00:19Sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Bangsa Marotonomous Region in Muslim Mindanao,
00:24isang panibagong hakbang ang ginawa ng pamhalaang regional matapos aprobahan ang P64M na halagaan ng investments.
00:34Patuloy na pinalalakas ng Bangsa Marotonomous Region in Muslim Mindanao o BARM,
00:38ang pag-angat ng ekonomiya nito matapos aprobahan ang dalawang bagong pamumuhunan na nagkakahalagaan ng P64M na magbubukas ng 106 na trabaho bago matapos ang susunod na taon.
00:52Kabilang sa Greenleaf Investment, ang P50M na logistics projects sa tawi-tawi na layong palakasi ng inter-island water passenger transport.
01:03Lusot na rin ang P14M na Sharia Compliant Arrangements projects sa Cotabato City na magpapalawak sa micro-taka-full products at magpapalakas ng akses ng Islamic Financial Services.
01:16Ang dalawang bagong pamumuhunan ay dagdag sa 5 bilyong total investments na naitalaan noong October 20,
01:24patunay ng lumakas na kumpiyansa na mga mamumuhunan sa pamamalakad ng BARM na nakabatay sa transparency, stability at accountability.
01:33Tiniyak ng Bangsamoro Bureau of Investments ang pagpapatuloy ng pag-attract ng high-impact at responsible investment na susuporta sa sustainable development at magbibigay ng mas maraming kabuhayan na nakaayon sa strategic investment priority plan ng BARM.
01:51Sa matala sa iba pang balita, sa gitna ng patuloy na pagbabago at pag-unlad ng Bangsamoro Region,
01:58pinaigting pa ng COMELEC ang paghahanda para sa nalalapit na halalan sa pamamagitan ng Resolution No. 11181,
02:07isang makasaysayang hakbang, ang isinusulong upang matiyak ang kaiusan, integridad at kahandaan para sa BARM polls na itinakda sa March 30, 2026.
02:18Formal ng inilatag ng Commission on Elections ang kompletong kalendaryo at mga patakaraan para sa kauna-unahang regular na parliamentary elections
02:28ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM sa pamamagitan ng Resolution No. 11181.
02:36Gaganapin ng halalan sa March 30, 2026 alinsunod sa utos ng Korte Suprema na maisagawa ito bago matapos ang Marso.
02:46Batay sa Resolution, itinakda ang Filing of Certificates of Candidacy mula January 5 hanggang January 9, 2026.
02:55Ilalabas naman ang opisyal na listahan ng mga kandidato pagsapit ng February 2, 2026
03:02habang magsisimula ang opisyal na campaign period sa February 12 at magtatapos sa March 28, 2026.
03:10Sisimula ng election period sa January 29 hanggang April 14, 2026 kasabay ng agarang pagpapatupad ng gun ban sa buong BARM.
03:22Ayon sa COMELEC, ang mahigpit na implementasyon ng resolusyon ay mahalaga para matiyak ang maayos, mapayapa at makatarungang halalan
03:31lalo na't ito ang unang parliamentary election mula ng maipagpaliba ng botohan noong 2022.
03:39Tinitiyak din ng poll body na sapat ang panahon para ayusin ang automated systems, logistics at deployment ng election personnel.
03:48At yan ang mga balita ngayon dito sa Kota Bato.
03:52Ako si Trisha Aragon, syukran at magandang araw!
Be the first to comment