00:00Patuloy naman ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmula ng sunog sa Senado.
00:05Si AJ Ignacio ng Radyo Pilipinas sa detalye.
00:11Pasado ala 6.30 ng umaga ng sunod-sunod na dumating ang mga truck ng bumbero dito sa compound ng Senado sa Pasay City.
00:19Tulong-tulong ang Bureau of Fire Protection at mga fire volunteers para nga sa pag-apula sa sunog na nagmula sa ikatlong palapag ng Senate Building.
00:28Umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa Senado bago maideklarang fire out bandang alas 8.20 ng umaga.
00:35Patuloy naman ang investigasyon ng BFP sa pinagmula ng sunog kunsan katabi ito ng opisina ng Senate Blue Ribbon Committee.
00:43Agad ding nagtungo ang ilang mga staff ng kumite ng kanilang tanggapan upang masuri ang mga dokumentong posibleng na sunog at nabasa sa pag-apula sa nangyaring sunog.
00:52Samantala sa isang payag sinabi ni Senate Secretary Renato Bantog Jr. na patuloy ang kanilang assessment sa mga pasilidad ng Senado kabilang na ang session hall.
01:02Magsisimula ang period of amendments ng 2026 National Budget kaya't puspusan ang kanilang pagsuri sa mga pasilidad para malaman agad kung magre-rekomenda ng suspension ng pasok sa Senado.
01:15Mula rito sa Pasay City para sa Integrated State Media, AJ Ignacio ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Be the first to comment