Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Sa ibang balita, patay ang isang rider sa Rodriguez Rizal matapos tumama sa kasalubong na van at pumailalim sa sasakyan.
00:08Ang driver ng van ay giniit na nakapagpreno siya at aksidente ang nangyari.
00:12Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:17Pumailalim sa L300 van ang motorsiklong yan sa bahagi ng Payatas Road, Barangay San Jose sa Rodriguez Rizal.
00:23Sa pababa at pakurbang kalsadang ito, nangyari ang insidente.
00:27Ayon sa pulisya, paakyat ang motorsiklo at kasalubong ang L300 van dito po sa kabilang linya ng kalsada.
00:36Itong biktima ay may iniwasang bato sa kanyang dadaanan na auto-balance.
00:43Tapos sa kanyang pag-slide, tumama siya doon sa paparating na sasakyan sa kabilang linya.
00:50Dire-diretso natumbok ni sasakyan yung motor.
00:56Sa pagkakatumbok, pumailalim.
01:00Walang malay pero may pulso pa raw ang biktima ng madatna ng mga responders bago siya dalhin sa ospital at doon ideklarang dead on arrival.
01:09Aming pag-analisa doon sa iniwasan noong biktima ay maaring ito po ay nalaglag ng mga nagbabiyahing mga truck.
01:18Inaresto ng pulisya ang 48-anyos na driver ng L300 van.
01:23Sabi niya, naghahanap sila ng kanyang biyena ng bigas para sa kanilang negosyo nang mangyari ang insidente.
01:29Nakaburol ang biktima sa kanilang tahanan sa barangay San Jose.
01:55Ayon sa ama ng biktima, papasok sa trabaho ang kanyang anak na isang call center agent nang mangyari ang insidente.
02:02Sa custodial facility ng Rodriguez Municipal Police Station na kadetay ng driver.
02:07Naharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
02:13EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended