Skip to playerSkip to main content
Ipinagpaliban muna ang panghuhuli sa mga e-bike at e-trike sa mga national highway. 


Ipatutupad ‘yan sa Enero ng susunod na tao


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinagpaliban muna ang panghuhuli sa mga e-bike at e-trike sa mga national highway.
00:07Ipatutupad yan sa Enero ng susunod na taon.
00:11Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:16Alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos,
00:19ipinagpaliban muna ang panghuhuli ng e-bike sa mga national highway
00:23tulad ng EDSA at Maharlika Highway na sisimulan sana ngayong araw.
00:26Sa January 2, 2026 na yan, ipapatupad.
00:30Bigyan ng time ang mga kababayan natin na total magpapasko din, December,
00:38para yung information na makarating sa kanila.
00:41Ayon sa LTO, bawal pa rin ang mga e-bike at mga e-trike
00:45o itinuturing na light electric vehicle sa national highway.
00:49Pero ngayong buwan, sa halip na diretsyong impound,
00:52pagsasabihan na lang muna ng mga enforcer ng LTO,
00:55mga may-ari ng e-bike na bawal sila sa highway.
00:58For example, kung tumatakbo ng EDSA, South Expressway,
01:00yung sa May Magallanes, tumatakbo,
01:02sasawayin po namin yan na umalis sila doon.
01:05Pero pagdating po ng January 2, hulihan na po yun.
01:09Kung tutusin, matagal ng bawal sa national highway yung mga e-bike.
01:13Ayon sa LTO, dahil mas mabagal kesa sa mga tradisyonal na motorsiklo,
01:17mas malaki ang chance ang maipit ang e-bikes at e-trikes sa traffic o mabanga.
01:21Dahil yung mabagal sila, madaling maipit sa traffic flow.
01:26Tapos mataas yung panganib ng banggaan, may problema talaga sa e-bike.
01:30Kaya bawal na sila sa highway maliban kung magkakasya sa mga designated bike lane.
01:35Pwede po yun sa bike lane.
01:37Pero kapag lumaki yung inyong electric bike,
01:41hindi kayo kasya doon sa bike lane, hindi po kayo pwede doon.
01:44Pwede rin kung tatawid lang naman at hindi babagtasin ang highway.
01:48Nasa ilalim na ito ng Implementing Rules and Regulations ng Electric Vehicle Industry Development Act o Republic Act 11697.
01:57Pwede po silang tumawid sa national highway.
01:59Ang pinagbabawal po yung pag-cruise nila o yung tumatakbo sila sa national highway.
02:05Para sa GMA Integrated News,
02:07Dano Tingkung ko nakatutok 24 horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended