00:00Nitong nagdaang taon at buwan, hinrap natin ang mga hamon ng kalikasan, malalakas na bagyo, magkakasunod na lindol, pagputok ng bulkan, at mga pagbaha.
00:11Sa gitna nito, naging matibay na sandigan ng bayan ang ating mga military at uniformed personnel o MUP.
00:19Hindi rin nawawala ang banta sa ating seguridad, ngunit panatag ang isang bayanan dahil nandyan ang ating kapulisan at kasundaluhan.
00:28Ang ating mga MUP ang unang sumasagot sa tawag ng tungkulin kahit kaakibat nito ang mga banta sa kanilang kaligtasan.
00:38Sa lupa, tubig o himpapawit, hindi kayo nagdadalawang isip na magsakripisyo ng inyong kaligtasan para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
00:47Bilang pagkilala sa inyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon at husay, ating itataas ang base pay ng MUP.
00:57Kasama rito ang lahat ng military and uniformed personnel mula sa Department of National Defense, Department of Interior and Local Government,
01:05Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections, National Mapping and Resource Information Authority.
01:11Ito ay ipapatupad natin sa tatlong tranche sa January 1, 2026, January 1, 2027, at January 1, 2028.
01:22Bukod pa riyan, simula January 1, 2026, ang subsistence allowance ng lahat ng MUP ay magiging P350 na kadaaraw.
01:32Naniniwala ang administrasyong ito na ang mga nagtatanggol sa bayan ay nararapat rin protektahan ng pamahalaan.
01:40Makatarungan sa ahod at sapat na suporta, ito ang handog ng sambayanan sa ating mga tagapagtanggol.
01:48Mabuhay po kayo. Mabuhay ang Bagong Pilipinas.
02:02Mabuhay ang Bagong Pilipinas.
Comments