- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Dating Sen. Bong Revilla, kabilang sa mga inirekomenda ng ICI na kasuhan kaugnay sa pagtanggap umano ng kickback sa flood control projects/Ilan pang personalidad na idinawit sa pagtanggap umano ng kickback sa flood control projects, kabilang din sa mga inirekomenda ng ICI na kasuhan/Sen. Escudero, Sen. Mark Villar, dating Sen. Poe at dating Sen. Nancy Binay, inirekomenda ng ICI na imbestigahan ng Ombudsman/Dagdag-ebidensya laban sa iba pang personalidad kaugnay sa kuwestyunableng flood control projects, ipinasa ng ICI sa Ombudsman
-INTERVIEW: ATTY. BRIAN HOSAKA, EXEC. DIRECTOR & SPOKESPERSON, ICI
-Dating Barangay Kagawad, patay matapos barilin ng riding-in-tandem; bag na may lamang P500,000, tinangay ng mga suspek/Pabuyang P300,000, alok ng Pateros LGU para sa impormasyon tungkol sa pumatay sa dating barangay kagawad
-Mag-ina, sugatan matapos pagsasaksakin ng lalaki; suspek, patay nang barilin ng sundalong tinangka niyang saksakin
-8 bahay sa Brgy. Sto. Niño Norte, nasunog/7 bahay sa Brgy. Bagontaas, nasunog; mahigit P4M ang halaga ng pinsala
-PNP: Paghahanap kay Cassandra Li Ong at iba pang akusado kaugnay sa POGO, pinaigting
-Libo-libo, nag-rally laban sa panukalang 2026 budget
-ICI Commissioner Rogelio Singson sa kanyang pag-resign: "My 77 year old body cannot take it anymore"/ ICI Commissioner Rogelio Singson, itinangging may nakikialam sa trabaho ng ICI
-2 lalaking ayaw magpaawat sa kanilang away, arestado; nagka-onsehan daw sa ilegal na droga/ Dalawang suspek, itinangging sangkot sila sa ilegal na droga
-Lalaki, patay matapos saksakin dahil umano sa love triangle/7 sangkot umano sa investment scam, arestado
-Ilang Kapuso stars, bibida sa MMFF 2025 entries/MMFF Parade of Stars, sa December 19 na
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: ATTY. BRIAN HOSAKA, EXEC. DIRECTOR & SPOKESPERSON, ICI
-Dating Barangay Kagawad, patay matapos barilin ng riding-in-tandem; bag na may lamang P500,000, tinangay ng mga suspek/Pabuyang P300,000, alok ng Pateros LGU para sa impormasyon tungkol sa pumatay sa dating barangay kagawad
-Mag-ina, sugatan matapos pagsasaksakin ng lalaki; suspek, patay nang barilin ng sundalong tinangka niyang saksakin
-8 bahay sa Brgy. Sto. Niño Norte, nasunog/7 bahay sa Brgy. Bagontaas, nasunog; mahigit P4M ang halaga ng pinsala
-PNP: Paghahanap kay Cassandra Li Ong at iba pang akusado kaugnay sa POGO, pinaigting
-Libo-libo, nag-rally laban sa panukalang 2026 budget
-ICI Commissioner Rogelio Singson sa kanyang pag-resign: "My 77 year old body cannot take it anymore"/ ICI Commissioner Rogelio Singson, itinangging may nakikialam sa trabaho ng ICI
-2 lalaking ayaw magpaawat sa kanilang away, arestado; nagka-onsehan daw sa ilegal na droga/ Dalawang suspek, itinangging sangkot sila sa ilegal na droga
-Lalaki, patay matapos saksakin dahil umano sa love triangle/7 sangkot umano sa investment scam, arestado
-Ilang Kapuso stars, bibida sa MMFF 2025 entries/MMFF Parade of Stars, sa December 19 na
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kabilang po ang mga dati at kasalukuyang senador sa mga inirekomenda ng ICI sa ombudsman na investigahan kaugnay sa flood control projects.
00:09Ang ilan sa kanila, pumalag sa aligasyon at sinabing patunay ang referral na walang sapat na ebidensyal laban sa kanila.
00:16Balitang hatid ni Joseph Morong.
00:21Ang hostisya ay stricto.
00:23Sa ikawalong referral nito sa ombudsman, sampu ang inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na kasuhan ng plunder, direct o indirect bribery at corruption of public officials.
00:37Kabilang dyan si dating senador Bong Revilla.
00:40Ilan sa mga pinagbasehan ng rekomendasyon ng ICI ay yung mga sinumpaang salaysay ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na isinumitin niya sa komisyon.
00:50Why did we give weight on the affidavit of UC Bernardo?
00:56Well, I see sincerity on this part.
01:01Nung humarap sa Senado si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:05sinabi niyang personal siyang naghatid ng kahong-kahong pera na nagkakahalaga ng 125 million pesos kay Revilla sa bahay nito sa Cavite noong 2024.
01:14Iba pa raw yan sa 250 million pesos na hinatid rin daw niya sa bahay ni Revilla bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:24Ayon sa tagapagsalita ni Revilla, umpesa pa lamang ay handa ng humarap sa ICI si Revilla pero hindi raw siya binigyan ng pagkakataong madepensahan ang kanyang sarili.
01:33Ang mga nagdawit daw sa pangalan ni Revilla ay kasama sa mga bumuo at nagpatakbo ng sindikato na anayay nakinabang sa bilyong-bilyong pisong pondo.
01:44Oras daw na mabigyan ang pagkakataon ng ombudsman na kahanda raw si Revilla na sagutin ang mga paratang.
01:50Bukod kay Revilla, pinakakasuhan din ng kaibigan at campaign donor ni Sen. Chis Escudero na si Maynard Ngu, pinsan ni Sen. Mark Villar na si Carlo Aguilar, aid ni dating Sen. Nancy Binay na si Carline Yap Villar, staff ni dating Sen. Grace Po na si J.Y. De La Rosa at isang mesis patron.
02:07Gayun din ang mga opisyal ng DPWH na si Jean Ryan Altea, Gerard Opulencia, Manny Bulusan at Ruel Umali.
02:16Sa salaysay ni Bernardo, sinabi niya naghatid siya ng kabuang P280M para kay Escudero na inihatid niya sa building na pagbumeari ni Ngu.
02:26Si Villar kumikikback naman daw sa mga pondo para sa EDSA at sa maintenance ng mga krik at iba pang daanan ng tubig at idinaan umano ang mga komisyon sa pinsan ni Villar na si Carlo.
02:37Si Binay aabot daw sa 15% ang kikback na kinukubra raw ng aid nitong si Yaf Villar.
02:44Si Po humiling daw ng mga proyekto kay Bonoan sa pamamagitan ng kanyang staff na si De La Rosa at nakakuha raw ng 20% na kikback na kinulekta raw ng isang mesis patron.
02:55Walang in-recommend ng kaso laban kina Escudero, Villar, Binay at Po.
02:59Pero pinaimbestigaan sila ng ICI sa ombudsman para sa case build-up.
03:04Ayon kay po, ang rekomendasyon ng ICI na i-refer siya para sa investigasyon ng ombudsman ay patunay na hindi sapat ang ebidensya para sampahan siya ng reklamo.
03:14Sa isang pahayag, sinabi naman ni Villar na ang desisyon ng ICI na i-refer ang kanyang kaso sa ombudsman ay patunay na walang basehan ng mga aligasyon laban sa kanya.
03:24Anda raw siyang sumailalim sa investigasyon ng ombudsman.
03:27Sinisikap na namin makuha ang pahayag ni na Escudero at Binay pero dati na nilang itinanggi ang mga paratang ni Bernardo.
03:34Sinisikap din namin makuha ang panig ng iba pang nabanggit sa ICI referral.
03:39Nagsumite naman ang dagdag na ebidensya ang ICI sa ombudsman laban kinadating ako Bicol Representative Saldico,
03:45dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, Bernardo, COA Commissioner Mario Lipana,
03:54mga dating DPWH Engineer na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
03:59Sinisikap din namin makuha ang kanilang panig.
04:02Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:05May init na balita, pinaliwanag di dating DPWH Secretary Rogelio Babes Singson
04:14kung bakit siya nag-resign bilang Commissioner ng Independent Commission for Infrastructure.
04:20Sa pagharap ni Singson sa media kaninang umaga,
04:23hindi na raw kaya ng kanyang katawan ang mabigat na trabaho at stress na kanilang ginagawa sa ICC o ICI.
04:31Sa edad niyang 77, pabalik-balik na rin daw siya sa ospital para sa kanyang kalusugan.
04:37Sabi ni Singson, nagpasaan na siya ng kanyang irrevocable resignation
04:42at mananatili na lamang sa pwesto hanggang December 15.
04:46Hinihintay pa kung tatanggapin ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:50Ang buong detalya ihahatid namin maya-maya lang.
04:55Tawag ngay ng pagbibitiyo ni dating DPWH Secretary Rogel Singson bilang ICI Commissioner.
05:00Kausapin natin si ICI Executive Director at Spokesperson Atty. Brian Hosaka.
05:05Maganda-umag at welcome po sa Balitang Hali.
05:09Good morning, Rafi. Good morning, Connie.
05:11Apo, kasunod po ng resignation ni dating DPWH Secretary Rogel Singson bilang ICI Commissioner.
05:16May nakikita na po bang ipapalit sa kanya at may rekomendasyon po ba ang ICI?
05:20Well, sa ngayon, walang rekomendasyon pang ICI.
05:22Dahil prerogative ng Presidente na mag-appoint ng mga members ng komisyon.
05:26Malinaw po yan dun sa aming executive order creating the komisyon.
05:30So eventually, it is talagang prerogative ng ating Presidente ang mag-appoint ng members ng komisyon.
05:37Bansa ngayon, tanong mo kung meron kayong marerekomenda ang komisyon, e wala pa sa ngayon.
05:42Matagal na niyo po bang alam na posibleng mag-resign na itong si Secretary Singson?
05:49Well, kung sa matagal, hindi naman ganong katagalan.
05:52In fact, the letter was addressed to the President and it was immediately forwarded to the office of the President.
06:00So, in that matter, medyo hindi naman ganong katagalan na alam ng komisyon itong matter na ito.
06:07So, hindi po kayo nagulat, at least?
06:09Well, siyempre, kagulat-gulat na talaga pala mag-re-resign na ating commissioner in the sense that it will be effective on December 15 as mentioned by him during his press conference.
06:21So, malaking nagulat rin ng komisyon eventually na talagang mag-re-resign talaga si Commissioner Babe Singson.
06:30E, pangalawang beses na ito namin nag-resign sa ICI.
06:35Hindi po ba ito makaka-apekto sa integridad ng komisyon tulad ng sinasabi ng ilan?
06:40Well, kaya nga na sinabi rin ng aming chairman kahapon nung kanya siya ay humarap sa media.
06:45In-explain niya na malaking bagay na ang integridad ng komisyon ay nakasalalay rin sa mga miyembro ng komisyon.
06:52But at the same time, kailangan mahusgahan ang pagka-independent ng komisyon on the actions, no referrals, at saka yung mga ginagawa nito.
07:00So, nakita naman ng taong bayan kung paano mag-refer ang aming komisyon at the same time sa mga piddings at submissions nito sa Office of the Ombudsman.
07:11Wherein, nakita naman ninyo na ninalagay namin doon ng mga sapat na ebidensya na maaaring magpatunay na maaaring may pagkasala itong mga taong na ilagay namin sa aming reference for investigation before the Office of the Ombudsman.
07:28So, whether or not the independence of the commission, it is true that in a way, malaking bagay kung sino ang mga miyembro nito.
07:36But, sa kabila naman, makikita namin na na walang sinasanto ang komisyon.
07:44At as long as there's sufficient evidence, meron tayong strong evidence to refer a case before the Office of the Ombudsman, agad-agad naman po namin sinasubmit yan sa Ombudsman.
07:56Speaking about your referrals, handa naman daw humarap si dating Sen. Bong Revilla, na isa sa mga inire-recommenda ng ICI na kasuhan sa Ombudsman.
08:04Pero, hindi rin siya naimbitahan o nabigyan ng pagkakataong depensahan yung kanyang sarili. Ano pong masasabi nyo dyan?
08:10Well, yes, ang commission kasi, based on AO94, in fact finding siya, mag-investigate kami kung sinong maaaring responsible sa mga pag-fund, pag-plan,
08:24at pag-implement ng mga alleged anomalous flood control projects.
08:29So, wala kaming pinaprevet o hindi pinapayagan na mag-appear dito sa komisyon.
08:41But in the same time that, katulad nga nang nasabi ko, yung may mga congressmen dito na pumunta rito, sila ay voluntarily na pumunta.
08:48At the same time, tinanggap naman namin siya at pinakinggan namin ang kanilang testimony nila.
08:57But, gaya rin ang aking na-explain this morning, is that hindi naman nagtatapos ang investigation sa ICI.
09:06Ang ICI ay fact-finding, nag-gather kami ng mga ebidensya, kinakalap namin yan, binubuo namin ang kaso,
09:12at nagre-refer kami sa ombudsman.
09:15However, the ombudsman, to continue with the preliminary investigation,
09:19at doon ay maaaring, in fact, they are mandated to request or to allow anybody who will be part of the investigation
09:29to appear before them, to submit their evidence, to refute any accusations or charges against them.
09:35So, as far as the ICI is concerned, nagbubuo kami ng mga kaso, tinatanggap namin lahat ng ebidensya,
09:43at ito ay binibigay namin sa Office of the Ombudsman.
09:46So, wala kaming pinaprevent, wala kaming pinagbabawal na pumunta dito,
09:50at mag-explain ang kanilang side, whether voluntarily or upon invitation by the commission.
09:58Ano pong reaksyon nyo sa interpretasyon ni na Sen. Mark Villar at dating Sen. Grace Poe,
10:03na yung pag-refer ng ICI sa ombudsman para sa investigation ay patunay daw na hindi sapat yung ebidensya
10:08para sampahan sila ng reklamo?
10:11Well, sa ngayon, ganun ang referrals namin.
10:12Ang referral namin right now is for further investigation
10:15because it is very important na pagka mga kaso ay naisampa na
10:21at naibigay na sa office of the ombudsman,
10:26eh dapat malakas talaga ang ebidensya, malakas ang kaso.
10:30So, it is also within the prerogative of the ombudsman.
10:33Sila nga ang magsusuri niyan kung there is sufficient evidence.
10:38But eventually, pagkadating nito sa kaso,
10:41ang office of the ombudsman ang magbubuo ng kaso.
10:45So, ang ginawa namin is re-referring namin to to get rid of all the evidence that we have.
10:50Sila magsusuri nito, i-review nila.
10:52Ngayon, kung kailangan pang dagdagan ng ebidensya dyan,
10:54then sila ngayon ang mag-they would have to go to the preliminary investigation stage
11:00and thereafter determine whether or not proper charges can be filed against dissenters.
11:07E sa ngayon po, ano yung assessment nyo sa ginagawa niyong live stream?
11:11Anong inyong pagdinig?
11:13Well, gaya nga nang na-explain ko rin,
11:15ang live streaming guidelines kasi ng ICI,
11:18ang default niyan, ibig sabihin, talagang live streaming yan.
11:21Unless there are sufficient grounds for a resource person to request for executive session.
11:28Kasi alam namin na yung taong bayan, gusto nila ng live stream.
11:31Kami rin naman.
11:32Kaya nga, yan ang default namin.
11:34Yan ang general rule ng ICI.
11:36Pagka meron kaming proceedings, live stream yan.
11:39However, we also recognize the rights of individuals,
11:43meaning our resource persons, to request.
11:46And ask the commission for an executive session based on law.
11:51Based on our guidelines.
11:53Gaya nga rin ang nasabi ko before,
11:56ang guidelines naman ng ICI, talagang pinag-aralan namin yan.
11:59We based it on law sa batas.
12:02It is based also sa decision ng mga korte.
12:05Hindi ko namin inimbento yan.
12:07At ang ICI oho, sumusunod sa batas.
12:10Kasi po, we cannot not follow the law.
12:13We have to follow that.
12:14We are not above the law.
12:15So, ang sinasabi po namin dito,
12:18pagka meron po silang rason na sapat,
12:20na basihan legal,
12:21to ask for executive session,
12:23then they have the right to do so.
12:25And ang commission naman po ay mag-rule accordingly.
12:29Sige po.
12:30Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
12:33Maraming salamat, Rafi.
12:34Maraming salamat, Connie.
12:35Si ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka.
12:40Ito ang GMA Regional TV News.
12:45Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
12:49Sugatan ang isang lalaki at kanyang ina,
12:51matapos saksakin ang isa pang lalaki sa Davao City.
12:55Sara, ano daw dahilan ng sospek?
12:58Rafi, matagal nang may hidwaan ang pamilya ng sospek at bitima ayon sa mga polis.
13:03Base sa investigasyon, pumunta sa isang auto shop ang 43-anyos na sospek na may dalang kutsilyo.
13:10Lumaban daw ang 26-anyos na biktima gamit ang bakal na tubo pero natumba siya.
13:16Doon na siya ilang beses na sinaksak ng sospek.
13:19Sumaklolo ang nanay ng biktima pero silaksak din siya ng lalaki.
13:23Tumakas ang sospek hanggang nakita siya ng mga otoridad na nagtatago sa isang bahay.
13:28Sinubukan umano niyang manaksak ng isang sundalong kabilang sa mga rumespondeng otoridad
13:33kaya binarin siya bilang depensa.
13:36Dead on arrival sa ospital ang sospek.
13:39Sinusubukan pang makuna ng pahayag ang nakabaril na sundalo, mga biktima at kaanak ng sospek.
13:46Walong bahay ang nasulog sa Aravelo District sa Iloilo City.
13:51Lima ang partially damaged habang tatlo ang tuluyang natupok.
13:55Wala raw tao sa bahay na itinuturong pinagmula ng apoy hanggang kumalat sa iba pang kapitbahay.
14:02Walang naiulat na nasaktan.
14:04Sa datos na Bureau of Fire Protection, abot sa 40,000 pesos ang halaga ng nasunog na ari-arian.
14:10Inaalam pa ang sadhi ng apoy.
14:12Mahigit 4 million pesos naman ang halaga ng nasirang ari-arian sa sunog sa Valencia, Bukinon.
14:20Pitong bahay sa Bargay Bagong Taas ang napinsala.
14:23Wala namang nasugatan.
14:24Inaimbestigan pa ng BFP ang aligasyon ng ilang saksi na sinadyaraw ang sunog.
14:30Nag-abot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga nasunogan.
14:36Mas pinaigting pa rao ng Philippine National Police ang paghahanap kay Cassandra Lee Ong,
14:41ang kinatawan-umanon ng Lucky South 99 Pogo sa Porac, Pampanga.
14:45Bukod kay Ong, pinagahanap din ng mga polis ang iba pang akusado sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na operasyon ng Pogo sa Pilipinas.
14:54Nahaharap si Ong sa kasong Qualified Human Trafficking.
14:57Nitong Nobyembre nang sabihin ni Sen. Wynn Gatchalian na hindi na nakakulong sa Correctional Institution for Women si Ong.
15:05Ayon sa Malacanang, nasa Pilipinas pa si Ong batay sa records sa Department of the Interior and Local Government.
15:14Patay ang isang dating barangay kagawad matapos barilin ng riding in tandem sa Pateros.
15:20Tinangay rin ang bag ng biktima na may lamang kalahating milyong piso.
15:25Balitang hatid ni Bam Alegre.
15:27Kuha ito ilang sandali bago ang pananambang sa isang rider ng pulang motorsiklo sa Pateros noong biyernes.
15:35Ang biktimang si Mark Herman Tanya, nanungkulan noon sa barangay San Pedro ng Pateros bilang kagawad.
15:40Pag-alis niya sa kanilang bahay bago mag-alas 10 ng gabi, nahagip sa CCTV na sinundan si Tanya ng riding in tandem.
15:48Sa kuha ng isa pang CCTV, makikita ang matagal na palang naghihintay ang dalawa sa di kalayuan.
15:54Pawi siya galing sa amin at may sumunod sa kanyang motor.
15:59Ang kwento ay sinipa siya, sinipa ang motor, inagawang bag pagkatapos, saka siya binarel.
16:10Mula Pateros, sa bahagi ito ng barangay Ususan sa tagig na abutan ang mga suspect ang biktima.
16:16Dito mismo nakuha ng isa sa mga suspect ang bag ng biktima.
16:19Nang wala na sa kanya ang item, lumayo na yung biktima papunta rito, pero sinundan pa rin siya ng isa sa mga suspect at pinagbabaril sa mismong kantong ito.
16:36Tinangay din daw ng mga salarin ang bag ni Tanya na naglalaman daw ng pera na ayon sa kaanak niya, tinatayang kalahating milyong piso ang halaga.
16:44Kinuha rin ang motorsiklo ng biktima, pero iniwan din ito ng mga salarin sa hindi kalayuan.
16:49Patuloy ang investigasyon ng pulisya sa pagkakilanlan ng riding in tandem, pati ang motibo sa pagpatay.
16:54Robbery ang isa sa mga anggulong tinitignan ayon sa kaanak ng biktima.
16:57Wala raw silang alam na kaaway ang dating barangay kagawan.
17:00Ang lokal na pamahalaan ng Pateros nag-alok ng reward money na 300,000 pesos sa sino mang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa mga salarin.
17:08Ang kapatid ko, very active siya sa community. Out of pocket niya kinukuha yung mga gastusen para sa barangay. Kahit sa mga liga, siya yung nagsusponsor.
17:22Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:26Update po tayo sa pagharap sa media ng ICI Commissioner Rogelio Babe Singson, kaugnay sa kanyang resignation.
17:36May ulat on the spot si Joseph Moro.
17:39Joseph!
17:44Rafi, pinaliwanag nga nitong si ICI Commissioner at dating DPWH Secretary Rogelio Singson na stress sa trabaho.
17:51Ang dahilan kung bakit siya nag-BTO sa pwesto sa komisyon.
17:55Sa pagharap niya sa media, ngayong umaga, sinabi ni Singson na simula ng tanggapin niya raw ang trabaho sa ICI ay ilang beses siya naglabas masok sa ospital.
18:04Dahil sa mga nararamdaman niya tulot ng stress sa trabaho.
18:08Buko dito ay pinakausapan din daw siya ng kanyang pamilya na bitawan na muna ang trabaho niya sa ICI.
18:14Sabi ni Singson, hindi raw sa umaayaw siya sa trabaho, pero tingin niya ay nagawa na niya.
18:19Ang dapat niyang gawin sa komisyon, kaugnay sa pagpapaliwanag ng proseso ng budget ng DPWH.
18:26Dagdag pa ni Singson sa kasalukuyang forma ng ICI ay kulang raw ang kapangyarihan nito at nanawagan siya sa kongreso na ipasana ang upgraded version ng ICI na kung sakasakali daw ay dapat ay mga maging,
18:39ang maging miyembro nito ay mga retired justices o mga lawyers.
18:44Itinanggi ni Singson na may interference o may nakikilam sa trabaho ng ICI.
18:50Ang mga ibinigay raw nito mga referral ay ipinauubayanan niya sa pag-a-assess ng legal team ng komisyon.
18:57Tungkol naman sa mga pahayag ni dating Akobi Cold Party, Representative Saldi Koh,
19:01ayon kay Singson ay hindi ito sapat na basihan para investigahan si Pangulong Marcos.
19:06Narito po ang pahayag ni Secretary, ni Commissioner Singson.
19:13The burden of this problem cannot rely solely on ICI.
19:20We need a strong support from the Office of the President.
19:24We need strong support from both houses of Congress.
19:29Otherwise, on its own, without the necessary powers,
19:33unfortunately, it will not move as fast as we want to.
19:38Raffi, ayon dito kay Commissioner Singson ay sa December 15 pa officially ay bababa na siya sa pwesto sa ICI.
19:52Pero kung kakailanganin naman daw siya ng komisyon ay handa siyang tumulong dito, Raffi.
19:58Maraming salamat, Joseph Morong.
20:00Sa ibang balita, arestado sa Quezon City ang dalawang lalaking na abutan ng mga otoridad na nag-aaway sa kalsada.
20:08Ang sanhiraw ng gulo, konsehan sa droga.
20:12Balitang hatid ni James Agustin.
20:14Nakakuna ng CCTV ang komisyong ito sa pagitan ng lalaking nakaangkas sa motorsiklo
20:21at lalaking nagbibisikleta sa barangay bay sa Quezon City kahapon.
20:25Hindi nahagip sa CCTV ang mga sumunod na nangyari.
20:29Mayang maya, inaresto na ang dalawa na ayaw magpaawat sa mga rumisponding traffic enforcers
20:34habang nagpapambuno sa Quirino Highway.
20:37Sa embisigasyon ng polisya, onsehan sa iligal na droga ang pinag-ugatan ng komisyon.
20:40Ang nakabisikleta ang tulang umano ng droga habang nakaangkas sa motorsiklo ang parokyano niya.
21:10Yung laman pala noong hindi pera, kundi puro mga dyaryo.
21:14Nakuha ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 170,000 pesos.
21:19Nabawi rin ang mga peraso ng dyaryo na dapat sana'y 15,000 pesos na pera na pambayad sa droga.
21:25Ito yung dalawa na ito ay mga street-level individual.
21:29So nagtutulak talaga itong mga ito.
21:31May mga prior records na ito sa iba-ibang kaso na pan-verification natin.
21:36So yung isa is nagtutulak talaga dito sa barangay Balonbato, yung tumatawid sa kabilang barangay.
21:43Ayon sa 24-anyo sa sospe, hindi niya alam na siya buong daladala niya.
21:48Pumayag lang daw siyang iabot ito dahil sa pangakong bibigyan siya ng 500 piso.
21:52Hindi ko naman ho talaga galing sa akin yan sir, na ipaabot lang din ho talaga sa akin.
21:57Wala rin po ang kaidee na ganang pa rin yung laman nun sir.
22:00Ang 26-anyo sa sospe, iginiit na hindi rin niya alam na puro jalyo at hindi pera, ang ipinaabot umano sa kanya.
22:07Wala po talaga sa kong alam dun eh.
22:09Sa mama lang din po, hindi ko po, wala po kong alam.
22:13Marapan dalawa sa mga reklamong alarming scandal, disobedience, and resisting arrest.
22:18Ang 24-anyo sa sospe may karagdagang reklamong paglaba sa Comprehensive Dangerous Ragsak.
22:24James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
22:28Ito na ang mabibilis na balita.
22:33Patay ang isang lalaki matapos saksakin ang isa pang lalaki sa Pasig.
22:37Sa kuha ng CCTV, naglalakad ang biktima sa Ortigas Avenue na bigla siyang undayan ng saksak sa likod ng sospek.
22:44Agad, tumakas ang lalaki.
22:46Nahuli rin naman siya kalaunan.
22:48Base sa investigasyon, posibleng love triangle ang dahilan ng krimen.
22:52Dati raw kasing kasintahan ng biktima, ang girlfriend ngayon ng sospek.
22:56Mismo ang babae ang nagturo sa pulis siya kung saan makikita ang sospek.
23:01Sinusubukan pa namin siyang kunan ng pahayag.
23:06Nahuli sa entrompet operation ang pitong sospek ng investment scam umano sa Batanga City.
23:11Ayon sa NBI Calabarzon, ginagamit ng pito sa kanilang pang-i-scam ang firma ng mga kilalang tao at logo ng international organizations
23:19para mapaniwala ang kanilang mga biktima na namumuhunan sa kanila.
23:23Nag-issue rin naman na ng peking diplomatic passport ang mga sospek.
23:27Milyong-milyong piso na rawang natangay nila sa kanilang mga biktima mula sa iba't ibang probinsya.
23:33Wala silang pahayag.
23:34Ilang kapuso stars ang mapapanood this year sa Metro Manila Film Festival.
23:44Una rin yan ang romantic film na Love You So Bad na pagbibidahan nina Will, Ashley at Dustin Yu with Bianca Divera.
23:53Produced yan ng GMA Pictures, Star Cinema at Regal Entertainment.
23:58Kamakailan naman present ang inyong mare sa Mediacon ng Bar Boys After School.
24:03Bida rin dyan si Will kasama si na Bryce Eusebio, Therese Malvar at Rocco Nasino.
24:08Kasama din nila sa film si Nagliza de Castro at Royce Cabrera.
24:13Present din ang inyong mare sa star-studded na grand media launch ng Shake, Rattle and Roll, Evil Origins.
24:20Mapanood din sa film si Dustin with Carla Abeliana, Ashley Ortega, Isabel Ortega, Matt Lozano,
24:26Alfea Ablan at Manilin Reynes.
24:30Bibida naman si Nalzoren, Carmina Villaruel, kasama ang kanilang mga anak na sina Mavi at Cassie sa Reconnect.
24:38Tampok din dyan si na Kelvin Miranda, Angel Guardian at Cocoy de Santos.
24:46Abangan ang inyong paboritong kapuso star sa December 19 sa MMFF Parade of Stars sa Makati City.
24:531 p.m. mag-a-assemble sa Diyosdado Makapagal Boulevard ang floats ng mga kasaling pelikula ayon sa MMDA.
25:01Tinatayang tatagal ang parada ng halos dalawang oras.
Be the first to comment