Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
President Marcos has vowed to go "all out" in the second half of his term, saying his administration would intensify efforts to improve the lives of Filipinos beyond the country’s recent economic gains.

READ: https://mb.com.ph/2025/07/28/ibubuhos-natin-ang-lahat-lahat-marcos-vows-all-out-push-in-last-3-years

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com @manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kababayan, magandang hapon po sa inyong lahat.
00:05Makasaysayan ang katatapos na halalan nitong Mayo.
00:09Kaya pinaparating ko ang aking buong pusong pagpupugay sa ating mga kababayan,
00:14lalo na sa mga kabataang butante.
00:17Sa ating lahat dito, isantabi na natin ang ating pagkakaiba
00:22at magkasundo na sa tatlong bagay na nagbibigkis sa atin.
00:27Sa ating pagiging Pilipino, ang ating pagiging makabansa
00:31at ang ating sinumpaang tungkulin sa taong bayan.
00:36Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan.
00:40Bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangungunahing serbisyo.
00:48Ang leksyon sa atin ay simple lamang.
00:50Kailangan pa natin mas lalong galingan.
00:54Kailangan pa natin mas lalong bilisan.
00:57Kung datos lang ang pag-uusapan, maganda ang ating ekonomiya,
01:02tumaas ang kumpiyansa ng mga negosyante.
01:05Bumaba ang inflation, dumami ang trabaho.
01:08Ngunit ang lahat ito ay palamuti lamang, walang saisay,
01:13kung ang ating kababayan naman ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.
01:17Kaya sa huling tatlong taon ng administrasyon, ibubuhus pa natin ang lahat-lahat.
01:25Hindi lamang upang mapantayan, kundi mahigitampah ang pagbibigay ginhawa sa ating mga kababayan.

Recommended