00:00Transcription by ESO
00:30Pagpisa ng inspection order mula sa Makati Regional Trial Court, pinasok ng mga tauhan ng NBI at Philippine Competition Commission ng condo unit ni dating Congressman Saldi Coe.
00:40Pakay ng NBI na makakuha ng mga ebidensya na magpapatunay sa umunay lutong bidding kaugnay sa flood control projects.
00:47Ayon sa source ng Gemini Integrated News, may nakuhang mga dokumento na may kaugnayan sa bidding at flood control projects.
00:54Ayon sa NBI, pag-aaralan kung paano magagamit ang mga na-recover sa unit ni Coe para sa case build-up.
01:00Sa Sandigan Bayan, 6th Division not guilty plea ang inihain ng siyam na dating opisyal ng DPWH Mimaropa, nakapwa-akusado ni Coe sa kasong malversation of public funds.
01:11Coe cognize sa P289M flood control project sa Nauan Oriental, Mindoro.
01:17Kahit non-bailable ang kaso, maghahain ang ilang abogado ng mga kusado ng petition for bail.
01:22Anila mahina ang ebidensya, pero giit ng prosekusyon matibay ang hawak nilang ebidensya at tututulan nila ang petisyon.
01:30Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, nagsimula na ang live streaming ng mga pagdinig.
01:36Ngayong buong linggo, tuloy-tuloy ang gagawin pagla-live stream ng ICI sa pagtistigo ng mga kongresista katulad na lamang ni House Majority Leader at Presidential Sun Congressman Sandro Marcos.
01:47Ipinapatawag din ng ICI si Davao First District Representative Paulo Duterte.
01:52Pina-imbestigahan naman ng Act-Teachers Party Rep. Antonio Tinio sa ICI ang listahan ng 80 proyekto sa distrito ni Duterte na nagkakahalaga ng 4.4 billion pesos mula 2016 hanggang 2022.
02:07Along the Davao and Matina Rivers, dun sa 80, mahigit kumulang kalahati ay mga kongresyonal insertions.
02:15Ibig sabihin wala sanep pero naipasok sa GAA.
02:19Hindi lamang mga flood control project ang mandato ng ICI na imbestigahan.
02:25Naghahain ang Land Transportation Office ng bulto-bultong dokumento kaugnay sa Central Command Center o C3 project na nagkakahalaga ng 946 million pesos pero ayon sa ahensya ay hindi nagkagamit.
02:38May mga dapat na kameras na dapat ilagay all over the Philippines. Wala po yung nangyaring yan.
02:45At saka hindi po siya, sa totoo lang, hindi po siya gumagana.
02:47Saka overpriced, may overpayment pa po ito na 26 million.
02:53Isa lamang yan sa tatlong proyekto ng SunWest sa LTO na pinunan ng Commission on Audit sa 2024 Annual Audit Report nito.
03:00Halos 2 billion piso ang halaga ng mga kontrata sa LTO ng SunWest.
03:04Kasosyo o ka-joint venture ng SunWest ang tatlong iba pang kumpanya para sa C3 project contract na pinasok nila at ng LTO noong 2020.
03:13Batay sa audit report, sagot noon ng LTO sa COA, ibinigay ng supplier ang lahat ng requirement at wala o manong overpayment sa proyekto.
03:22Sa press conference, sinabi rin ng LTO na may inimbestigan pa sila ang mga proyekto.
03:26Yun pong dalawa na tinatapos ko, which is yung infrastructure na dalawang building, three-story each at 500 million, almost 1 billion yung dalawa.
03:37Overpriced po yun, 1,200 square meter floor area at 499,500,000 ang halaga.
03:47Roughly 400,000 per square meter, rough estimate.
03:50So, kitang-kita po.
03:51Joseph Moro nagbabalita para sa GMA Integrated News.