Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pullicam sa Maynila, isang binatilyo ang patay matapos magulungan ang truck sa Mel Lopez Boulevard.
00:07Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:11Pumarada sa gilid ng kalsada ang trailer truck na yan sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila kahapon.
00:17Bumaba ang pahinante ng truck at sumampas sa likuran nito para mag-refill ng tubig sa radiator.
00:22Sa kuha namang yan, may kita ang apat na kabataan na tumatawid sa kalsada.
00:26Tila naglalaro rin sila sa gilid ng truck, habang ang pahinante naman pumasok na sa loob ng truck.
00:32Maya-maya, biglang umandar ang trailer truck at nagulungan ang isa sa mga kabataan.
00:38Dead on the spot ang 13-anyos na lalaking biktima.
00:41Ayon sa barangay, agad silang tumawag ng tulong para maiangat ang biktima pero inabot daw ng tatlong oras bago nakuha ang kanyang katawan.
00:48Siguro sir, mga alas 5, dumating na po yung purinarya dyan sa road till.
00:54Yung bata galing ng aroma, yung apat, naghaharutan talaga sila.
00:59Bali, naiwan kasi yung isa doon sa ilalim, parang umupo eh.
01:04Tapos pag upo niya, biglang umandar yung ano.
01:06Ginamitan daw ng jack and truck para maiangat ang katawan ng biktima.
01:10Sabi ng barangay, bawal pumarada sa gilid ng Melo Lopez Boulevard pero may ilang hindi sumusunod.
01:15Sa investigasyon na Manila District Traffic Enforcement Unit ng MPD,
01:19nagkaroon ng problema sa makinang truck kaya kinailangan nilang huminto sa kalsada at maglagay ng tubig sa radiator.
01:25Hawak na mga otoridad ang driver ng truck habang isinasaguhang investigasyon.
01:29Sinusubukan pa namin siya makuha na ng pahayag, kaya din ang pamilya ng biktima.
01:32Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended