Commission for Infrastructure o ICI si House Majority Leader at Presidential Son, Sandro Marcos.
01:09Idinawit ang nakababatang Marcos si dating ang Cobie Colpardalist Representative Zaldico
01:14na umunay may insertion na mahigit P50 billion peso sa 2023, 2024, at 2025 budget.
01:22Pero sa halip na i-livestream ang testimonyo niya, humingi ng executive session ng abogado ni Marcos
01:27dahil baka may sensitibong impormasyon na lumabas sa pagdinig.
01:31There may be critical information that may be elicited from his testimony
01:35which may jeopardize or compromise for the investigation of this commission.
01:39We grant your request so we will adjourn this session and go into executive session.
01:46Pero sa pagharap ni Marcos sa media, itinanggi niya ang paratang niko na tinanongraw ng komisyon sa kanya.
01:52I did not do any such a thing. Kung nakikita niyo po yung listahan, may mga project dyan sa Davao City nakalagay, nakalista sa Davao City.
02:01Eh, alam naman natin sino nakatira dun. Ba't ba ako maglalagay ng projects dun?
02:06Itinadawid din ni Ko si Pangulong Marcos na siya raw nagutos ng P100 billion pesos na insertions sa 2025 budget
02:13at nagsabi pa umano sa kanya na huwag pigilan ang mga insertion na ito.
02:17Sabi ng nakababatang Marcos nasa ICI na raw kung gusto nitong imbestigahan ng kanyang ama.
02:23I don't want to speak on behalf of the ICI.
02:25Inimbitahan ng ICI si Davao City First District Representative Paulo Duterte pero tinanggihan nito ang imbitasyon ng komisyon.
02:33Sabi ni Duterte, kinakasangkapan lamang ng Pangulong ICI para pahinain o sirain ang pangalan ni Vice President Sara Duterte,
02:41dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang pamilya para sa 2028 presidential elections.
02:47Ang dapat daw imbestigahan ng ICI ay ang Pangulo, kanyang pamilya at si dating House Speaker Martin Romualdez,
02:54lalo na mga flood control at infrastructure projects sa Region 1 at 8 mula 2022 hanggang 2025 at taon 2000 hanggang 2025.
03:04Tingin ni Duterte, binuunang Pangulong ICI para isalba ang sarili, pamilya nito, si Romualdez at mga kakilala nito.
03:11Itong Martes, nagsumite at pinaiimbestigahan ni Act Partialist Representative Antonio Tinio sa ICI ang 80 mga proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos mula 2016 hanggang 2022.
03:25Sabi ni Tinio, bakit daw biglang dinaga si Duterte? Matapos itong sabihin na handa siyang humarap sa investigasyon.
03:33Sagot ni Duterte, hindi raw siya umatras, ayaw lamang niya ng palabas.
03:37Hindi raw siya bahagi ng House Appropriations Committee at wala rin kinalaman sa paglalabas ng pondo at pagpapatupad ng mga proyekto.
03:44Kaya wala raw siyang nakikita ang dahilan para humarap sa ICI.
03:48Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
03:54Iingat naman tayo sa pagdedekorasyon ngayong Pasko para hindi matulad sa dekor ng isang munisipyo na pumutok at nasunog.
04:04Maging mapanuli sa mga binibili at sa paggamit ng mga palamuti, kahit mga simpleng Christmas lights lang.
04:11Alamin naman at safety tip mula sa pagtutok ni Dano Tingkungko.
04:19Biglang nag-apoy at pumutok pa mga dekorasyong pampasko sa munisipyo ng Subic, Zambales.
04:29Ayon sa ilang saksi, nagsimula yan sa Spark bago tuluyang nag-apoy.
04:33Pero agad namang naapula ng Subic Public Order and Safety Office bago kumalat.
04:37Hindi na bago ang mga sunog na ang mitsa ay Christmas decor.
04:41Pinakakaraniwang dekorasyon na maaaring mauwi dyan ang Christmas lights.
04:46Kaya tuloy, paalala ng Department of Trade and Industry, siguruhing lehitimo ang kalidad ng mga bibilhing ilaw pampasko.
04:53Kasama dyan ang pagsigurong merong Philippine Standards Mark o PS at ICC Mark ang binibili lalo na kung dekoryente.
05:00Ganyan din ang paalala ng Bureau of Fire Protection.
05:03Bumili ng dekalidad.
05:04Huwag magtipid sa Christmas lights.
05:06Para sigurado lang daligtas ang lahat at hindi pa tayo makadamay sa ibang pamahayan.
05:12Maging maingat din dahil baka delikado kung lumang Christmas lights.
05:15Kung nabili yan last year pa, not everyone has a good storage.
05:20So hindi na, yung iba ang napapansin namin.
05:23For example, sa bahay lang namin, gamitin ko ng example, pagtanggal ko sa aming mga old decors, decorative lights or Christmas lights, marami na siyang mga cobwebs, marami ng mga dust, and these are very combustible.
05:38Gusto ko na masigurado ko na safe ang members na aking pamilya, then I will not be using it anymore.
05:44Dagdag pa ng BFP, huwag dapat babad sa gamit.
05:47Pwedeng hayaang nakasinde kung gising, pero kapag matutulog na, huwag na itong iwanang nakabukas.
05:53Kung binabad na kasi natin yun and sumobra na sila sa ilang operating capacity, the tendency is umiinipin yung wire kasi that is a live current.
06:05Kung hindi natin pagpahingayin yun, it will come into a moment where nagkakaroon siya ng overheating.
06:15So mas maganda talaga kung bigyan ng breather. For example, 4 hours, pagpahinga ng 1 hour or 2 hours.
06:24Kung naulan na naman, mainam pa rin daw naobserbahan kung magkakaproblema kahit pa sinasabing all weather ito o pwede sa ulan.
06:32Kung aalis naman ang bahay, lalot marami ang nagbabakasyon pag Pasko, ugaliing hugutin ito sa saksakan.
06:38Maari hindi natin alam kung anong nangyayari sa loob ng bahay. Lalo na pag may mga pests or certain animals tayo around,
06:47minsan ito ay napaglaruan, kinakagat, and maari mag-goss din ito ng sunog.
06:54Para sa GMA Integrated News, dahan natin kung ko nakatutok 24 oras.
06:58Nakasabat ng mahigit dalawang libong paputok ang polisya mula Oktubre galing sa sampung na aresto nilang nagbebenta umano ng mga ito online.
07:08May namonitor pang mga paputok na ipinangalan pa sa mga idinadawit sa isyo ng flood control.
07:14At nakatutok si June Veneracion.
07:16Mula provisya hanggang Metro Manila, tuloy-tuloy ang traffic operation ng PNP Anti-Cybercrime Group labang sa mga nagbebenta ng paputok online.
07:29Makinig ka mula.
07:30Ikaw ay may karapatang panagasin.
07:32O ano mga?
07:32O magsawa natin po.
07:34May nagbakaawa, pero tinuluyan pa rin ng mga polis.
07:37Karapatang karipunitin ng doktor na maging physical examination sa'yo.
07:43Sa 7 operasyon na inulinsan mula Oktubre, 10 ang naaresto at mahigit 2,000 paputok ang nakumpis ka.
08:01Ito sa social media account nila sa Facebook, sa mga other platform din.
08:08But siyempre, madali natin ito makita.
08:11So marami na tayo ngayon na active cyber patlers at meron na tayong mga support group na they also provide information in case na meron mga online saling.
08:22Wala pang pahayagabahan na aresto na sinampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 7183.
08:30An act regulating the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and pyrotechnic devices.
08:38Kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
08:41Mas active ang monitoring ngayon ng ACG sa internet dahil inaasahang marami pa ang magbebenta habang papalapit ang Pasko at bagong taon.
08:51Kinumpirma rin ng polis siya na meron silang namamonitor ng mga paputok na may kakaibang pangalan tulad na lang ng Diskaya at Zaldico.
08:59Tila nakikiray sa kontrobersya sa flood control projects.
09:03Kaming namonitor kaya ito ay tinututokan natin.
09:06Paliwanag ng ACG, lahat ng klase ng paputok, maliit man o malaki, ay bawal ibenta online.
09:13Kailangan natin ipagbawal ito. This is to ensure public safety and order.
09:17Para sa GMA Integrated News, June Veneration na Katutok, 24 oras.
09:23Humingi ng paumanhin si Pangulong Bongbong Marcos saan niya'y paghihirap na dulot ng pumutok na flood control scandal
09:29sa bayhambing nito sa kanser na kailangang operahan kaya umano niya pinaimbestigahan.
09:36Tila nagpakita rin ang Pangulo na hindi siya natitinag at nagpasinaya pa ng isang proyekto sa balwarte ng mga Duterte sa Davao City.
09:44Nakatutok si Ivan Mayrina.
09:49Tamang-tama sa Pasko, ang mas mabilis na biyahe sa pagitan ng Silangan at Kalurang Coastal Area ng Davao City dahil sa bagong Bucana Bridge.
09:57Bago buksan sa mga motorisa sa December 15, ay ininspeksyon nito ni Pangulong Bongbong Marcos kanina.
10:03July 2022, sa simula ng kanyang termino, sinimulang gawin ang mahigit isang kilometrong tulay na isa sa apat na legacy projects sa Davao City
10:11at pinundohan ng pautang ng China.
10:13Ang estimate natin na ang biyahe na dati, halos dalawang oras, ay mababawasan, magiging mga 25 minutes, 20 minutes na lang.
10:23At malaking ginhawa.
10:24Tuloy sa trabaho ng Pangulo sa gitna ng pag-aming may pinagdaraan ng ngayon ng bansa na inihambing niya kagabi sa operasyon para tanggalin ang kanser sa pamahalaan.
10:35Sinabi niya yan sa pagditipon kasama ng Malacanang Press Corps.
10:38The truth of the matter is, it really has been a difficult time.
10:44We are trying precisely to change the entire system.
10:48And when you have to excise a cancer out of such a complicated system,
10:55you need to do some very major surgery.
11:01And to do that, and when you do that, you will bleed.
11:06And that is what we had to go through.
11:09Alam daw ng Pangulo na yan ang mangyayari mula ng puntiriyahin niya sa kanyang State of the Nation Address o zona nitong Hulyo,
11:15ang katiwalian sa flood control projects.
11:18Ngayon, humihingi ng paumanhin ng Pangulo sa gitna ng hinaharap na krisis na pamahalaan
11:23na kailangan anyang pagdaanan para mabagong sistema ang umiiral anya sa nakalipas sa tatlong dekada.
11:29I am sorry that the people suffered because of it, but it had to be done.
11:35So we have to go through, go through that pain, go through the difficulty, go through the anguish that the country is going through now.
11:49But we are Filipinos.
11:51We may be bleeding now, but we will also heal very, very quickly.
11:55Isa rin anya sa pinakamalaking hamong hinaharap sa paglilinig sa gobyerno, ang pagkalat ng fake news.
12:02In the beginning, we thought it was funny, it was entertaining, but now it's become damaging.
12:09Hindi sinabi ng Pangulo kung ano mga partikular na fake news na tinutukoy
12:12o kung may kinalaman nito sa mga videong inilabas ni dating Congressman Zaldico na nagdadawit sa kanya,
12:18sa First Lady at sa anak niyang si House Majority Leader Sandro Marcos sa katiwalian.
12:23Dati na iyang maring pinabulaanan ng Malacanang.
12:27The government needs the help of all the media to try and explain to people that you have to be more discerning
12:39about what you read and what you believe and what you take on.
12:44Tiwala ang Pangulo na malalampasan ito ang mga problema.
12:47We know what we are going to do, we know what we are doing,
12:52and we will continue this campaign against corruption, this entitlement that has shocked everyone, myself included.
13:02Naunan ang sinabi ng Pangulo na walang exempted sa embisikasyon,
13:05at siya man, handang makipagtulungan kung kinakailangan.
13:08Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok, 24 oras.
13:14Sa mga tumatanggap naman ng pera gamit ang e-wallet, ingat!
13:20Dahil baka peke ang screenshot ng resibo o patunay ng bayad.
13:26May nabistong gumagawa ng ganyang modus gamit umano ang AI.
13:31Nakatutok si John Consulta. Exclusive!
13:33Sa surveillance photo ng NBI Batangas,
13:39kita ang pakikipag-usap ng undercover agent nito sa tatanggap ng mga produkto na inorder online.
13:45Pagkatanggap ng mga produkto, ay agad inaresto ng iba pang ahente ang kanilang target.
13:50Inuhuli ka namin sa salang estapa.
13:54Complex ng RA-10175.
13:56May karapatan kang manahimik.
13:58Ano man ang iyo sabihin, pwedeng gamitin laban sa iyo.
13:59Ayon sa NBI, may negosyanteng nagreklamo laban sa inaresto.
14:04Umorder umano ng kabuang halaga na 33,000 pesos na mga alak at pagkain sa restaurant ng complainant.
14:10At pinilabas, nabayad na sa mamagitan ng e-wallet kahit hindi pa.
14:15Umorder siya ng imported na alak.
14:20Nagtaka siya dahil pwede namang umorder sa grocery.
14:24Bakit sa restaurant pa?
14:25So, nag-check siya ng transaction history na pag-alaman niya na wala palang actual payment.
14:31High-tech ang ginagawang panluloko ng suspect para mapaniwala ang resto na bayad na siya.
14:36May actual screenshot siya ng umunoy transaction ng pagbabayad.
14:40Pero peke pala yan.
14:42Gumagamit sila ng technology gaya ng AI or artificial intelligence to make receipts look more convincing.
14:51Gumagamit sila ng e-platform.
14:54So, gumagamit sila ng screenshot ng receipt of payment na sa totoo wala palang ganon. Fake.
15:02Dineskartian din ang oras ng pag-order para hindi mapansin ang panluloko.
15:07Umorder sila usually at peak hours.
15:10Para hindi alata, ang pattern nila is Friday, Saturday, Sunday.
15:14Yung maraming tao para hindi mahalata yung order nila.
15:19Staff at paglabag sa Sabi Crime Invention Act ang inihaing reklamo laban sa suspect na wala pa rin pahayag at kasalukuyang nakakulong sa Batangas City.
15:28Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
15:34Stress at pamilya ang idinadahilan ni ICI Commissioner Rogelio Singson sa kanyang pagbitiw sa pwesto.
15:41Binanggit din ni Singson ang kulang napangil ng ICI.
15:46Kaya sila ang sumasalo ng mga pambabatikos.
15:50Nakatutok si Joseph Moro.
15:55Stress at pamilya.
15:56Ang dahilan kung bakit nagbitiw sa pwesto bilang Commissioner ng Independent Commission for Infrastructure o ICI,
16:03si datin DPWH Secretary Rogelio Singson.
16:05My 77-year-old body cannot take it anymore.
16:10Wala daw nangingialam sa ICI at wala rin daw gusot sa komisyon kaugnay ng mga personalidad na inirekomenda nilang pakasuhan o hindi pakasuhan sa ombudsman.
16:20Pero aminado si Singson sa ngayon tila walang pangilang ICI.
16:25Kaya nanawagan siya sa kongreso na ipasana ang upgraded na version ng ICI na mas may kapangyarihan.
16:31Niwala pangaraw silang budget para sa napakalaking trabaho na kaatang sa kanila.
16:36We were absorbing a lot of the flak for something that we have no power to do.
16:43Pakulong nyo yan, yung kurakot.
16:46Wala naman kaming power na magpakulong.
16:48O di, sino't sinisip? ICI.
16:54Ang bagal nyo.
16:55You must be protecting the big fish.
16:57You must be protecting somebody.
17:00So binato ng lahat sa ICI.
17:01Ang hindi pa rin napapasang batas para palakasi ng ICI.
17:05Ang paniwala ni Calocan City Representative Edgar Arise kung bakit talaga nag-resign si Singson.
17:12Sa committee level pa lamang ng Senado pumapasa ang panukalang Independent People's Commission Act.
17:17Ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption Bill naman sa Kamara ay isasalang pa sa Committee on Appropriations.
17:25Nag-express siya talaga ng frustrations sa akin tungkol sa mga pagkukulang ng ICI.
17:33Ano nabagin po sa kanya, yung mga aking doubt na baka ang mangyari, maging washing machine lang yung ICI.
17:45Maging washing machine lang.
17:47Sabi niya, I feel the same way na why would I risk myself and my family over the problems of Malacanang.
18:00Sabi niya, hindi lang washing machine, magiging punching bag pa kami without proper support.
18:07And I think that's part of the reason for his resignation.
18:11He has been waiting for this.
18:13Sana nga magkaroon na ng ICI-IC para madagdagan na yung powers nila.
18:19If by Tuesday next week, it's not yet with the plenary, almost zero ang chances niyan.
18:25Nil, zero.
18:27Unless nga is certified as urgent.
18:30Outside of that, I doubt it.
18:32Unless the President calls for a special session.
18:36Samantala, hindi naman daw tama na sabihin na mamamatay na ang ICI sa pagbibitiyo ni Singson, gaya ng sinabi rin ni Erice.
18:43I don't agree with him.
18:45Well, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho.
18:46Tsaka nakikita niyo naman, tuloy-tuloy ang pagpafile ng ICI ng mga kaso kasama ng DPWH.
18:52Ayon kay Commissioner Singson, hanggang December 15 siya mananatili sa ICI.
18:57Pero kung kakailanganin daw siya, ay handa pa rin siyang tumulong.
19:01Uupo pa si Singson sa mga pagdinig hanggang December 15, tulad kahapon sa pagharap sa isang executive session
19:07ni na pa si Lone District Representative Roman Romulo at Bulacan First District Representative Danilo Domingo.
19:14Idinawit ng mag-asawang diskaya si Romulo sa anomalya,
19:17samantalang si dating DPWH Assistant District Engineer Bryce Hernandez
19:21ang nagpangalan kay Domingo na umunoy humihingi ng kickback galing sa mga proyekto.
19:27Pareho nilang itinanggi ang mga paratang.
19:29Ayon kay Singson, gusto raw sana nilang imbitahan ang mga personalidad
19:33na lumalabas na umunoy may kaugnayan sa anomalya
19:36dahil may hirap naman daw nakasuhan ang mga ito
19:38nang hindi naririnig ang kanilang panig.
19:41Pero tungkol sa pagdadawid ni dating Akobi Cold Party
19:44sa representative Saldico kay Pangulong Marcos
19:46na may insertion umuno sa budget,
19:49hindi raw ito sapat na basehan para ipatawag ang Pangulo.
19:52Inulit ni Singson ang imbitasyon ng ICI kay Co
19:55na tumestigo kahit pa online.
19:57Ang dami niyang sinabi eh.
20:01Pero anong basis nun?
20:03Pwede ganun-ganun na lang ba?
20:05Again, that's what happened in the Senate.
20:08Nagpanggit ng mga pangalan, isang katero ba?
20:11When we started interviewing those that were mentioned,
20:15talagang huwag ng koneksyon.
20:17For either it was highly politically motivated
20:21or some other reason, we don't know.
20:24Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
20:29Iginiit ni Sen. Mark Villar na walang basihan ang mga aligasyon sa kanya.
20:34Sa gitna ng rekomendasyon ng Independent Commission on Infrastructure
20:37na imbestigan siya ng ombudsman para sa case build-up.
20:41Ayon kay Villar, patunay lamang daw ang rekomendasyon ito ng ombudsman
20:45na walang ebidensyang sumusuporta sa mga aligasyon.
20:47Aligasyon. Matatanda ang iniugnay siya sa kickback sa mga proyekto ng DPWH
20:51ni dating DPWH Undersecretary, Roberto Bernardo.
20:56Sabi ni Villar, handa siyang makilahok sa imbestigasyon ng ombudsman
20:59at bukas sa isang patas na review.
21:02Sabi pa ni Villar, kumpiyansa siyang anumang patas na imbestigasyon ay
21:06magpapawalang saisay sa mga paratang laban sa kanya.
21:09Good evening mga kapuso!
21:16Hinangaan ng Encantadix ang fighting skills ni Nalira at Mira
21:19played by Mikey Quintos and Kate Valdez
21:22sa episode kagabi ng Encantadix Chronicles Sangre.
21:25But mamaya, panibagong rollercoaster of emotions ang aabangan
21:29dahil sa paglalabas ng samanong loob ni Danaya
21:31at ang tila paninibago ng mga new-gen sangre sa mundo ng mga tao.
21:37Makichika kay Aubrey Carampel.
21:39Sa ikalawang pagkakataon, may heart-breaking moment na naman
21:51ang karakter ni Glyza de Castro na si Perena sa Encantadix Chronicles Sangre.
21:56Ang kanyang Ibtree na napunta sa Balaak,
21:59pinaslang ng kanyang mismong ama na si Hagorn.
22:03Isang karangalan na ipaglapad ka.
22:09Mahal kong Encantadix.
22:14Sa kabila ng mga tanakresna o kamalasan na nangyari sa kanyang karakter,
22:20thankful pa rin si Glyza.
22:21Grateful ako na nakabalik akong ng Encantadia.
22:27Hindi man sa Lireo kaagad ako napunta, napunta man ako sa Balaak.
22:33Masaya ako na makita kong muli ang aking mga hadiya at syempre aking mga kapatid.
22:40Dahil gano'n naman talaga si Perena eh.
22:42Nagi siyang mission-oriented.
22:46Nakabalik naman ng Lireo ang kapatid niyang si Alena played by Gabby Garcia.
22:50Nakapansin-pansin mas fierce matapos makawala sa pagkakabilang go ni Mitena.
22:55Kumahal na mali ko si Alena.
22:57So it's about time to be able to redeem herself.
23:00And ito na yun.
23:01I'm so happy na yung mga Encantadix tuwang-tuwa din na at least they get to see the glimpse of how Alena will run Lireo.
23:09And talagang ang laki din ng naging character arc ni Alena.
23:14From being a sweet girl, forgiving, soft-hearted, bigla ngayon meron na siyang Alena 2.0.
23:22May version 2.0 rin ang karakter ni Mikey Quintos na si Lira.
23:26Nakasama ni Mira na tumungo ng Balaak para sa isang espesyal na mission.
23:30Mas exciting na unti-unting napupuno yung standby area ng girls ng 2016 cast.
23:37So this reunion sa Sangre, ay nako baka madulas pa ako.
23:43Kaya abangan niyo po kung ano pang mga pasabog ang mangyayari sa Sangre.
23:48Marami namang humanga sa ipinapitang fighting skills ni na Mikey at Kate Valdez as Lira at Mira sa Balaak.
23:55Nang malama na pinaslang si Perena, hinarap ni Mira ang lolo na si Hagorn para ipaghiganti ang kanyang Ada.
24:03Nagkita tayo.
24:06Naglaba naman si Lira at Agane matapos matalo si Hagorn.
24:14Isinara na ni Lira at Mira ang Balaak.
24:18Pero biglang nagpakita si Perena.
24:19Ang mga new generation Sangre naman, nasa mundo ng mga tao para hanapin ang bagong kalaban at ang may hawak ng brilyante ng kadiliman na si Gargan.
24:34May mga funny moments din with Pao-Pao habang naninibago sa mundo ng mga tao.
24:40Abangan kung ano ang mangyayari sa muling pagkikita ni na Perena at Danaya na may hinanakit sa kapatid.
24:46Mamaya na yan pagkatapos ng 24 oras.
24:52Aubrey Carampel, updated sa Showbiz sa Binig.
Be the first to comment