00:00Mga kapuso, isang buwan na lang, Pasko na, kaya kaliwat-kanan na ang Christmas display,
00:06hindi na po sa Pilipinas, kundi maging sa iba pang panig ng mundo.
00:10Ating saksihan.
00:15Hindi lang mga bulaklak at halaman, kundi isang katutak na Christmas lights ang palamuti.
00:21Sa Harding ito, sa Kalasyao, Pangasinan, may Korean fields pa,
00:25dahil sa mga lantoy ang nakasabit sa mga puno.
00:28So, 2021, nagbuksan ng mga may-ari ng Harding ang kanilang bakuran sa publiko.
00:34Libre ang pagbisita.
00:36Yung Christmas garden na ito is, it began many years ago.
00:42So, it was original my grandmother's yung, siya yung may alam nito talaga.
00:48She loves decorating and always loves spreading happiness.
00:53Ang ibang bisita, dumayo pa mula sa ibang bahagi ng Pangasinan.
00:57Napapa-wow po. Wow po sa ganda.
01:00Opo. Kasi po, hindi po namin in-expect na ganito po yung madano namin.
01:05Habang papalapit ang Disyembre, parami na ng parami ang mga Christmas lighting at display hindi lang sa Pilipinas.
01:12Kundi maging sa ibang bahagi ng mundo.
01:17Gaya sa Lisbon, Portugal.
01:21Paris, France.
01:25Barcelona, Spain.
01:27At London, UK.
01:29Sa Dortmund, Germany, ipinagmamalaki ang kanilang higanteng Christmas tree na 45 meters ang taas.
01:41Gawa raw ito sa 1,200 red spruce trees, may bigat na 40 tons at pinailawan ng mahigit 138,000 lead lights.
01:51Ang anghel sa toktok nito, may taas na apat na metro.
01:56Ayon sa kanilang lokal na pamahalaan, ito na ang pinakamataas na Christmas tree na gawa sa mga totoong puno.
02:03Bagamat wala pang nagkukumpirmang organisasyon kung nakamit ang kanilang giant Christmas tree ng bagong world record.
02:10Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
02:18Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:21Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.