00:00Samantala, tradisyon na po nating mga Pilipino ang mamigay at magpalita na regalo tuwing sasapit ang kapaskuhan.
00:06Kaya magandang maaga pa lang, planuhin na ang mga bibilihin na ipangregalo.
00:11Kung magalo ang mga presyo niya sa Divisoria, alamin natin sa Sentro ng Balita ni Gav Villegas.
00:20Nasasabik na si Rose na makabenta ng maraming paninda ngayon na lalapit ang kapaskuhan sa kanilang pwesto sa Divisoria.
00:26Mapenta sa kanyang pwesto ang mga relo at underwear.
00:29May diskarte si Rose paano sila makakabenta.
00:44Dahil unang araw na ngayon ng buwan ng Desyembre, kung kayo ay nag-iisip na ng mga bibilihing regalo sa inyong mga pagbibigyan,
00:51marami kayong pwedeng bilhin Christmas gift items sa Divisoria.
00:54Kung kayo ay nag-iisip ng mga ipangre-regalo sa inyong mga chikiting para sa kanilang Christmas party,
01:00naglalaro ang presyo ng laruan mula 50 hanggang 1,800 pesos, depende sa klase at laki.
01:06Kung ang pagbibigyan nyo naman ay nangangailangan ng gamit sa bahay,
01:09ang presyo ng plato at mangkok ay naglalaro sa 35 hanggang 65 pesos, depende sa laki.
01:15Ang mag naman, makakabili ka ng 3 piraso sa halagang 100 piso, habang ang isang 800 ml thermal flask ay 220 pesos ang isang piraso.
01:25Kung ang pagbibigyan mo ay palaging naiinitan sa labas, naglalaro sa 200 hanggang 450 pesos ang isang handheld fan,
01:32at kung mahilig sa soundtip ang re-regaluhan mo ay pwede mong bilhan ng Bluetooth speaker na naglalaro sa 200 hanggang 1,500 pesos ang presyo, depende sa laki.
01:43Hindi rin pwedeng kalimutan na bumili ng pambalot para sa ibibigay mong regalo.
01:4720 pesos ang limang pirasong Christmas gift wrapper at kung paper bag naman ang iyong natitipuhan,
01:53ay naglalaro ang presyo nito sa 15 hanggang 80 pesos, depende sa laki.
01:57Narito ang ilang tips para makatipid sa pamimili ng panregalo sa divisorya, ngayon nalalapit na ang Pasko.
02:04Tipid tip number 1. Bumili ng marami. Mas makakatipid kung bibili ka ng wholesale o pakyawan kaysa sa patingi-tingi.
02:12May mga tindahan na nag-aalok na mas mababang presyo kung bibili ka ng maramihan.
02:17Tipid tip number 2. Laging tumawad. Kahit na mura ang presyo ng itinitindang produkto,
02:23huwag may hiyan na tumawad para makadiskwento sa bibiling panregalo.
02:27Tipid tip number 3. Huwag magpakita ng interes.
02:31Matutong magtingin sa ibang stall kung may mas mababang presyo ng target mong ipangregalo.
02:36Mas madaling makakatawad kung sasabihin mong may nakita ka mas mura sa ibang pwesto.
02:41At panghuling tip. Maghanda ng eksaktong pambayad.
02:45Magdala ng maraming bariya at maraming bills para maging mabilis ang mga transaksyon.
02:50Habang nalalapit ang kapaskuhan, pagplanuhan na ang mga bibilhin at ilista ang mga taong reregaluhan.
02:57Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment