00:00Taong 2023, nang pumasok sa Department of Social Welfare and Development bilang Legislative Liason Specialist si Atty. Anthony Mark Emokling.
00:11Pagkapasa niya sa bar exam noong taong ding iyon, ay dito na siya nagtrabaho.
00:16Nangangamba siya sa una na baka hindi siya matanggap.
00:19Pero kabaligtaran ani ang lahat ng iyon dahil agad siyang pinagkatiwalaan na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para gampanan ang kanyang tungkulin.
00:28Yung pagpasok sa gobyerno, isa rin siyang sakripisyo pero masaya kasi mas nabibigyan tayo ng boses para mabigyan din ng boses yung community natin.
00:42Hindi ang nga naging hadlang ang kanyang kapansana na para tuparin ang kanyang pangarapa.
00:47Ginagamit niya ang kanyang boses para maging inspirasyon sa iba panggayan niyang persons with disabilities na magpatuloy at huwag mawala ng pag-asa.
00:56Ang salamat sa DSWD na yung pag-hire ng persons with disabilities ay hindi lang tokenism.
01:04Hindi, talagang tinitingnan yung kakayahan ng isang person with disability na makakontribute sa government workforce.
01:13Isa lang si Atty. Anthony sa mahigit apat na raang persons with disabilities na nabigyan ng trabaho ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang mga tanggapan sa buong Pilipinas.
01:26Sa tala ng DSWD, mahigit apat na raang o 1.01% sa mahigit apat na pong libong lakas paggawa ng ahensya ay pawang mga persons with disability.
01:38Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa Administrative at Clerical Works.
01:42Balak pa po namin yan na dagdagan kasi ang gusto natin, hindi lamang po dito sa central office,
01:49but sa lahat ng mga field offices natin, eh meron talaga tayo mga akawani na kabahagi ng sektor ng person with disabilities.
01:57Kasabay naman ang selebrasyon ng International Day of Persons with Disabilities,
02:01inilabas na ng DSWD ang Administrative Order No. 11 Series of 2025.
02:07Sa klaw nito, ang paglikha ng isang inklusibong komunidad para sa persons with disabilities.
02:13Mayroon itong capacity building component para lubos na maunawaan ang kanilang sitwasyon.
02:19Samantala, sinimula na ng DSWD at National Council on Disability Affairs
02:24ang rollout ng Unified Persons with Disabilities ID system sa buong Pilipinas.
02:29Layo nito na maisaayos ang registration, verification at database management
02:35at mapabilis ang pagpapaabot ng tulong sa naturang sektora.
02:40Maaari rin itong magamit sa pag-a-apply ng trabaho.
02:42Base sa Senate inquiry, umaabot sa 88.2 billion pesos ang nawawala sa kita ng bansa
02:49dahil sa talamak na paglalabas ng mga peking persons with disabilities ID.
02:53Itong Unified Persons with Disabilities ID system kasi isang pamamaraan para hindi mapeke
03:00at hindi mapagsamantalahan yung pong mga social welfare programs and services na ino-offer po for the Senate.
03:08Nakikipag-ugnayan na rin ang NCDA sa Department of Information and Communications Technology
03:13para maisama sa e-gov app ang Unified Persons with Disabilities ID system.
03:20Bien, Manalo, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment