Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Gumulong na ngayong araw ang imbesigasyon ng Kamara sa Maanumalyang Flood Control Projects ng Gobyerno.
00:06Kuha po tayo ng update dyan at may ulat on the spot si Tina Pangaliban Perez. Tina?
00:12Connie, umpisa pa lang ng kauna-unahang imbesigasyon ng House Infrastructure Committee sa mga umanay Maanumalyang Flood Control Projects.
00:20Mahaba na ang debate ng mga kongresista sa pagdaraos ng imbesigasyon.
00:24Nagahain ang mosyon si Akbayan Rep. Chell Jokno para magsagawa ng full disclosure ang mga kongresistang may negosyo o interes na posibleng makonekta sa flood control project.
00:35Lalo pat may mga ulat na mahigit-anum na pong kongresista ang may ganitong koneksyon.
00:40Sinigundahan ang mosyon ni na MLG Rep. Laila Delima at Kaloocan 2nd District Rep. Edgar Erice.
00:47Pero si Delima sinabay ang pag-object sa pagsasagawa ng imbesigasyon dahil sa posibleng conflict of interest.
00:54Paano raw pagkakatiwalaan ng publiko ang imbesigasyon ito kung lalahok nito ang mga kongresistang inaakusahang mga kontratista rin?
01:02Binanggit ni Delima ang independent body na balak itatag ng Malacanang para imbesigahan ang mga maanumalyang flood control projects at hayaan na lang daw yung mag-imbestiga.
01:13Kumontra rito sina Deputy Speaker Janet Garin at Deputy Majority Leader Zia Alonto Adjo.
01:19Sabi ni Garin, may oversight powers ang kongreso kaya may karapatan silang gawin ang imbesigasyon ito at baka anya mabaliwala ang kapangyarihan ito dahil sa pangamba sa conflict of interest.
01:31Pwede naman anyang hayaan ng independent investigation ng ibang grupo habang isinasagawa rin ng kamera ang imbesigasyon para makapagpasaraw sila ng mga panukalang batas para maayos ang mga maling sistema.
01:43Sinangayunan ni Adjong Sigarin.
01:45Sabi ni Adjong, may mga internal mechanism naman ng kamera para maparusahan ang mga kongresistang mapapatunayang sangkot gaya ng House Committee on Ethics.
01:55Inaprubahan kalauna ng motion ni Jokno at binigyan ng Infrastructure Committee ang mga miembro nito ng limang araw para magsumite ng written full disclosure.
02:05Sa labing-anim na contractor namang inimbitahan ang Infrastructure Committee, lima ang absent.
02:10Ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation, St. Timothy Construction Corporation, Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation, Wawaw Builders at Sims Construction Trading.
02:26Yung St. Timothy at Wawaw Builders binanggit ni Infrastructure Committee Co-Chair Terry Ridon na mga sangkot-umano sa mga ghost at substandard flood control projects sa Bulacan na siyang tututukan ang imbesigasyon ngayong araw.
02:39Connie?
02:41Maraming salamat Tina Panganiban Perez.

Recommended