00:00Alert Level 1 sa Bulcang Bulusan, itinaas na ng PHIVOLKS.
00:03Mga otoridad, may paalala naman sa publiko.
00:06Si Ramil Marianto ng PIA Sorsogon sa Balitang Pambansa.
00:13Dahil sa dagboga na nga ng abo kaninang madaling araw
00:17at sa ilang volcanic earthquakes na naitala sa Philippine Volcanology and Seismology of PHIVOLKS
00:22simula pa noong Abril 12 hanggang sa kasalukuyan,
00:26itinaas na ang Alert Level 1 sa Bulcang Bulusan.
00:28Ibig sabihin nito ang bulkan ay kasalukoyang nasa estado na ng mababang antas
00:33ng pag-alburoto at may posibilidad na mga sumunod na phreatic eruption
00:38matapos ang insidente ngayong umaga.
00:40Ayon sa PHIVOLKS, dakong alas 4.36 ng umaga,
00:44naglabas na makapal na abo ang Bulcang Bulusan
00:47na ikinabahala ng mga residente sa mga kalapit na barangay
00:50sa mga bayan ng Erosin at Huban.
00:53Nagpaalala rin si Sorsogon Provincial Information Officer Salvador Dong Mendoza
00:57sa mga motorista na iwasan na muna ang pagtaan sa National Highway Sakop
01:02ng Bulos sa Bayan ng Erosin at Buraburan sa Bayan ng Huban
01:05dahil sa epekto ng abong inilabas ng bulkan.
01:09Aniya, tatapusin namun ang paglilinis ng kalsada.
01:12Patuloy rin ang ginagawang road clearing operations ng Bureau of Fire Protection,
01:17katuwang at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
01:20Nanawagan rin si Governor Buboy Hamor
01:22ng Sorsogon sa mga motorista na pansamantalang iwasan na muna
01:25ang naturang lugar upang maisagawa ng maayos at ligtas
01:29ang paglilinis ng kalsada.
01:32Paalala rin niya sa publiko na manatiling alerto at sundin
01:35ang mga abiso okol sa kaligtasan.
01:38Kaugnay nito, sinabi naman ni Engineer Marque Ragasa,
01:41Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Bulusan
01:45na patungong Huban area ang makakapal na abo mula sa bulkan.
01:50Aniragasay na sa magdadala pa ng abo patungo sa barangay ng Sangkayon,
01:55Putingsapa, Rangas at Bakulod sa Bayan ng Huban
01:58dahil sa kasalukuyang direksyon ng hangin.
02:01Kaasabay nito, naglagay na rin ang command center sa Bayan ng Huban
02:05at nagdistribute na rin ang face mask at food packs
02:08ang Department of Social Welfare Development
02:10sa paungunan ni Arden Norman Laurio ng DSWD Regional Field Office 5
02:15samantala mahigit na binab o maigpit pang binabantayan
02:19na mga otoridad ang sitwasyon at pinapayuhan
02:22ang mga residente na lalo na na nasa posibleng daanan ng abo
02:25na manatili sa loob ng bahay at magsuot ng proteksyon sa mukha
02:29kung kinakailangan.
02:30Sa kasalukuyan, walang ipinapatupad na evacuation.
02:33Ngunit nakaalerto ang mga lokal na opisyal
02:35dahil nagsisimula ng bumagsak pa ang abo na binubuga ng bulkan
02:40ang vulkang Bulusan ay kilala sa biglaang phreatic eruptions
02:44at paulit-ulit na nagpapaalala ang Fibolk sa publiko
02:47na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 km permanent danger zone sa vulkan.
02:53Mula sa Sorsogon, Dudes Marianito nag-uulat para sa Balitang Pambansa.
03:00Maraming salamat Ramil Marianito ng PIA Sorsogon.