00:00Pinailawa na isang higanteng Christmas tree sa Dortmund, Germany.
00:04May taas siya na 45 meters.
00:06At ayon sa lokal na pamahalaan doon, ito ang world's tallest Christmas tree.
00:10Yari ito sa 1,200 na mga punong pinagpatong-patong.
00:14Pinalibutan na higanteng Christmas tree ng kumukutikutitap na 138,000 LED lights.
00:20May dalawang angel decoration ang mega Christmas tree sa tuktok at sa bandang gitna.
00:26Sa Amerika naman, nasilayan na muli ng publiko ang sikat na New Year's Eve Constellation Ball sa Times Square, New York.
00:34Inabot ang siyem na taon ng pag-redesign o pagpapaganda sa disenyo nito.
00:38Pinakamalaki raw ito sa lahat na naging Constellation Ball at mas advanced ang lighting at motion system.
00:45May interactive audio feature na rin kaya nagbabago-bago ang pattern batay sa mga ingay sa paligid.
00:52Ibinabagsak ang Constellation Ball tuwing New Year's Eve kasabay.
00:56ng pagpapalit ng taon.