Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Chino Gaston
00:30District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant District Engineer Bryce Hernandez at dating Assistant Engineer JP Mendoza.
00:38Ilan lang sila sa binansagang BGC Boys o Bulacan Group of Contractors, mga opisyal ng Bulacan First Engineering District na umaming sangkot sa pangdidispalko ng bilyong-bilyong pisong halaga ng pondo para sa flood control projects.
00:53Naungkat sa mga pagdinig ng Senado at Kamara ang kanilang mga pagkakasino kung saan bilyong piso ang kanilang naipatalo, pati na ang mararangyang kotse ng ilan sa kanila.
01:04Nakuha ng GMA Integrated News Research ang ilan sa kanilang mga statements of assets, liabilities and net worth.
01:11Si Alcantara na 1994 pa pumasok sa DPWH, taong 2019 nang maging OIC District Engineer ng Bulacan First District.
01:21Sa kanyang salen noong taon na yun, ang idiniklaran niyang net worth, nasa mahigit 6.4 milyon pesos lamang.
01:28Ang kanyang assets, nasa mahigit 6.7 milyon pesos.
01:33Pero kapansin-pansin na wala siyang idiniklarang mga pag-aaring lupa o bahay, may dalawang sasakyan lamang na nakasaad.
01:42Pagsapit ng 2020, noong ganap na District Engineer na siya, umakyat sa mahigit 9.5 milyon pesos ang kanyang net worth
01:49dahil sa paglaki ng halaga ng jewelries at appliances, pera sa bangko, pati cash on hand.
01:56Wala siyang utang noong taong iyon, pero wala pa rin nakadeklarang real estate properties.
02:03Nagpatuloy ang pagtaas ng kanyang net worth sa 2021, 2022 at 2023.
02:08Hanggang nitong 2024, ang kanyang idiniklarang net worth, nasa 17.7 milyon pesos na.
02:16Pero tulad ng mga nagdaang taon, walang nakadeklarang mga bahay at lupa sa kanyang mga ari-arian.
02:22Wala rin siyang inilistang liabilities.
02:24Si Hernandez naman ang unang pumiyok sa mga BGC boys at nagsabing na kinabang ang ilang senador sa mga kickback sa mga flood control project.
02:35Si Hernandez din ang nag-surrender ng ilang luxury vehicles sa ICI,
02:39kabilang ang isang Lamborghini Urus na nagkakahalaga ng mahigit 30 milyon pesos
02:44at isang GMC Yukon Denali na nasa 12 milyon pesos ang presyo.
02:49Noong 2019, nasa halos 8.2 milyon pesos ang idiniklarang net worth ni Hernandez.
02:55Kabilang sa kanyang assets, ang dalawang lupaing halos 1.9 milyon pesos ang halaga at mga kotse yung nasa 2.8 milyon pesos.
03:03Bagamat hindi nakadetalye kung ano-ano ang mga ito.
03:08Pagsapit ng taong 2020, ang kanyang net worth umakyat sa halos 12 milyon pesos ang kanyang real properties
03:14na dagdaga ng isang house and lot na nakasaad na isang donation kaya walang kaakibat na halaga.
03:21Sa kanyang salen noong 2023, idiniklaran na niya itong inheritance o manah.
03:27Lumaki rin ang halaga ng kanyang mga kotse at pera at nagdeklara ng insurance na halagang 1 milyong piso.
03:33Taong 2021, tumaas pa ang kanyang net worth sa halos 14.2 milyon pesos.
03:38Taong 2022, ang kanyang net worth naging halos 20.2 milyon pesos na.
03:44Kapunapuna, ang paglaki ng halaga ng kanyang mga kotse na nasa 10.8 milyon pesos na.
03:512023, ang kanyang idiniklarang net worth halos 28.7 milyon pesos.
03:56Ang kanyang mga negosyo na isa lang ang nakasaad sa kanyang 2019 salen naging tatlo na pagsapit ng 2023.
04:05Nagdeklara rin siya ng lupa na kanyaraw minanah.
04:09At ang kanyang idiniklarang mga kotse na sa 15.8 milyon pesos na.
04:14Ganyan din ang halaga ng kanyang mga sasakyan sa kanyang huling salen itong 2024.
04:18Pero, mapunapuna ang pagkakaroon niya ng utang sa bangko na nasa 20 milyon pesos na humila sa kanyang net worth pababa sa halos 8.7 milyon pesos.
04:30Bahagya lang na mas mataas sa kanyang salen noong 2019.
04:34Si Mendoza naman, halos 10.3 milyon pesos ang idiniklarang net worth noong 2019.
04:40Nagdeklara siya noon ng house and lot na nasa halagang 5.4 milyon pesos at isang SUV.
04:45Hindi nagbago ang kanyang net worth noong 2020.
04:49At bahagya lang tumaas sa mahigit 11.1 milyon noong 2021.
04:54Pero, kapansin-pansin naman ang biglang pagtalon ng kanyang net worth sa halos 20.2 milyon noong 2022.
05:01Nadagdag sa kanyang mga assets noon ang isa pang lupain na kanyaraw minanah.
05:05At pagtaas ng halaga ng kanyang mga sasakyan sa 9 milyon pesos 2023.
05:11Lalo pang lumago ang kanyang net worth sa mahigit 32.3 milyon pesos.
05:16Nadagdagan muli ang kanyang assets ng lupain na kanyaraw minanah na nagkakahalaga ng 12 milyon pesos.
05:23At nitong 2024, ang kanyang huling idiniklarang net worth nasa mahigit 33.6 milyon pesos na.
05:30Kasama rin sa pinangalanan ni Sen. Panfilo Lacson na miyembro ng BGC Boy si Engineer R.J. Domasig.
05:37Sa kanyang salen noong 2022, ang dineklaran niyang net worth nasa halos 11.6 milyon pesos.
05:43Umakyat ito sa mahigit 12.2 milyon pesos noong 2023 at tumalon sa halos 16.2 milyon pesos noong 2024
05:52dahil sa lupang kanyaraw minanah na nagkakahalaga ng 5 milyong piso.
05:57Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended