00:00Ilalabas na po mamaya na International Criminal Court Appeals Chamber
00:03ang desisyon sa apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa interim release.
00:09Habang hinihintay ang desisyon, nagsasagawa ng prayer vigil sa Maynila
00:12ang ilang taga-suporta ng dating Pangulo.
00:15May unang balita si Jomer Apresto.
00:20Nagdaraos ng prayer vigil ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:24sa headquarters ng PDP Laban sa Santa Mesa, Maynila.
00:27Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, Deputy Spokesperson ng PDP Laban,
00:31ibat-ibang relisyon ang nagsama-sama para ipanalangin na pumabor sa dating Pangulo
00:36ang desisyon ng International Criminal Court o ICC para sa apelang interim release
00:40habang dinidinig ang kanyang kaso.
00:42Si Duterte ay nakakulong sa ICC detention facility sa Daheg, Netherlands
00:46dahil sa kasong Crimes Against Humanity.
00:48Nagsimula ang programa ng alas 7 kagabi at magtatapos mamayaring alas 7 ng gabi.
00:52Ilan sa naabutan namin dito si na dating Energy Secretary Alfredo Cusi
00:56at dating Market Workers Secretary Abdullah Mamao.
00:59Nang tanongin naman namin si Atty. Topacio kung kumusta ang kalagayan ng dating Pangulo.
01:03Very restricted ang akses sa kanya pero from what I heard from those in the know
01:11ay he is very hopeful.
01:14Kami po ay umaapila na because of his advanced age at sa kanyang health,
01:19if only for humanitarian reasons.
01:22Hindi naman yan flight risk, hindi naman magtataguin. May karamdaman yan.
01:26Sinabi naman ni Topacio na handa na rin sila para sa gagawing kilus protesta
01:29kontra korupsyon sa linggo, November 30.
01:33Nakiusap na rin umano sila sa mga dadalo na iwasan ng kaguluhan
01:36para hindi na maulit pa ang nangyari noong nakarang kilus protesta.
01:39Hindi pa raw malinaw sa ngayon kung dadalo sa programa si Vice President Sara Duterte.
01:43At yan ang unang balita. Ako si Jomer Apresto para sa GMI Integrated News.
01:49Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:51Mag-subscribe na sa GMI Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments