Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00I-minumungkahin ang Department of Education na gawing trimestral system ang school calendar sa mga pampublikong eskwelahan.
00:07Approve naman kaya ito sa mga estudyante at magulang?
00:11Alamin sa live na una balita, Bea Pinlak.
00:15Bea, approve ba?
00:20I-van, pabor ang ilang magulang at mag-aaral na nakausap natin dito sa Maynila sa panukalan ng DepEd na
00:27magpatupad ng trimestral system sa mga pampublikong paaralan.
00:36Simula pa lang ang fourth quarter sa paaralan ng grade 6 student na si Crystaline.
00:40Pero sa dami ng ginagawa niya sa academics at extracurricular activities,
00:44ngayon pa lang, kinakapos na raw siya sa pahinga.
00:48Medyo na-stress din po kasi po.
00:51Fourth quarter po, medyo lang, minsan-minsan lang po merong pahinga.
00:55Tsaka po, pinagsasabay po yung mga sport namin tsaka mga activities po sa isang araw.
01:01Kaya po pagod na pagod po kami.
01:03Kaya kung si Crystaline ang tatanungin,
01:06okay sa kanya ang plano ng DepEd na magpatupad ng trimestral system sa mga pampublikong paaralan
01:11simula sa susunod na school year.
01:13Sa plano ng DepEd, wala raw mababago sa petsa ng pasok sa mga paaralan.
01:18201 school days pa rin mula Hunyo hanggang Marso.
01:22Hahatiin lang ito sa tatlong bahagi base sa panukalan ng DepEd.
01:26Sinapansin namin, parang ang daming ginagawa sa short period of time
01:30and walang oras parang nagko-compete yung mga activities nila.
01:34So dun sa trimester, meron tayong oras para sa lahat mga activities nila.
01:38And meaning, there's an opening time.
01:41Each trimester will be about 50 to 61 days.
01:44Wala raw babaguhin sa curriculum at subjects.
01:47Pero babawasan daw ang mga aktibidad na umaagaw sa aktual na pagtuturo ng leksyon
01:51na ayon sa pinakahuling Edcom Review,
01:54ay tulad ng pagdalo sa National Schools Press Conference,
01:57Palarong Pambansa,
01:58at National Festival of Talents.
02:01Tapos iiwasan na natin yung masyadong magpaparticipate sa mga...
02:05During that time, dapat ang focus talaga is academic.
02:08Overburden yung teachers, there's too many activities,
02:10there's too many missed days,
02:12too many overlapping activities during the school year.
02:14Sabi ng DepEd na konsulta na nila ang iba't ibang stakeholder tungkol dito.
02:19Approved din sa plano ng DepEd ang ilang magulang na nakausap namin.
02:22Siyempre pabor kami, magulang kung ano rin yun, iiwas sa pagod.
02:29Siyempre pagod, fourth quarter na kasi.
02:32Matutukan talaga ng mga guro yung mga bata.
02:35At kung mababawasan man po yung mga ibang gawain ng bata,
02:41kagaya ng mga ibang extracurricular activities,
02:43more on academics sila ngayon.
02:46May pangamba naman ang ilan sa planong bawasan ang activities ng mga bata
02:50na labas sa academics.
02:51May mga aral din daw kasi na hindi na ituturo sa loob ng classroom.
02:56May mga talents po sila na hindi na ituturo sa academics.
02:59So, yun din po yung cons nun kung mabawasan nila.
03:06Ivan, sabi ng mga magulang na nakausap natin,
03:09pabor sila sa plano pero dapat daw tutukan ng DepEd
03:12ang maayos na implementasyon nito sa lahat ng pampublikong paaralan.
03:16Yan ang unang balita mula rito sa Maynila.
03:18Bay up in luck para sa GMA Integrated News.
03:22Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:25Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended