Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:001,000 ang bumbero, mahigit 300 fire trucks at rescue vehicles ang rumisponde.
01:06Sa kuhang ito, kita kung gaano kabilis ang pagkalat ng apoy na tumupok din sa scaffolding ng gusali.
01:12Kina bukasan, pagkadeklarang under control ng sunog, tumambad ang pinsalang iniwan ito.
01:25Ang lalaking ito, hindi na napigilang maiyak dahil ang kanyang asawa na trap daw sa loob.
01:32May mga alaga rin na trap sa loob kaya may mga nag-volunteer na veterinarian para i-rescue ang mga hayo.
01:40May mga pusa, aso at ilang pagong na raw silang na-rescue mula sa loob.
01:45Isa-isa na rin inilalabas ang labi ng mga na-trap sa gusali at dinala sa community center.
01:50Nagpunta roon ang mga pamilyang nawawala ng kaanak para silipin ang mga labi.
01:55Ayon sa OWA, hanggang 80 OFW ang may rehistradong address sa nasunog na apartment complex.
02:01Labing siyam dito ang kumpirmadong nailigtas.
02:04Nasunugan ang passport, nasunugan ang mga employment contract.
02:09At ito po ay agad-agad namang sinusolusyonan po ng PCG and RMWO.
02:15Nagbigay na rin po tayo ng mga food packs at mga tulong po, mga dignity kits at kung ano pa pong kailangan nila.
02:22Nasa ospital naman ng isang OFW kasama ang kanyang amo at alaga nitong sanggol.
02:28Siya raw ang humihingi ng tulong sa nag-viral na audio recording sa gitna ng sunog.
02:32Hindi pa masabi ng OWA kung may mga Pilipino pang na-trap sa loob ng mga gusali.
02:36Iniisa-isa na raw nila ang mga shelter kung saan nananatili ang mga naapekto ng sunog para silipin kung may mga Pilipino.
02:43What we're also trying to assert is whether they were actually in one hook court during the fire.
02:50Ayaw rin natin mag-panic ng gusto yung pamilya dito sa Pilipinas kasi naman, baka naman, in a certain likelihood, ay wala sila dun.
03:00Baka nasa ibang lugat sila.
03:02Patuloy na nakikipag-ugnayan ng OWA at DMW sa pamilya ng mga apektadong OFW.
03:07Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakikipag-ugnayan din sa Hong Kong Police ang konsulado ng Pilipinas para alamin kung may mga Pilipinong nasawi o nasugatan.
03:16Base sa investigasyon ng mga otoridad sa Hong Kong, posibleng mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mesh at mga plastik na nakabalot sa mga gusali na sumasa ilalim noon sa renovation.
03:28Dumagdag din daw ang foam material na ginamit para tapalan ng ilang bintana.
03:33Itaraw ay mga mapangalib na material sa renovation ang tinawag nilang grossly negligent construction firm.
03:39Dahil dito, inaresto ng polis siya ang dalawang direktor at isang engineering consultant na namamahala dito.
03:46Nasunog din ang bamboo scaffolding na ginamit sa mga gusali.
03:50Ayon sa leader ng Hong Kong na si John Lee, nakipagpulong na ang Development Bureau para palitan ng mga kawaya ng metal scaffolding.
03:57Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kai ang inyong saksi.
04:00Simula po sa Lunes, December 1, mahigpit nang ipagbabawal ang pagdaan ng mga e-trike at e-bike sa mga national highway at ibupang pangunahing kalsada sa bansa.
04:12Saksi, si Rafi Tima.
04:18Budget at eco-friendly daw ang mga electric bike o e-bike at e-trike kaya maraming naihinggan yung gumamit nito.
04:24Pero ilang beses na rin itong nasasangkot sa mga aksidente sa daan.
04:28Noong Abril ng nakarang taon, nasawi ang isang senior citizen matapos masagasaan ng e-bike sa Marikina.
04:35June 2024 naman nang sumaltok sa sinusundan niyang truck ang isang lalaki naka-e-bike sa Maynila.
04:40Sa lakas ng impact, nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang rider.
04:44At nitong Mayo lang, isang e-trike driver ang nasawi sa Antipolo matapos umanong mag-overtake at mawala ng kontrol sa manibela.
04:52Ilang beses na rin na ireklamo ang mga e-bike at e-trike na dumaraan sa malalaking kalsada at minsan, may namanayaw pa ng mga bata.
05:02Simula sa lunes, December 1, mahigpit na ipagbabawal ang pagdaan ng e-trikes at e-bikes sa mga national highway at major thoroughfare sa bansa.
05:09Puna ni Sen. Rafi Tulfo sa deliberasyon ng Senado sa budget ng Department of Transportation,
05:14tina pinalitan na ng mga e-bike at e-trike ang mga jeep bilang hari ng kalsada.
05:18Maraming na raw siyang natatanggap na reklamo laban sa mga ito.
05:21So, lumalala po yung problema sa e-bike and itong mga nag-e-bike, of course, nagsasakay silang mga pasahero.
05:30Walang mga lisensya at of course, dahil hindi sila restado sa LTO, wala din po silang mga insurance, third-party liability.
05:40So, kapag sila po ay nakasagasa, then sorry na lang.
05:45Nag-commit po ang ating bagong LTO head, si Asika Lakanilaw, that by December 1, huhuliin na po lahat po ng mga e-trikes na nasa kalye.
05:58Una nang naglabas ng memorandum circular ang LTO na dapat iparehistro ang e-bikes, pero sinuspindi ang implementasyon nito.
06:05Ang problema rin daw kasi dito, nagbibigay ng permiso ang mga lokal na pamahalaan para gawing public transport ang mga ito.
06:11Bakit hindi tayo makipag-coordinate sa DILG para yung DILG kakausapin itong mga LGU, magkakaroon ng instructions, magkakaroon ng agreement between LTO and LGU
06:25para malaman nila, magdidesign sila ng programa na ma-regulate na maayos itong e-bikes.
06:33Kapag nagsimula na ang hulihan, automatic i-impound daw ng LTO at DOTR ang mga mauhuling e-bike at e-trike.
06:39Pero pampayagat pa rin naman doon silang dumaan sa munisipal, barangay roads at mga looban ng subdivision.
06:45Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Kimang, inyo, Saksi!
06:51Halos 14 milyong pisong buis ang hinahabol ng BIR sa dalawang kumpanyang inreklamo nila ng tax evasion sa Department of Justice.
06:59Sangkot umano ang dalawang construction companies sa mga ghost flood control projects sa Bulacan.
07:05Saksi si Joseph Moro.
07:10Labing dalawang reklamang kriminal na ang naihain ang Bureau of Internal Revenue kaugnay sa mga maanumalyang flood control project.
07:17Halos siyam na bilyong piso ang potensyal na tax liabilities na inimbestigahan.
07:22Pinakabago ang reklamang tax evasion at willful failure to supply correct and accurate information
07:28na isinampan ang BIR sa DOJ laban sa mga opisyal ng Sims Construction Trading at IM Construction Corporation
07:36na dawit sa mga umunay ghost projects sa Bulacan.
07:4013.8 milyon pesos ang halaga ng hinahabol na buwis.
07:44Kahit ghost project, nagdeklara umano ang mga ito ng construction cost.
07:47Nag-file po siya ng tax return sa Bureau of Internal Revenue at nagdeklara ng deductions or construction cost.
07:56Subalit, since wala naman pong aktual na proyekto na nagawa,
08:02hindi ibig sabihin ho, fictitious itong deductions, non-existent.
08:07At ito po ay ginawa lamang para maiwasan ang pagbabayad ng tamang buwis.
08:12Ayon sa BIR, maghahain pa sila ng mga criminal complaint sa mga susunod na linggo.
08:18Sinisikap naming makuha ang panig ng dalawang kumpanya.
08:21Sa ombudsman, inereklamo sinadating Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia,
08:27suwal Mayor Lizeldo Palugay at asawa ng mayor.
08:30Reklamang plunder, malversation of public funds, grave misconduct, gross neglect of duty,
08:35at dishonesty ang inihain ni Jaime Aquino, isang lokal na mamamahayag at leader
08:40ng asosasyon ng mga chuberot operator ng mga tricycles sa Pangasinan.
08:45Kaug na iyan sa anomalya umuno sa 286 million pesos na halaga ng flood control projects sa San Jacinto, Pangasinan.
08:52Sabi ng DPWS Office, El Sacuan, yung mga nakausap namin sa Region 1 ay,
08:59yung kumikulikta tao, tao, sabi nila, si Congressman de Venecia, si Christopher,
09:07ng 20% sa lahat ng mga kontrata, mga iba pang kandun, hindi lang sa flood control.
09:16Pabilang dito ang River Bank Protection Project sa barangay Santo Tomas, Casibong,
09:20na nagkakahalaga ng mahigit 48 million pesos.
09:24Ang BET Construction and Supply ang nakalistang gumawa ng proyekto.
09:28Ang una kasi ang may-ari talaga si Glicel Ducalugay.
09:33Siya talagang may-ari ng construction firm.
09:36Ngayon, nung nag-asawa na siya kay Garre, ay simpre siya na ang nagmamanis.
09:41Magmamanis ko ngayon.
09:42Makikita ninyo, ang project ng DPWH, dito sa barangay Santo Tomas, Casinto.
09:52So, bagong gawa lang ito, 2024, kasi nagkakahalaga ng mahigit 40 million pesos.
10:07Pero tingnan ninyo kung anong nangyari.
10:08Hindi pa napaka-pakinabangan, nawas out na.
10:15Inereklamo rin ang ilang opisyal ng DPWH Region 1 at DPWH Pangasinan 2nd Engineering District,
10:21gayon din ang contractors na Soda Trading and Construction,
10:25at joint venture ng Silverwoods Construction, at Lux Dragon Construction.
10:30Pati ang private contractor, umanoni de Venecia.
10:33Sinisikap namin makuha ang panig ng mga inereklamo.
10:35Sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, humiling ng Executive Session,
10:41si na Quezon City 6th District Representative Maria Victoria Copilar,
10:45at Quezon City 5th District Representative Patrick Michael Vargas.
10:49Ilan sila sa mga binanggit ng mag-asawang Pacifico Curly at Sara Diskaya
10:53na umuinin ng hihingi ng 10-25% na komisyon mula sa mga proyektong nakukuha nila.
10:59Tumangging humarap sa media si Copilar,
11:01pero sa isang pahayag na inupload niya sa kanyang social media page,
11:05sinabi niyang walang ghost project sa District 6,
11:08batay sa inspeksyon ng DPWH,
11:11Quezon City Engineering Office, at iba pa.
11:13Hindi rin nagsalita si Vargas.
11:15Pero sa isang pahayag, sinabi ni Vargas na ipinakita niya raw sa komisyon
11:19ang mga dokumento na nagpapatunay na walang mga proyekto ang mga diskaya sa kanyang distrito.
11:25Nagbolontari naman tumistigo sa ICI si House Majority Floor Leader
11:29at Presidential Son, Congressman Sandro Marcos.
11:32Sa sulat niya sa komisyon, sinabi niyang handa siyang humarap sa ICI anumang oras
11:37at magbigay linaw sa anumang bagay para matulungan ang komisyon sa investigasyon nito.
11:42Naano nang inakusaan ni dating Congressman Saldico na may budget insertions ni Marcos,
11:47bagay na itinanggi ng kongresista.
11:48Magtatakda ang ICI ng pecha para sa pagdinig.
11:53Regardless of whom that person is,
11:55kung voluntarily appear and testify under oath,
11:59ay malaking bagay sa amin.
12:00Yung pong pagtestigo ni Sandro sa welcome development,
12:04what do you think of?
12:04Of course, of course.
12:05Why, sir?
12:06Wala, of course.
12:07Because?
12:08Wala.
12:10Any testimony is okay.
12:11Ayon sa Independent Commission for Infrastructure o ICI,
12:15maaari nilang i-livestream ang pagtestigo ni Congressman Marcos
12:19dahil hindi naman ito humingi na executive session sa komisyon.
12:22Kung matutuloy ito, si Marcos ang kauna-unahang testigo na mailan-livestream ng komisyon.
12:28Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
12:33Nakunan po ng CCTV video ang sasakyang ginamit ng mga suspect sa pagpatay sa isang barangay captain
12:39sa gitna ng live stream sa Digo City, Davao Dilsur.
12:42Tinagal naman sa pwesto ang jepe ng Digo City Police.
12:46Saksi, si Sarah Hiloman Velasco ng GMA Regional TV.
12:59Bukod sa mismong live streaming video kung saan nakuhana ng pagpatay
13:03kay barangay captain Oscar Dodong Buko Jr. sa kanyang bahay sa Digo City noong martes,
13:09Bahagi na rin ang investigasyon ang kuha naman ng isang CCTV.
13:17Kita rito ang pagpasok sa subdivision ng isang pulang sasakyan alas 9.16 ng gabi,
13:23pati ang pagliko sa ikalawang kanto papunta sa bahay ng kapitan.
13:28Matapos ang dalawang minuto, sa parehong oras ng pagpatay kay CAP,
13:32lumabas na ang sasakyan at dumaan sa unang kanto.
13:35Ayon sa Police Regional Office 11, ito ang sinakyan ng tatlong sospek.
13:40Sabi naman ang Davao Dilsur Provincial Office,
13:43posibleng persons of interest na ang mga indibidwal na dati nang nabanggit ni CAP sa kanyang social media post.
13:50Kabilang sa kanila ang nakaalitan sa live stream na si Police Lieutenant Colonel Peter Glenn Ipong,
13:55ang jepe ng Digo City Police Station.
13:57Isinailalim na siya at 20 iba pang polis sa paraffin test.
14:01Pati yung lahat ng intel operatives at saka yung security escort niya, pati yung driver niya.
14:08So all in all, 21 sila lahat na nag-undergo ng paraffin test.
14:13Relieved na sa pwesto si Ipong upang masigurong hindi maka-influensya sa investigasyon.
14:18May binoonang Special Investigation Task Group ang PNP,
14:22pero hinilin pa rin ang pamilya ni Bukol sa NBI na magkasa ng parallel investigation.
14:28This is based on the request of the wife and yung mga kapatid po.
14:34Pwede rin siguro na inter-agency investigation,
14:38but we would like the NBI to take the lead in the investigation of the crime.
14:43Sa tulong naman ng impormante,
14:46nakalaboso ang target na nachepohang naglalakad sa labas ng Baklaran Church.
14:50Kasisimbalang daw ng sospek ng Madakip noong November 20.
14:54Ang sospek na tubong Basud, Gamarines Norte,
14:58naharap sa six counts of statutory rape
15:00dahil sa umano'y paulit-ulit na panghahalay sa kanyang menor deedad na stepdaughter.
15:05Mga operatiba ng Basud Municipal Police ang arresting team.
15:09Ayon sa polisya, palipat-lipat daw ng lugar sa lalawigan ng Cavite hanggang sa machempohan sa Baklaran.
15:16Dati pa raw inilunsad ang manhunt sa 44-anyos na sospek,
15:20pero palagi raw nakakatunog kaya hindi nahuhuli.
15:24Number one most wanted sa Basud ang sospek.
15:27Ayon sa hepe ng Basud Police,
15:292023 pa nangyari ang umano'y pang-aabuso noong 15-anyos pa lang ang biktima.
15:3415 years old po noong time na inalay siya.
15:38Kasi mula March ng 2023 hanggang July,
15:44yan po yung buwan na paulit po yung ginagawa sa kanya.
15:48Yan po yung six counts na yan.
15:50Pag umaalis po itong magulang na babae,
15:54dito po ginagawa ng ating sospek yung pangahalay.
15:59Naibiyahin na ang sospek sa custodial facility ng Basud Police.
16:03Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek.
16:06Para sa GMA Integrated News,
16:08Sara Hilomen Velasco ng GMA Regional TV ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended