Skip to playerSkip to main content
  • 3 months ago
Panayam kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao ukol sa pagpapaliban ng pag-impound sa mga light electric vehicle at mga na impound na luxury vehicle pati na rin ang monitoring ng mga namimiling taxi driver

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, pagpapaliban ang pag-impound sa mga light electric vehicle at mga na-impound na luxury vehicle,
00:09pati na rin ang monitoring ng mga namimiling taxi driver,
00:12ating tatalakayin kasama si Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Marcos Lacanilau.
00:19Asek, magandang tanghali po.
00:21Magandang tanghali, sir.
00:22Sir, punta muna tayo sa usapin po ng light electric vehicle.
00:29Pinagpaliban po natin yung pag-huhuli o pag-impound nito.
00:33So, ano po yung naging dahilan ng LTO para rito at ano muna yung mga nais nating plansyahin bago ito i-fully implement?
00:41Unang-una po, sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at ni Secretary Giovanni Lopez,
00:49narinig nila yung hinaing ng mga kababayan natin.
00:52So, pansamantala muna po na hininto namin yung December 1 na hulihan sa e-trikes or e-bikes
01:01para bigyan yung information na dissemination natin sa mga kababayan natin hanggang January 1.
01:10So, matutuloy po ito ng January 2.
01:13So, binibigyan po natin sila ng time para ma-inform, malaman ng lahat na yung mga kung saan mga lugar po talaga sila pinagbabawal.
01:24So, Asek, Marcos, mula naman po sa paglalabas ng updated guidelines tungkol sa kung saan pwedeng bumiyahi ang e-bikes at e-trikes,
01:30pwede niyo po bang ibahagi kung ano may mga pangunahing pagbabago o dagdag na probisyon na dapat asahan ng publiko?
01:38Pinagbabawal po sila sa mga national highway.
01:41Pero may mga national highway po tayo, for example po yung EDSA, meron pong bike lane yan.
01:50O may mga LGU tayo na may binigay na designated lane for bike lane.
01:55Pero po, pwede lang po dyan yung mga electric bikes or electric trikes na kasya doon sa bike lane.
02:05Pag po yung kanilang electric e-bikes ay mas malaki doon sa designated bike lane, hindi po sila po pwede doon.
02:16So, Asek, mula naman po sa mga balita, magkakaroon na tayo ng nationwide information campaign.
02:23Ano po yung scope nito? Ano yung subject matter nito? Ilan yung tao na i-deploy natin? At kailan magsisimulaan ito?
02:28Nagsisimulaan na po kami ngayon.
02:31Ang pinagbabawal po kasi talaga natin yung mga national highway.
02:35So, pag nakita, hindi po ibig sabihin na December 1 to January 1 e pwede sila sa highway.
02:41Sasawayin po sila, igaguide sila ng mga enforcer natin na pumunta sila doon sa mga inner roads or secondary roads para doon sila makabiyahe.
02:49So, yun po yung ginagawa po namin.
02:54So, tuloy-tuloy po yung mga information drive namin at parating paalala rin ang aming mga enforcers, pati po yung mga deputized enforcers namin.
03:04For example, ang MMDA nakatuwang namin sa mga programang yan, lalo na sa Metro Manila.
03:12Kapag na-implement na po ito sa January 2026, ano po yung magiging proseso?
03:17Kapag makakita po ba ng e-trike, kalimbawa sa national highway, wala ano, huli na agad confiscate?
03:24At ano po yung mga penalty?
03:25Opo, yung mga e-trikes po na tatakbo sa January 2 sa national highway, huhulihin po yun.
03:34At kung kinakailangan i-impound, i-impound po sila.
03:38Ngayon, sa pagdating naman po sa mga penalties, maglalabas po kami yung mga list of the penalties para makita rin po ng mga kababayan po natin kung ano yung mga penalty na at ano yung mga naging violation nila.
03:53So, asak mo naman po sa mga na-impound na sasakyan itong nakaraang linggo, tatlong po dito ay luxury vehicles.
04:00Ano po yung initial findings kung bakit nananatiling hindi rehestrado itong mga ito at gano'n po kalawak yung verification process nito?
04:09Actually, ma'am, umabot po ito ng 39 noong weekend lang, to be exact.
04:1439 vehicles.
04:16Karamihan, luxury vehicles, pero meron din pong mga regular sedan and van na nahuli.
04:23Karamihan po ang sinabi ng mga kababayan natin na limutan nilang iparehistro yung kanilang mga sasakyan dahil sa oras at yung iba naman dahil din sa medyo ilan yung sasakyan nila na nakaligtaan talaga nila na iparehistro.
04:43Umamin naman sila.
04:45Pero ang medyo nakakabahala po, karamihan po dito walang lisensya ang nagmamaneho.
04:54Although yun pong unregistered ay impoundable, mas lalo na po nung walang mga driver's license.
05:03Karamihan po walang driver's license.
05:06Pero as it, gaano ba kadalas nasasangkot itong mga high-end vehicles na ito?
05:11Dito sa mga ganitong klaseng insidente ng no-registration, driving without license, may nakikita ba kayong mga pattern o kaya modus na sinusundan itong mga violators na ito?
05:20Wala naman po. Siguro dahil nga rin sa nagiging takbo na busy ng nagiging trabaho, maaaring nalilimutan na nila.
05:29Umamin naman ng mga may-ari ng sasakyan na pagkakasalan nila yan.
05:33At kami naman po sa LTO, gusto rin po namin gumawa ng mga programa na kasi ang karamihan sinasabi nila na medyo yung pagpunta sa LTO,
05:46siyempre maraming nakaschedule, nakapila, so medyo hirap sila.
05:51Pero gagawa po kami ng mga programa na yung meron po kaming LTO on wheels na po pwede namin, for example, sa isang village o isang grupo sila na marami na gusto nilang iparehistro,
06:06pwede namin ipadala yung LTO on wheels doon at doon nila i-conduct yung rehistro kahit weekend para po masuportahan lang natin.
06:15At maiwasan yung kagaya po nangyayari ngayon na unregistered sila.
06:19Kasi pag po ang unregistered, sir, masangkot sila sa aksidente, kahit sila yung nasa tama, talo sila.
06:27As eh kasabay ng operasyon ng LTO, inulat po ng DOTR yung pagkaka-impound sa 24 na colorum vehicle,
06:36paano po paiigtingin ng DOTR at LTO yung kanilang anti-colorum crackdown?
06:42At ano po yung inaasahang susunod na hakbang para maiwasan yung pagdami ng unregistered at illegal public transport?
06:49Yun pong sa mga colorum with the directives of our Secretary Giovanni Lopez,
06:55kasi sa dami din ang mga nagiging reklamo.
06:58Kami po ay nagkakaroon ng, kagaya kagabi, nagkaroon po kami ng operation kagabi,
07:04nakahuli po kami ng mga colorum, naka-impound po ngayon.
07:08Sana po ay maging babala na din na yung mga kababayan natin na nagahanap buhay na walang kaupulang prangkisa,
07:14hindi po biro pag nahuli kayo, napakataas ng penalty.
07:19Kaya maaari itigil na nila yung mga ganyan.
07:22Kasi mas lalo nilang inilalagay ang sarili nila sa alanganin sa ma-impound na sa saka nila,
07:29magbabayad sila ng multa na malaki.
07:33Mabigat po sa kanila yun.
07:34So, sa amin po sa LTO, talagang magiging puspusan po kami dun sa anti-colorum operation.
07:42Kaya sinasamantala ko itong oras na ito at binigyan nyo kami pagkakataon magsalita,
07:47na itigil na nila yung ganyang colorum na ginagawa nilang hanap buhay.
07:54Naintindihan po namin hanap buhay nila yan.
07:56Pero siguro meron po tayong batas na dapat sundin at i-apply po nila sa LTFRB ng prangkisa
08:05yung kanilang mga sasakyan para hindi po sila ma-impound.
08:09May follow-up question lang ako kasi interested ako.
08:12Ano ba yung definition nyo ng luxury vehicles? Ano yung threshold nyo?
08:15At saka iba ba yung penalties?
08:16Pag maulit itong mga ito na no-registration at violations nila,
08:20magka iba ba yung luxury vehicles sa ordinary vehicles?
08:21Hindi naman po. Yung penalty po ng luxury at saka yung ordinary yung sedan parehos lang.
08:28Basta po sila ay four wheels.
08:31Ngayon, yung naging determination lang po na luxury vehicle,
08:36kasi karamihan po dito yung mga sports cars.
08:40Yung mga unang huli ko, mga supercars, pero ngayon mga sports cars,
08:43which is yung Mustang. May nahuli kami yung limang Mustang, limang Porsche,
08:50tapos Range Rover, Supra.
08:53So yun yung mga karamihan na nahuli namin.
08:56Above, ano yan eh, yung value nila is above 2 million.
09:02So as right, dumako naman po tayo sa papalapit na Pasko.
09:05So ngayon kasing holiday season, paano nyo naman po binabantayan
09:08yung mga tinatawag na isnaverong taxi, yung mga namimili ng pasahero?
09:12Ano po yung nakasaad po ba sa batas tungkol dito?
09:15Kasi syempre, maraming nang shopping ngayon,
09:17mahirap mag-commute ng mga jeep or bus,
09:21so mas gugustuhin nila yung taxi.
09:22Pero paano po natin malam sasawatay yung mga namimili ng pasahero?
09:27Yung pong mga taxi na lalo na po yung mga nasa mga malls, terminal na namimili ng pasahero,
09:35tapos pipiliin nila na, sasabihin nila na sila ay magbayad ng hindi normal sa dapat na bayaran,
09:44ay pinagbabawal po yan.
09:45Kami po ay magkakaroon ng mga operation din against dyan.
09:49Kaya po, pagka po may mga kababayan tayo na naging biktimang ganyan,
09:56isumbong po nila sa LTO para po kaagad namin maaksyonan.
10:00Kaya yun naman po may mga taxi, huwag po tayong magsamantala.
10:04Kasi nasa kalagayan tayo ngayon, maraming tayong kababayan na medyo mahirap ang kalagayan,
10:11huwag naman nilang samantalahin dahil magpapasko at ganun yung gagawin nila.
10:15Sa LTO naman po, dahil ngayong Christmas, magkakaroon po kami ng mga iba't-ibang programa.
10:25Una, meron na po kami ng mobile command center, hindi po ito yung C3.
10:32Itong mobile command center, wala po ito, no cost to the government po ito,
10:39under trial namin pero gagamitin ko na.
10:41May mga kaibigan tayo na nagtulong.
10:44Ano po ito, ide-deploy ko po ito sa North Luzon at saka South Luzon.
10:48So, mamomonitor po nito yung flow ng traffic at saka po yung mga violation
10:54parang magiging hub po ito ng mga enforcers natin na nakadeploy sa North and South.
11:01And then, ngayon December din po,
11:03i-lo-launch ko po bago mag-uwian yung mga kababayan natin yung LTO na K9.
11:11So, yung LTO K9, iikot po yan sa mga bus stations
11:15para magkaroon po ng protection yung mga mananakay natin na babiyahe
11:19na maiwas po na unang-una yung mga masasaman loob
11:23na makapagdala ng mga illegal na substance, droga,
11:27o makadala ng mga pampananakit na bagay na pinagbabawal.
11:34Mamomonitor po.
11:35So, yung mabuo po namin yung LTO K9 bago magpasko,
11:40iikot po sa mga bus stations dito po sa Metro Manila.
11:44So, sa mga kababayan naman natin na na-biktima
11:48o tangkang biktimahin ng mga isnaberong taxi driver
11:52na namimili ng pasayro at destinasyon,
11:54paano po sila pwede magreklamo sa ating LTO?
11:56Apo. Yung LTO page po namin sa Facebook,
12:00pwede po silang magreklamo doon,
12:02pwede po silang mag-message doon.
12:04Meron naman po kaming nagmo-monitor po niyan 24 hours.
12:08At pwede po nilang sabihin.
12:12Pero kami naman po sa LTO, meron po kami na mga tao
12:15na iikot po ngayon na naka-civilian clothes
12:19para ma-check kung yung mga sasakyan niyan,
12:22yung mga taxi na nag-overpriced at sa mga kababayan natin.
12:28Sa ibang usapin naman po, ASIC,
12:32ano naman po yung dahilan ng pagpapaimbestiga po
12:35ng LTO sa Independent Commission for Infrastructure
12:39nitong Central Command Center?
12:41Ano po ang naging proseso ng pag-approve
12:43at ano po yung nakikitang pagkukulang bago ito buksan
12:46na umabot sa isang bilyong piso ang halaga?
12:49Apo. Nung pagkapasok ko po kasi sa LTO,
12:52sa direktiba rin ng ating Pangulong Ferdinand Bombong Marcos
12:56na imbestigahan yung mga katiwalaan,
13:00korupsyon, doon sa loob po ng LTO.
13:03So, nung pagpasok ko po, on my second week,
13:07na-discover ko po yung Central Command Center
13:10na ginawa nilang project noong 2021
13:15na overpriced which is 946 million
13:18at may overpayment pa na 26 million.
13:21Hindi siya gumagana,
13:24hindi siya dumaan sa tamang proseso,
13:27yun nga, pini-OC nila.
13:29So, talo talaga ang gobyerno, overpriced pa.
13:33So, sir, may nakita daw po kayong 25 million pesos
13:36na overpayment sa proyekto.
13:38Saan po ito napunta?
13:40At saka may plano po ba kayong mag-isang panangkaso
13:42laban dun sa contractor?
13:43Opo. Ito po yung overpayment po siya ng 26 million, ma'am.
13:47Ito po yung Central Command Center
13:48na finile po namin sa ICI.
13:52Tinapos ko po yung investigation ko po dito.
13:55Lahat po ng ebidensya,
13:56tinurn over ko po sa ICI
13:58for further actions.
14:02So, dag-dagtarbaho na naman para sa atin sa ICI.
14:05Asik, no?
14:05Pero anong mga hakbang sinigawa ho ngayon ng LTO
14:08upang maitama ito?
14:09Plano pa ba natin gamitin yung facilities
14:11kapag na-install na yung mga cameras po natin dito?
14:15Actually, sir,
14:16ginagamit na lang po namin
14:18para po hindi po masayang
14:20pinipilit po namin
14:22kung saan namin pwede siya magamit.
14:24Monitoring,
14:25para po mapakinabanga naman.
14:28Moving forward,
14:29Asik, paano po makakatiyak ang publiko
14:31na hindi na mauulit yung ganitong proyekto?
14:34At ano po yung ipapatupad din yung internal control
14:37o transparency measures
14:38para po hindi maulit yung ganito?
14:41Kami po,
14:42yan nga po parati ko sinasabi,
14:45tagubili ng ating Pangulong,
14:47Ferdinand Bongbong Marcos,
14:48na talagang siguraduhin,
14:50i-reform.
14:51Kaya,
14:52sinasabi ko nga po,
14:53marami hong nagagalit,
14:55pero sana maintindihan nila
14:56na nagre-reform kami sa LTO.
14:59Kaya po,
15:00hindi namin hahayaan din
15:01na yung kagaya nitong pinaggagawa nila
15:05na nagpapasok sila ng
15:07mga ibat-ibang proyekto
15:08na hindi naman dumaan sa tamang proseso
15:12at overpriced pa,
15:13natalo ang gobyerno
15:14at nagiging source ng corruption.
15:16Actually,
15:16hindi lang po itong
15:17Central Command Center eh.
15:19Meron po po akong tinatapos
15:20na dalawa na infra-building
15:22na yung isang infra-building,
15:24magugulat kayo,
15:25three-story building,
15:26walang elevator,
15:27500 million eh.
15:29At pumapatak na 400,000 per square meter.
15:35Okay, sir.
15:36Mensahe at paalala nyo na lang po
15:37sa ating mga kababayan,
15:38lalo na po ngayong holiday season.
15:41Unang-unang po sa mga kababayan natin,
15:43nais namin na magbiyahe kayo
15:46ng maayos na ligtas pa-uwi
15:47sa inyong mga probinsya
15:49at sa inyong mga pamilya.
15:51Yun pong mga sasakyan natin,
15:54siguraduhin lang po natin
15:55na nakarehistro
15:57at meron po tayong lisensya
16:00kasi yun nga po,
16:01kapag po kayo ay nasangkot
16:03sa isang aksidente,
16:04kahit kayo ang banggain,
16:05kayo ay nasa tamang linya,
16:07talo po kayo
16:08kasi wala po kaokalang papeles
16:10ng inyong sasakyan
16:11at wala po kayong lisensya.
16:13Kaya, sayang nga po,
16:15last month,
16:16naglabas kami ng one month
16:18na ni-waive ko lahat ang penalties
16:21para lang sa mga magri-rehistro.
16:23Sana na samantala nila
16:24gawa nung nagkaroon tayo ng kalamidad.
16:27Pero sa ngayon,
16:28mayroon pa naman time,
16:30iparehistro po natin
16:32yung mga sasakyan natin
16:33at mag-apply po tayo ng lisensya
16:36para po ligtas din tayo
16:38at saka legal
16:40yung pag-takbo natin
16:42sa ating karsada.
16:44Doon naman po
16:44sa mga kababayan natin
16:47na nagsasamantala
16:48na may mga taxis,
16:49operator
16:50na naniningil
16:52ng sobra-sobra,
16:55huwag na po na nilang gawin yan
16:56kasi talagang
16:57mahirap po
16:58pag nahuli ho namin
16:59talagang
17:00mag-impound po yan.
17:03Binibigyan ko po kayo
17:03ng chance
17:04na paguhin po ninyo.
17:06At saka,
17:06yun naman po
17:07mga kababayan natin
17:09na naghahanap buhay
17:11ng kolorong.
17:12Wala hong personalan nito.
17:14Ito lang yung time
17:16na dapat ayusin natin.
17:18Gusto namin kayong
17:19maghanap buhay
17:19pero ilagay lang po natin
17:21sa legal.
17:22Mag-apply po tayo
17:23ng prangkisa
17:23at para maiwasan
17:26na mahuli kayo
17:27ng kolorong
17:27dahil napakabigat po talaga
17:29ng penalties.
17:32At kung meron kayong
17:32mga reklamo
17:33sa LTO,
17:34may mga enforcers
17:35na nagsamantala sa inyo,
17:37isumbong po nyo sa amin
17:39kasi sa totoo lang
17:40sinabi ko nga po,
17:41hindi ko po
17:42itong reform
17:42na gagawin ko,
17:44oras na may mahuli
17:45po akong enforcer
17:46na na-involve
17:47sa kotong,
17:48ihilera ko po talaga
17:49eh,
17:50ilalabas ko po talaga
17:51sila sa media
17:51kasi talaga pong
17:53hindi na po tama
17:55yung ginagawa nila.
17:56Ayan na,
17:57binalaan na kayo.
17:58With that,
17:58maraming salamat po
17:59sa inyong oras,
18:00Land Transportation Office Chief,
18:02Assistant Secretary
18:03Marcos Lacanilaw.
18:04Maraming salamat po.
18:04Thank you, sir.
Comments

Recommended