- 4 minutes ago
Panayam kay Executive director, juvenile justice and welfare council ukol sa mandato at mga programa ng juvenile justice system or welfare council
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Samantala, mandato at mga programa ng Juvenile Justice System o Ang Welfare Council
00:05ang ating alamin kasama si Atty. Tisha Claire Oko, Executive Director ng Juvenile Justice and Welfare Council.
00:12Atty. Tisha, magandang tanghali po at welcome dito sa Bago Pilipinas.
00:15Magandang tanghali, Asik Weng, and magandang tanghali, Asik Chewie. Nice meeting you po.
00:21Atty. Una po sa lahat, pakipaliwanag nga po sa ating mga kababayan kung ano ba itong Juvenile Justice and Welfare Council.
00:27Ano po ang pangunahing mandato nito?
00:31Okay, so ang Juvenile Justice and Welfare Council ay isang government agency, isa itong council na attached sa DSWD.
00:40At ang pangunahing mandato talaga nito ay masiguro na yung Juvenile Justice and Welfare Act natin ay napapatupad ng maayos.
00:49At ang layunin ng Juvenile Justice and Welfare Act na yun, bakit gusto natin siyang mapatupad ng maayos,
00:54ay para, una, protection sa mga batang nagkaroon ng suliranin sa batas, protection din sa mga child at risk,
01:01at yung mga biktima ay nakukuha nila yung justice na kailangan nila dahil sila ay nahurt nung mga bata.
01:09Sa mga nabanggit niyong situation attorney, saang aspeto pumapasok yung assistance po ng inyong ahensya para matulungan yung mga batang ito?
01:21Pwede po ba kayong magbigay ng case halimbawa na banggit niyo, pwede yung na-abuse o yung may run-in sa batas,
01:27pero Juvenile, pwede po kayong magbigay ng halimbawa para lalong mas maunawaan ng ating mga kababayan ang inyong mandato.
01:34So dalawa yung ano namin, dalawa yung approaches na ginagawa namin.
01:39Ang pinakauna at pinaka-main talaga ay tinutulungan namin yung mga implementing agencies natin na nangangasiwa doon sa kaso ng bata.
01:49So kasama dyan ang local government units, kung paano nila i-handle yung bata.
01:54Kasama din dyan ang social welfare officers natin, ang mga kapulisan.
01:59Pag halimbawa sila ay nanguhuli ng bata dahil ang mga bata naman ay pag nagkasala, pwede talagang hulihin.
02:05O kaya pag nilalagay sila sa bahay pag-asa, so tinitrain namin sila.
02:09Minsan sa bahay pag-asa naman, kung saan nilalagay yung mga bata, kung sila ay kailangang i-institutionalize.
02:15Tinutulungan din natin yan through training din at minsan nagbibigay kami ng mga suporta.
02:21At ito, hindi namin masyadong ginagawa dahil hindi kami direct service provider.
02:26Pero may ilang mga kaso, lalong-lalo na yung mga seryoso o very unusual,
02:31na tinutulungan din namin mismo yung mga bata at mga biktima para talagang makuha yung justice habang protectado yung biktima.
02:38So, attorney, ano po yung pinakahuling datos ng JJWC tungkol sa bilang ng mga children in conflict with the law sa bansa?
02:45At ano po yung nakikita yung trend ngayong taon?
02:47Kasi, syempre, mga bata po yan. Wala po bang intervention din para sa mga magulang ng mga batang ito?
02:53Oo, definitely. Tingnan natin yung datos.
02:55Kasi tinignan namin yung whole trend ng 10 years.
02:58Nag-start kami noong 2016 up to 2025.
03:00Ang nakikita natin, medyo pababa na yung trend talaga ng crime, reported crimes related to children or kung saan involved yung mga bata.
03:11Noong 2016, halimbawa, lumampas talaga ng 20,000 yung bilang.
03:16I think 24,000 if I'm not mistaken.
03:18Pinakamataas noong 2017, it was 26,000 plus.
03:23Noong 2024, naging 4,000 plus na lang.
03:25Ngayon, medyo tumaas ng bahagya, naging 5,000, pero hopefully hindi na siya tumaas.
03:32So, ang laki nung ibinaba niya since a decade ago hanggang ngayon,
03:36na doon mo makikita na kung talagang maayos yung mga programang binibigay,
03:40ay may impact siya doon sa involvement ng bata or non-involvement sa mga crimes.
03:48Pwede po sa mga magulang din.
03:49Ayun naman sa mga magulang, dapat meron tayong programa dyan.
03:53Yung unang-una, binibigan namin.
03:56Halimbawa, kasama natin ang DSWD dito dahil sila yung chairperson namin.
04:01Meron silang mga programs yung tinatawag na Parent Effectiveness Seminar
04:04para marunong silang mag-handle ng bata.
04:07Lahat tayo, pag meron tayong gagawin, halimbawa mag-drive o etc.,
04:11kailangan may lisensya.
04:12Pero bilang isang magulang, wala naman tayong lisensya sa ganun.
04:15So, dapat meron tayong training sa kanila bago sila mag-alaga ng bata.
04:19Doon palang prevention level na yun.
04:20Eh, paano kung nagkasala yung bata, kailangan din natin suportahan yung family
04:25para pag binibigan natin yung programs yung bata,
04:28pagbalik niya doon sa community at sa kanyang pamilya,
04:30ay maayos din yung babalikan niya.
04:33So, yun yung mga binibigan.
04:34Isa doon actually, livelihood.
04:35Kailangan bigyan sila ng livelihood.
04:37Kasi yung ibang mga bata, kaya sila nagkukumit ng crime
04:40dahil hindi sila pinag-aaral.
04:42Nandun sila sa streets, they keep begging.
04:44So, talagang at risk sila of coming into conflict with the law.
04:47Kung binigyan natin ng maayos na trabaho or livelihood yung magulang,
04:51yung mga bata, may reason sila to go to school
04:53kaya hindi sila ang pinagpapatrabaho.
04:55Oo.
04:55Ito meron lang ako isisingit.
04:57Katulad noong September 21 na rally,
04:58maraming mga bata na nahuli doon.
05:0190.
05:01So, yeah.
05:02And paano po kaya yung mga ganong, paano pong ginawa ninyo sa...
05:06Ah, okay.
05:07Ang ano rito, ang talagang naging frontliners natin dito,
05:10salamat naman na trained na mga police
05:12kung paano nila iaasikaso yung mga bata,
05:15yung ating mga prosecutors.
05:17I think 45 up doon ay 15 years old and above.
05:21Pwede sila actually ang kasuhan.
05:23Pero pinili lang natin yung mga pwedeng kasuhan.
05:25Yung iba din ay vert na dahil hindi naman masyadong malaki yung kasalanan nila.
05:29Pero yung iba ay talagang kinikase manage natin
05:32para tingnan bakit ba sila nandoon?
05:34Bakit lahat sila nakaitim?
05:36Bakit sila?
05:36Sino yung nag-influencia sa kanila?
05:38So, titignan natin yung cause doon.
05:40At nagtutulungan po ang iba-ibang ahensya dito.
05:44Doon naman sa the rest na below 15,
05:46may as young as 9 years old.
05:48Nagkikase management din po tayo.
05:50Diyan tinitingnan yung background ng mga pamilya nila.
05:53Pwede ba silang ibalik doon?
05:55Yung iba hindi agad na ibalik eh.
05:56Kasi tinignan kung worth it bang mabalik silang agad sa community nila.
06:00At niready po yung community, pati yung pamilya bago silang binalik.
06:03Anggat maaari, attorney, di ba ayaw natin na makulong yung children in conflict with the law.
06:11So, ano po itong tinatawag na diversion program?
06:14At paano po itong pinakatupad?
06:16So, yung diversion program para yun sa mga bata na pwedeng kasuhan.
06:20So, pag ang bata ay pwedeng kasuhan, which means above 15 siya,
06:24tignan mo ngayon yung ano ba yung krimen na nakumit niya?
06:26So, kung hindi naman ganun kataas, at hindi ganun kaseryoso, at hindi siya pa ulit-ulit, okay?
06:33Qualified siyang ma-divert, pwede siyang i-divert, at hindi pa ulit-ulit niyang ginagawa.
06:37So, appropriate sa kanyang diversion, i-divert siya.
06:40Which means, imbes na filan siya ng kaso, magkakaroon na lang ng committee,
06:45na magkakaroon sila doon ng parang usap-usap at kontrata kung ano yung pwede niyang gawin
06:50to repair the harm, to say sorry, and also to undergo the program.
06:54Bakit sila lang yung pwedeng i-divert?
06:56Kasi pag-veniolate nila yung diversion contract nila,
07:00tsaka yung mga condition doon, pwede na silang kasuhan.
07:04So, ano naman ang gagawin natin doon sa mga below 50 na hindi pwedeng kasuhan?
07:07Hindi diversion yung tawag sa kanila, ang tawag doon intervention.
07:11So, kung may nakumit silang mga crimes, whether serious yan or hindi,
07:15required silang mag-intervention.
07:17Pwedeng community or kukunin sila ng estado, ilalagay sila sa institutions,
07:21tatanggalin yung parental authority ng parents at doon sila mag-a-undergo ng program.
07:27Kung sila ay nasa community, nag-undergo sila ng program,
07:31hindi successful, permanently kukunin ng estado yung parental authority.
07:35So, wala na yung bata sa kanila at pwede na silang i-up for adoption.
07:40Pero kung sila naman ay naging success, tulong-tulungan naman yan,
07:44hindi lang yung bata kundi pati magulang,
07:46ibabalik sila doon.
07:47So, pwede ipa-adapt yun without the consent of the parents?
07:50Kung nakitang nininiglek sila ng magulang nila,
07:53tatanggalin ng korte yung kanilang parental authority.
07:56So, ma'am, nabanggit niyo yung tungkol sa pagdadala sa kanila sa institutions.
08:00So, maraming isyo tungkol sa pasilidad ng bahay pag-asa.
08:04Ano po yung updates sa monitoring at pagpapahusay ng mga ito
08:08para talagang lalabas yung mga bata na...
08:11Oo, na maayos.
08:12Kung sa akin, yung bagong buhay pa yun.
08:13Oo, kasi dapat, ano tayo dyan, trained sila doon.
08:16So, ang ginagawa naman natin dyan, patuloy ang monitoring natin.
08:19We have 118 bahay pag-asa in the country.
08:22Medyo kulang pa kasi ang isang bahay pag-asa,
08:24ang average na natatanggap niyan between 10 to, ano lang eh, 10 to 50.
08:29So, hindi lahat ng bahay pag-asa ay napakalaki.
08:31So, ang ginagawa natin, tinutulungan natin yung bahay pag-asa para ma-accredit sila ng DSWD
08:36at up to standards yung kanilang mga programa doon
08:39at kung paano nila tratuhin yung mga bata.
08:42At dapat trained yung mga nagkahanle ng kaso nila.
08:45Dahil nga, ito ay mga bata na galing sa dysfunctional situation
08:49na kailangang bigyan natin, aayusin natin at bigyan ng another chance.
08:53Kanina doon sa kaso na bringing up ni Asik Weng, attorney, yung September 21,
08:59nabanggit nyo maayos yung pag-handle ng polis doon sa mga nasangkot.
09:02Maayos, o kasi trained sila.
09:04Pero ano kadalasan yung mga hamon o challenges na kinahaharap ng JJWC
09:09with the PNP or the LGU in handling cases involving my arrest?
09:15O, o, o.
09:16Kahit sama-sama po kami dyan sa mga challenges namin.
09:18Yung una, at ito ay nire-request naman sa amin ng mga polis,
09:21gusto nilang matrain kasi ayaw nila na meron silang nababiolate na right.
09:27O, o, very conscious sila doon.
09:29Kaya lang, maliit lang din yung organisasyon namin.
09:32So, hindi namin kayang nationwide ititrain silang lahat.
09:36Pero we try our best.
09:37Nagkakaroon kami ng agreement with the PNP to train them.
09:41Ganun din sa local government units natin.
09:44Humihingi din sila ng training.
09:45We have more than 42,000 local government units,
09:48but we also help them with the capacity building.
09:51Ang isa ring challenge natin, of course, it's everybody's problem, kulang ang resources.
09:58So, ang ginagawa natin pag nakikipag-capacity building tayo,
10:01ano, paano natin i-maximize kung ano yung available resources natin
10:05para talagang maayos yung handling natin ng bata.
10:08So, Jan, sa nabanggit niyo po, paano naman po tinitiyak na nasusunod yung handling at saka yung karapatan ng mga bata
10:14mula sa oras na sila ay mahuli hanggang sa proseso ng kanilang kaso?
10:18Ano po yung role ng inyong opisina po?
10:22Una, policymaking.
10:23So, gumagawa kami ng policy para guided sila.
10:26Ito yung mga step-by-step na gagawin nyo.
10:28Pag halimbawa may nakita kayong bata na nag-commit ng crime dyan,
10:33sinasabi talaga namin sa pulis,
10:35huwag nyo lang tingnan.
10:36Dahil bata siya, hindi ibig sabihin na wala kayong gagawin.
10:39Pwede nyo kasi silang talagang arrestohin.
10:42Of course, ang ano natin dyan, ang term hindi arresto, kundi rescued.
10:46So, pwede nyo pong rescuhin.
10:47Pero pag ni-rescue nyo sila,
10:49huwag nyo namang walang violence,
10:52gender and child sensitive.
10:54At pag dinala nyo sila sa pulis,
10:56dapat hanggang 8 hours lang tawagan nyo agad yung magulang,
10:59yung social worker, yung abogado.
11:01So, meron talaga tayong mga protocols na tinitrain namin sila doon.
11:05At minomonitor namin yung kanilang pag-implement.
11:09Example lang yun sa pulis,
11:10dahil marami naman tayong ahensyang minomonitor.
11:13Tapos, pag may nakikita kaming gap,
11:15nakikipag-meet kami sa kanila
11:16o nagsasummit kami ng report
11:18para sabihin na ito yung mga recommendations namin
11:20para maayos na.
11:21At very open naman po sila doon.
11:24Very strong partner natin sila.
11:26Bilang executive director ng JJWC, ma'am,
11:30at bilang isang abogado,
11:32meron ba kayong gustong amyendahan
11:34doon sa juvenile justice welfare act?
11:38At kung meron, anong provision kaya?
11:40Well, ngayon, sa totoo lang,
11:42hindi naman perfect yung batas.
11:44Pero ang talagang pinupush namin ngayon
11:46is yung full and effective implementation of the law
11:51bago natin amyendahan.
11:52So, so far ngayon, parang gusto lang namin,
11:55ipatupad muna natin ng maayos.
11:56Pag nakita natin kahit gaano kaayos ang patupad,
11:59ano pa rin, ang daming gaps,
12:00that's the time we think of amending it.
12:03Para ano siya, data-driven siya at evidence base.
12:06Attorney, kanina na-mention ninyo,
12:08intervention ninyo para sa mga magulang.
12:09So, paglabas nitong mga bata,
12:11paano naman po ninyo na momonitor,
12:13matitiyak na hindi na babalik
12:15sa ganong gawain yung mga bata?
12:17Kasi nung nag-cover pa kami,
12:18maraming mga bata yung ginagamit,
12:20sila yung, sa mga magnanakaw,
12:21sila yung inilulusot doon sa mga maliit na bintana.
12:23Kasi maliit sila.
12:24Opo. So, paano po kaya yung ginagawa ninyo
12:26para hindi na sila matem
12:28na bumalik sa ganong klasit.
12:29Magandang tanong yan, Asik Tuweng.
12:31Ang, ano kasi,
12:32ang devolved na kasi yung ating, ano,
12:34yung ating requirements sa JJ WA,
12:37ang talagang frontline dito
12:39ay ating mga local government units.
12:41So, ang isa sa requirements sa kanila
12:43ay yung aftercare program nila
12:46na pagbalik ng bata,
12:48dapat within six months,
12:50sisiguraduhin na maayos siya
12:51at minomonitor siya.
12:53Sa gayon, hindi siya babalik doon sa dati.
12:55So, ang ginagawa namin,
12:56dahil hindi namin directly namomonitor yung bata,
12:59humihingi kami sa kanila ng mga data,
13:01statistics, at tinutuluan namin sila.
13:03Tinutulungan namin,
13:04hindi tinutuluan.
13:05Tinutulungan namin sila
13:06kung paano mag-establish ng program
13:08para doon sa reintegration
13:10at saka rehabilitation, reintegration,
13:13at saka aftercare programs.
13:14Ayan, nabanggit niyo yung aftercare.
13:17Dapat, attorney, yung next question
13:18kasi is tungkol sa rehabilitation
13:20and reintegration.
13:22Pero sa aftercare,
13:24meron po bang
13:24hindi nakaka-adjust
13:27sa pagbabalik sa lipunan?
13:29At kung meron man silang struggle,
13:31ano po ang additional intervention
13:33ng JJWC kung meron?
13:36Meron din naman.
13:38Although,
13:38ang napansin natin,
13:40pagdating sa bata,
13:42sila yung mas less
13:43na nag-uulit.
13:44Parang,
13:44pag once na
13:45nabigyan sila
13:46ng maayos na rehabilitation,
13:47nag-e-end
13:48agad yung kanilang
13:49criminal career,
13:51as opposed to
13:52yung mga youth
13:53na between 18 to 21,
13:55sila talaga yung
13:56mas pro na nag-uulit.
13:58Pero meron din talaga
13:59yung studies nyan
14:00sa abroad,
14:01sa ibang bansa,
14:02na ganun daw talaga.
14:03Kaya talagang
14:04ang nire-recommend,
14:05dapat pag mas bata,
14:06mas bigyan nyo
14:07agad ng intervention,
14:09sabi sa atin
14:09sa mga bansa,
14:10dahil mas preventive
14:11yung approach.
14:12So,
14:12doon naman sa
14:13nakikita natin
14:14nagre-repeat often,
14:16medyo mas harsh na
14:16yung ating approach.
14:19Kasi halimbawa,
14:20kung ang bata
14:20ay nag-repeat offend,
14:22a second time
14:23or oftener,
14:24kahit na hindi nga
14:25seryoso,
14:26hindi na siya
14:27pwedeng usually
14:28mag-diversion.
14:29Parang minsan,
14:30ano na,
14:31aatras na sa diversion,
14:32so kakasuhan na siya
14:33agad.
14:34Tapos,
14:34pag kunyari,
14:35nasuspend yung
14:36sentence niya
14:36dun sa una,
14:38sa susunod niyang
14:39kaso,
14:39at nakita siyang guilty,
14:41wala nang suspended
14:42sentence.
14:42So, pagdating niya
14:43ng 18,
14:43makukulong na siya.
14:45So, medyo,
14:46ano na,
14:46pero,
14:46ang sinasabi pa rin namin,
14:49bigyan pa rin sila
14:50ng chance
14:50kasi baka naman,
14:51hindi lang maayos
14:52yung pag,
14:53hindi lang naging
14:54responsive yung
14:55program nila.
14:56Pero medyo,
14:57ano na,
14:57harsh na yung batas
14:58pag, ano pa,
15:00paulit-ulit.
15:01So, attorney,
15:02kumusta naman po
15:02yung koordinasyon
15:03ng JJWC sa DepEd
15:05at DSWD
15:06pagdating sa edukasyon
15:07at saka
15:07psychological support
15:08ng mga kabataan?
15:09Kasi,
15:10tabanggit ninyo
15:10kung sabi ninyo
15:11na paulit-ulit
15:13ninyo ang ginagawa
15:13yung pagdating ng 18,
15:14kakasuhan na talaga siya,
15:15matakulong na.
15:16So,
15:17dun sa pagitan ng period
15:18na yun,
15:19ano po yung ginagawa?
15:21Very strong naman
15:22ang, ano natin,
15:23partnership with DepEd
15:25at saka DSWD
15:26dahil ang DSWD
15:27siya po yung chair natin
15:28as a queng.
15:29Si DepEd naman,
15:30member siya ng JJWC.
15:32So,
15:32ang isa sa mga talagang
15:34programs na tinutulong nila,
15:35lalo na sa mga batang
15:36na institutionalized,
15:38actually,
15:38there are children
15:39deprived of liberty,
15:40ayaw lang nating tawaging
15:41nakakulong,
15:42pero nilagay sila
15:43sa institution,
15:44wala silang freedom.
15:45Yung ALS natin,
15:47nagtumutulong si DepEd
15:49dyan.
15:50Si DSWD naman,
15:51tinutulungan niya
15:52yung pamilya ng bata.
15:54Tapos nun,
15:55in fact,
15:55hanggang testda,
15:56pag kaya nilang mag-testda,
15:57pinapatesta sila.
15:59So,
16:00para paglabas nila,
16:01meron silang work
16:02or kaya nilang
16:03ng independent living
16:04kung hindi sila
16:05nakakabalik sa pamilya
16:06dahil medyo
16:07dysfunctional yung family.
16:09Siguro,
16:09bilang panghuli na lamang po,
16:11attorney,
16:12mensahe na lamang po
16:13sa ating mga kababayan
16:15na nanonood
16:15at nakikinig,
16:16lalo na po sa
16:17kung paano tulungan
16:19at unawain po
16:20yung mga children
16:20in conflict with the law.
16:22Kasi,
16:22kanina pinag-uusapan natin
16:24na may malaki talaga
16:25yung role ng bagulan
16:26at may kasabihan nga,
16:28it takes a village
16:29to raise a child.
16:30Tama po yun.
16:30So, ano po yung
16:31kailangan natin gawin
16:32para kahit pa paano
16:34mabawasan yung mga
16:35kabataan
16:37in conflict with the law.
16:38So, unang-una,
16:40sa mga ating kababayan,
16:42mga adults,
16:43this is still
16:43an adult-controlled world.
16:45So, tayo talaga
16:46ang susi
16:47kung paano natin
16:48ayusin
16:49at bigyan ng guidance
16:50yung ating kabataan.
16:52So,
16:52ang first responsibility
16:53ay nasa atin.
16:55So,
16:55kailangan
16:55i-prepare natin
16:57yung environment
16:58at community
16:59para yung mga batang
17:00nakatira dyan,
17:02living there,
17:03and also yung mga darating
17:04ay maayos.
17:05At meron silang,
17:06may chance talaga silang
17:07mag-survive
17:08at mag-grow
17:09ng maayos.
17:10Sa ating mga kabataan naman,
17:12pakinggan natin
17:13yung tamang gabay
17:14ng ating mga magulang
17:15at mas nakakatanda
17:16sa atin.
17:17Huwag niyong sayangin
17:18yung future niyo.
17:19At para naman
17:20sa ating mga
17:21na-biktima,
17:23sana supportahan
17:24natin yung mga
17:25at na-biktima
17:26kung sila ay
17:26na-biktima ng krimen
17:28at sana makuha nila
17:29yung justisya
17:30na deserve nila.
17:32Alright,
17:32maraming salamat po
17:33sa inyong oras,
17:34Atty.
17:35Tricia Claire Oco,
17:36Executive Director
17:37ng Juvenile Justice
17:38and Welfare Council.
17:40Thank you, ma'am.
Recommended
1:15
Be the first to comment