Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagpasok ng Desyembre, plano ipatupad ng Department of Agriculture ang maximum suggested retail price sa sibuyas at karots.
00:14Ngayon palang umaalma na ang ilang nagtitinda ng gulay. May unang balita live si Jommer Apresto. Jommer?
00:20Susan, good morning. Malayo rao sa katotohanan na maibaba sa P120 ang kada kilo ng lokal na Pulang Sibuyas at Aputing Sibuyas sa darating na Desyembre.
00:34Ayon yan sa ilang tindera ng gulay dito sa Trabaho Market sa Sampaloc, Maynila.
00:38Wala na rao kasing makuha na supply ng lokal na Puting Sibuyas habang nasa P300 na ang lokal na Pulang Sibuyas.
00:44Pumalo na sa P300 per kilo ang bentahan ng lokal na Pulang Sibuyas sa Trabaho Market sa Sampaloc, Maynila.
00:56Mas mataas yan ng P6 kumpara sa price monitoring ng Department of Agriculture na nasa P294 na ang kilo.
01:03Ayon sa tinderang si Aling Florentina, dahil yan sa epekto ng nagdaang bagyong uwan.
01:08Nasa P180 lang noon ang bentahan nito bago tumama ang bagyo.
01:12Sa Puting Sibuyas, mahigit isang buwan na rao silang walang mahanap na supply sa kanilang pinagaangkatan sa Divisoria.
01:18Sabi ng DA, target nilang ipatupan sa Desyembre ang P120 na maximum suggested retail price sa presyo ng Sibuyas at Carots.
01:26Kakayani naman daw yan kung imported na Carots at Sibuyas ang usapan dahil ganyan na ang presyo ng mga ito sa ngayon.
01:32Pero kung lokal na Sibuyas ang usapan, malabo raw ito.
01:36Wala, hindi po kaya yan. Kasi sabi po yung mga ano namin, wala na rin stock. Puro imported na yung asa bodega.
01:48Ang tindera namang si Aling Doherty, puro imported na Sibuyas at Carots na ang paninda dahil mataas na raw masyado ang puhunan o di kayo wala ng supply ng lokal sa Balintawak Market.
01:57Nasa P120 ang benta niya sa imported na pula at puting Sibuyas. Malayo yan sa monitoring ng DA na nasa P260 kada kilo.
02:06Nasa P100 naman ang benta niya sa kada kilo ng imported na Carots. Mas mababa ng halos P50 kumpara sa price monitoring ng DA.
02:13Hindi nabibili yun pag mataas na. Mahirap ibenta. Papapaaway ka pa nga. Mga namang magtinda, sasabi sa'yo.
02:24Sabi pa ng mga tindera ng gulay rito, kung may dapat pababain sa presyo ay ang presyo dapat ng siling labuyo na sumipa na sa P400 pesos ang kilo.
02:33Base naman sa price monitoring ng DA, nasa P518 pesos na ang kilo nito.
02:42Susan, umaasa naman ang mga tindero na bago ang Pasko e bababa na ang presyo, hindi lang ng Sibuyas at Carots kundi pati na rin ang iba pang gulay.
02:50At live mula dito sa Sampalok, Maynila, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:56Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended