Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is the first lady Lisa Aroneta Marcos.
00:30Sa gitna ng mga aligasyon ni dating Congressman Zaldico laban kay Pangulong Bongbong Marcos, may ibinunyag ang Pangulo.
00:36Hinapitan po kami ng abogado ni Zaldico at nagtatangkang mag-blackmail na kung hindi po namin kakanselihin daw ang passport niya, hindi na raw siya maglalabas ng video.
00:50Nauna nang sinabi ng ombudsman na hihilingin nila ang pagkakanselan ng passportiko.
00:54Kasama siya sa mga sinampahan ng kasong malversation of public funds at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
01:01Kaunay na umano'y substandard of flood control projects sa Nauhan Oriental Mindoro na itinuyang ng kumpanyang SunWest na pag-aari ng pamilya ni Ko.
01:08Pagdidiin ang Pangulo.
01:10I do not negotiate with criminals.
01:13Kahit maglabas ka na ng video ng lahat ng kasinungalingan mo na pag-distabilize sa gobyerno,
01:19gusto kong malaman mo, Zaldi, makakansel pa rin ang passport mo.
01:24Hindi ka na makakatakas sa husisya.
01:26Ang akosasyon maring pinabulaanan ng abugado ni Ko na si Atty. Rui Rondain.
01:31Wala raw siyang nakausap na kahit sino man sa gobyerno para itigil ang mga video kapalit na hindi pagkansela ng passportiko.
01:38Iginiit din ni Rondain na wala siyang kontrol sa paglalabas sa mga video.
01:41Sa panibagong video ni Ko, i-dinawit naman niya sa umano'y maanumalyang importasyon ng mga produktong agrikultural
01:47si First Lady Lisa Araneta Marcos at kapatid ito.
01:50Ipinahinto raw ng First Lady ang investigasyon ng Kamara sa pagmahal ng Sibuyas noong 2022.
01:56Iba pa ang kita mula sa importasyon ng Sibuyas na hawak naman ni Martin Araneta, kapatid ni First Lady Lisa Araneta Marcos.
02:06Pero hindi po natuloy ang investigasyon.
02:09Ang sabi ni Speaker, tinawagan daw siya ni First Lady Lisa Marcos at ipinapatigil ang investigasyon.
02:17Kontrolado ng kapatid ng First Lady ang importasyon ng Sibuyas.
02:22Ganito rin anyang nangyari na iimbestigahan din ng Kamara ang pagmahal ng Bigas.
02:27Habang iniimbestiga nito, bigla na lang itong pinahinto ni Secretary Kiko Laurel Chu
02:32matapos niyang ipakita ang isang confidential report.
02:37Nakasaad dito na sa First Lady Lisa Marcos mismo ang may hawak sa mga rice importers.
02:44Ayon kay Secretary Laurel, maaapektohan daw ang First Lady kung itutuloy ang investigasyon.
02:52Kwento ni Ko na magitan pa si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos
02:57at sinuoy House Speaker Martin Romualdez sa investigasyon.
03:01Napagalitan pa raw ng dating Speaker, Agriculture Secretary, dahil nabiso o manong mga SOP sa mga importasyon.
03:07Dahil inilibas niya ang confidential report na nagdidiin sa First Lady sa issue ng rice smuggling.
03:16Umihingi ng paumanhin si Secretary Laurel Chu at sinabi niyang,
03:21Pasensya na, masyado akong naiv.
03:24Nagreklamo pa si Ko tungkol sa importasyon ng isda dahil ilang kumpanya lang umano ang pinapayagang mag-angkat.
03:29Ang makaunting kumpanya na ito lang ang nabibigyang permit to import.
03:35Dahil dito kontrolado din ang presyo ng isda.
03:39At ito din ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng galunggong.
03:44Hinihinga pa namin ng tugon na mag-inang Liza at Sandro Marcos.
03:47Gayun din si Martin Araneta at si Romualdez, si Chulaurel.
03:50Tinawag na masamang tao si Ko.
03:53Gawagawang paratang daw ito.
03:55Sa pagdinig ng kamara nitong September 2025,
03:58sinabi ng kalihim na si Ko ang namimilit sa kanilang bigyan siya ng import permit.
04:02At ang rami kong tinanggal na listahan dahil maraming kalokohan.
04:07Sa totoo lang, before my time sa importasyon ng isda.
04:11And ayoko nang sabihin kasi mayroon din isang congressman na humingi sa akin
04:16ng maraming allocation na hindi ko pinagbigyan ng isda.
04:23At ang pangalan nun, Saldico.
04:25We were being forced at that time to give him 3,000 containers of fish,
04:30which I did not agree.
04:32Kasunod ng mga serya ng video ni Ko, Tanong ng Palasyo.
04:35Bakit daw inuutay-utay ni Ko ang kanya mga video?
04:38Bakit din daw may nag-iiba sa bawat magsak ng aligasyon?
04:41Mas maganda po siguro natapusin na muna kung siya man po yung nagsasalita ni Saldico
04:49ang kanyang mga mensahe, ang kanyang mga diumanong mga kwento.
04:55Mula video 1, 2, 3, hanggang video 4 and 5,
05:01madaling nag-iba ang kanyang hairstyle.
05:04Kaya tuwing makikita natin at masasabi natin ang mga inconsistencies,
05:09maaaring magbago rin siya ng kwento.
05:12Kabilang si Ko sa walong binansagang kontraktor ng ICI
05:15at pinasasampahan ng patong-patong na kaso ng plunder, graft,
05:19at direct bribery.
05:21Habon pa ng ICI at DPWH kay Ko.
05:23I think we should come here to the Philippines.
05:27Lahat tayo pwede mag-Facebook live.
05:29Lahat, kahit sino pwede mag-Facebook live.
05:32Ang test dyan, uuwi ba siya o hindi?
05:35Kung uuwi siya, then sabi nga ni Pangulo,
05:39pwede tayo magharap-harap.
05:40Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended