00:00Ipinagpaliban muna ang panghuhuli sa mga e-bike at e-trike sa mga national highway.
00:07Ipatutupad yan sa Enero ng susunod na taon na katutok si Dano Tingkungko.
00:17Alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:19ipinagpaliban muna ang panghuhuli ng e-bike sa mga national highway tulad ng EDSA at Maharlika Highway na sisimulan sana ngayong araw.
00:27Sa January 2, 2026 na yan, ipapatupad.
00:31Bigyan ng time ang mga kababayan natin na total magpapasko din, December, para yung information na makarating sa kanila.
00:42Ayon sa LTO, bawal pa rin ang mga e-bike at mga e-trike o itinuturing na light electric vehicle sa national highway.
00:49Pero ngayong buwan, sa halip na diretsyong impound, pagsasabihan na lang muna ng mga enforcer ng LTO,
00:55mga may-ari ng e-bike na bawal sila sa highway.
00:58For example, tumatakbo ng EDSA, South Expressway, yung sa May Magallanes, tumatakbo.
01:03Sasawayin po namin yan na umalis sila doon.
01:06Pero pagdating po ng January 2, hulihan na po yun.
01:09Kung tutusin, matagal ng bawal sa national highway yung mga e-bike.
01:13Ayon sa LTO, dahil mas mabagal kesa sa mga tradisyonal na motorsiklo,
01:17mas malaki ang chance ang maipit ang e-bikes at e-trikes sa traffic o mabanga.
01:22Dahil yung mabagal sila, madaling maipit sa traffic flow.
01:26Tapos mataas yung panganib ng banggaan, may problema talaga sa e-bike.
01:30Kaya bawal na sila sa highway maliban kung magkakasya sa mga designated bike lane.
01:35Pwede po yun sa bike lane.
01:38Pero kapag lumaki yung inyong electric bike, hindi kayo kasya doon sa bike lane, hindi po kayo pwede doon.
01:44Pwede rin kung tatawid lang naman at hindi babagtasin ang highway.
01:48Nasa ilalim na ito ng Implementing Rules and Regulations ng Electric Vehicle Industry Development Act o Republic Act 11697.
01:57Pwede po silang tumawid sa national highway.
02:00Ang pinagbabawal po yung pag-cruise nila o yung tumatakbo sila sa national highway.
02:05Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 horas.
Comments