00:00Tinututukan ng Commission on Elections ang paghahanda para sa nalalapit na Barm Parliamentary Elections sa susunod na taon.
00:07May report si Tricia Aragon ng PTV Cotabato.
00:13Assalamualaikum, Mapyay Kapipita Rekanu. Magandang araw. Narito na ang PTV Balitang Cotabato.
00:20Sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao, isang panibagong hakbang ang ginawa ng pamhalaang regional matapos aprobahan ang P64M na halagaan ng investments.
00:35Patuloy na pinalalakas ng Bangsa Morotonomous Region in Muslim Mindanao o Barm, ang pagangat ng ekonomiya nito matapos aprobahan ang dalawang bagong pamumuhunan na nagkakahalagaan ng P64M na magbubukas ng P100M.
00:50At 6 na trabaho bago matapos ang susunod na taon. Kabilang sa Greenleaf Investment, ang P50M na logistics projects sa Tawi-Tawi na layong palakasin ang Inter-Island Water Passenger Transport.
01:04Lusot na rin ang P14M na Sharia Compliant Arrangements projects sa Cotabato City na magpapalawak sa micro-taka-full products at magpapalakas ng akses ng Islamic Financial Services.
01:18Ang dalawang bagong pamumuhunan ay dagdag sa 5 bilyong total investments na naitalaan noong October 20, patunay ng lumakas na kumpiyansa na mga mamumuhunan sa pamamalakad ng barm na nakabatay sa transparency, stability at accountability.
01:35Tiniyak ng Bangsamoro Bureau of Investments ang pagpapatuloy ng pag-attract ng high-impact at responsible investment na susuporta sa sustainable development at magbibigay ng mas maraming kabuhayan na nakaayon sa strategic investment priority plan ng barm.
01:53Sa matala sa iba pang balita, sa gitna ng patuloy na pagbabago at pag-unlad ng Bangsamoro Region,
02:00pinaigting pa ng COMELEC ang paghahanda para sa nalalapit na halalan sa pamamagitan ng Resolution No. 11181,
02:09isang makasaysayang hakbang, ang isinusulong upang matiyak ang kaisan, integridad at kahandaan para sa barm polls na itinakda sa March 30, 2026.
02:20Formal ng inilatag ng Commission on Elections ang kompletong kalendaryo at mga patakaraan para sa kauna-unahang regular na parliamentary elections
02:30ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o Barm sa pamamagitan ng Resolution No. 11181.
02:38Gaganapin ng halalan sa March 30, 2026, alinsunod sa utos ng Korte Suprema na maisagawa ito bago matapos ang Marso.
02:47Batay sa resolusyon, itinakda ang filing of certificates of candidacy mula Jan. 5 hanggang Jan. 9, 2026.
02:57Ilalabas naman ang opisyal na listahan ng mga kandidato pagsapit ng February 2, 2026
03:04habang magsisimula ang opisyal na campaign period sa February 12 at magtatapos sa March 28, 2026.
03:12Sisimula ng election period sa Jan. 29 hanggang April 14, 2026 kasabay ng agarang pagpapatupad ng gun ban sa buong Barm.
03:23Ayon sa COMELEC, ang mahigpit na implementasyon ng resolusyon ay mahalaga para matiyak ang maayos, mapayapa at makatarungang halalan
03:33lalo na ito ang unang parliamentary election mula ng maipagpaliba ng botohan noong 2022.
03:40Tinitiyak din ng poll body na sapat ang panahon para ayusin ang automated systems, logistics at deployment ng election personnel.
03:49At yan ang mga balita ngayon dito sa Cotabato.
03:54Ako si Trisha Aragon.
03:55Syukran at magandang araw.
Comments