Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinihinga ng paliwanag ng Commission on Election si Sen. Rodante Marcoleta kung bakit wala siyang dineklarang campaign contributors sa kanyang statements of contributions and expenditures o SOSI.
00:12Si Sen. Chizas Cudero dineklaran ng Comelec na walang nilabag sa batas kaugnay sa campaign contribution mula sa isang kaibigang contractor.
00:19May unang balita si Nico Wahe.
00:21Matapos ang investigasyon sa SOSI o Statements of Contributions and Expenditures noong election 2022, dineklarang ng Comelec, walang nilabag sa batas si Sen. Chizas Cudero at ang kaibigan niyang contractor na si Lorenz Lubiano.
00:38Si Lubiano ay ang presidente ng Center Waste Construction and Development Inc., isa sa top 15 na contractors na pinangalanan ni Pangulong Marcos na nakakuha ng karamihan sa mga flood control projects sa bansa.
00:50Sa SOSI na isinumitin ni Escudero sa Comelec, dineklaran niya ang 30 million pesos na kontribusyon ni Lubiano sa kanyang kampanya.
00:57Ang depensa ni Lubiano, personal na pera niya ang ibinigay sa kampanya ni Escudero.
01:02Sa resolusyon ng Comelec Political Finance and Affairs Department o PFAD, sinabi nitong kahit pa presidente ng Center Waste si Lubiano, hindi siya ang Center Waste.
01:12Base na rin doon sa mga nilabas na desisyon ng Korte Suprema noon,
01:15ang isang korporasyon ay may iba o hiwalay na pagkatao sa mga opisyal o stockholder nito.
01:22Wala rin daw naging ebedensya na nagamit si Lubiano ng Center Waste para mandaya o dayain ang gobyerno.
01:27Iba yung entity na korporasyon, iba yung entity na tao.
01:33Kung baga kahit ako nagtatrabaho sa Comelec, may sarili akong pera.
01:38Yung Comelec may sarili siyang ano.
01:41Unless ginamit po ng, it will work this way, kung ginamit ng Center Waste si Mr. Lubiano para makapag-donate.
01:50So basically, if it's a board, wala naman naghanap sila ng ebidensya noon.
01:57Like a board resolution, allocating 30 million pesos to donate to ganito.
02:03Wala po.
02:05Wala eh.
02:06Sabi pa ng Comelec, si Lubiano raw bilang tao ay walang record na kontraktor ng gobyerno.
02:10Ang nag-contribute po as declared by Sen. Escudero ay Mr. Lubiano.
02:19So si Mr. Lubiano po, doon na rin sa certification ng DPWH ay hindi kontraktor ng gobyerno on his own.
02:29Wala rin daw ebidensya na ang kinontribute ni Lubiano ay galing sa Center Waste.
02:33Sabi ng Comelec, wala rin daw silang nakitang sumobra ang gastos ni Escudero noong 2022 elections.
02:38Nag-inhibit si Comelec Chairman Erwin Garcia sa investigasyong ito dahil minsan siyang naging election lawyer ni Escudero.
02:46Sa kabila ng pag-clear ng PFAD, may nakabinbin pang kaso kay Escudero na isinampan ng mga grupo ng abogado at ilang individual nito lang buwan.
02:53Iba pa raw ang investigasyon na ito base sa magiging ebidensya.
02:57Ayon naman kay Escudero, pinagtibay ng desisyon ng Comelec ang matagal na raw nilang ginagawa
03:01na mahalagang transparency, honesty at pagsunod sa alituntunin.
03:06Mananaig daw ang katotohanan kapag tama ang proseso.
03:10Naglabas naman ng show cost order ang Comelec kay Sen. Rodante Marcoleta.
03:14Kaugna ito nang pagdideklara niya sa kanyang sose na zero ang kanyang natanggap na campaign contributions,
03:19samantalang mahigit 112 million pesos ang kanyang expenditures.
03:23Sinabi noon ni Marcoleta sa isang panayam na ito'y dahil humiling ng privacy ang kanyang mga campaign donors.
03:29Kinukumpara rin ng Comelec ang mga nagasos ni Marcoleta nung eleksyon sa kanyang sali nitong Hunyo na nasa halos 52 million pesos.
03:37Nagsabi na si Comelec Chairman Garcia na mag-iinhibit siya sa deliberasyon kay Marcoleta
03:41dahil nagkaroon daw sila ng professional relationship noon ng Senador.
03:45Ito ang unang balita ni Kuahe para sa GMA Integrated News.
03:49Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:53Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended